CHAPTER 24

1.6K 53 0
                                    

Grabe naman itong event na ito ngayong gabi, may pa party pa sila and it's already 12 midnight. Sabagay party nga eh.

Tapos may naririnig pa ako na baka daw may pa fireworks after para sa ending. After naman ng event na ito ay may bakasyon kami kaya nakakatuwa MWEHEHEHE

"Can I sit beside you?" Napalingon naman ako sa nagsalita at medyo nagulat pa ako dahil hindi ko siya inaasahan na lapitan ako.

It's Dennise.

"Sure." Ngumiti siya sa akin na sinuklian ko naman kaso maliit lang. Umupo naman siya sa tabi ko saka kumuha na rin ng isang basong wine sa dumaang waiter kanina.

Actually pinayagan na magkaroon ng alcoholic drinks ngayon, kaso wine lang. Okay na rin yun para iwas disgrasya pati baka kung ano-anong mangyari kapag nalasing agad ang mga nandito.

"Why are you here?" Tanong ko sa kaniya habang nakatingin lang sa baso ko at pinaglalaruan ito.

Nagulat ako kase napansin niya pa yung table ko eh nasa pinakasulok na ito.

"Wala lang. Nakita ko lang na mag-isa ka kaya naisipan kong lapitan ka."

"Taking your chance, huh?" Tumingin ako sa kaniya pero nakangiti lang ito ng malaki sa akin. Ang weird niya.

"Well I will take all the chances I can get." Ngisi niyang sabi saka kumindat pa sa akin.

"Uhuh..." Tumango na lang ako saka umiwas ng tingin at nanood na lang sa mga sumasayaw sa gitna.

It's too crowded...

Tumalumbaba na lang ako saka ininom yung wine.

"WAAAHHH LEIGH, ANG POGANDA MO NGAYON!!!" Napalingon naman ako sa sumigaw at pinandilatan ko siya ng mata. Kahit ang lakas na ng tugtog, mas nangingibabaw pa rin boses niya.

"Ano na naman?!" Inis kong tanong sa kaniya ng makaupo siya sa tabi ko.

"Aa ganyan ka na sa best friend mo? Parang walang pinagsamahan ah."

"Sinong nagsabi na best friend kita? Aba tinakwil ka kita! Sino ka ba?" Tinaasan ko naman siya ng kilay pero umirap lang siya.

"Napakasama talaga ng ugali." Bulong niyang sabi pero narinig ko naman.

"Edi wow Cehir." Inirapan ko siya pero dumila lang ito. Ampota!

"Sino naman yang kasama mo? Girlfriend mo?" Nanlaki naman ang mata ko saka hinampas siya sa braso.

Kay Dennise naman siya tumingin at halatang nagtatanong ang mga mata nito.

"What?! No-" Naputol naman ang pagsasalita ko ng biglang sumingit itong isa. Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya saka hinarap si Cehir.

"I'm Dennise and soon to be the girlfriend of your lovely friend." Nilahad naman ni Dennise ang kamay..

"YAH!" Inis ko na lang sabi sa kanilang dalawa.

Tangina naman nitong isa eh, kung ano anong sinasabi.

"Ohhh... Goodluck in hell I guess?" Nag-aalinlangan namang kinamayan din ni Cehir Si Dennise at may binulong pa ito pero hindi ko masyadong narinig.

Magrereklamo pa sana ako pero biglang may tumikhim sa unahan namin kaya napatingin ako.

GAGO? KANINA PA SIYA DYAN? HINDI KO MAN LANG NARAMDAMAN! AT BAKIT NAMAN NANDITO SIYA?

Because Of YouWhere stories live. Discover now