Chapter 33: Poisoned

184 5 0
                                    

love, feu: happy 2k reads! thank you, and very sorry for the late updates. school was really hard to adjust and I only got a lot of time now since it's Christmas break. happy holidays, everyone!

* * *

VAI.

Maaga akong nagising noong araw na 'yon dahil kinailangan kong maghanda. Ito ang araw na napag-usapan namin ni Rhian na gagawin ang project namin.

Nagpaalam ako kay Jam at nasanay na ako sa palagi niyang pagsermon sa akin at pagbilin na mag-iingat.

"Jam, hindi naman siguro siya gaya ng mga inakala niyo." I told her. Inaayos ko na ang sintas ng aking sapatos.

She rolled her eyes and grunted. "Hindi mo nga siya kilala! How can you assume that she's not evil if you don't even know her?"

Nagkibit-balikat ako. "Feel ko lang."

She unbelievably scoffed. "Masyado ka lang mabait. Alam mo namang hindi safe ang mga tao rito dahil lahat sila may hidden agenda, pero ikaw, you always try to find the good in them."

"Because I believe na hindi lahat ng tao nagiging masama nang walang dahilan," I looked at her. "Malay natin, napilitan lang silang maging masama dahil wala silang choice. Minsan, tayo rin ang gumagawa na sarili nating pinaniniwalaan kaya hindi na natin sila nava-validate."

"At bakit walang choice? Kung gugustuhin nila, pwede silang hindi maging masama." Kontra niya.

"Because life is hard. And some people choose violence because somehow, 'yon na lang ang nakikita nilang madaling daan para madaling makaahon sa kahirapan at mga problema. Para sa kanila, that's the only easy way out."

* * *

Nahirapan pa akong puntahan ang lugar kung saan nakatira si Rhian. Hindi ko pa rin natatanong sa kanya kung bakit hindi siya nakatira sa loob ng school at hindi siya nagdo-dorm. Pero may mga estudyante naman na pinapayagang tumira sa labas ng school, 'yon nga lang, dapat malapit pa rin ang bahay nila sa school.

Hindi nagtagal sa paglalakad ay may nakita akong bahay na malayo sa iba pang mga bahay. Napakunot ang noo ko dahil parang ito ang ang bahay na nalalayo mula sa ibang mga bahay.

I held the hem of my shirt tighter as I walked towards the house. Hindi ko nalang pinansin ang kaba ko dahil nakakatakot ang itsura ng bahay. Bahala na, gagawin naman namin 'to para sa project.

I knocked the door twice and then waited for an answer. Nang bumukas ang pinto ay inaasahan kong si Rhian ang bubungad ngunit nagulat ako nang makita ang isang matandang babae.

Katulad ko ay mukha rin siyang nagulat nang makita ako. "Oh! Kaibigan ka ba ng apo ko, iha?"

I was surprised for a second before I nodded. Kinuha ko ang kamay niya para magmano. Hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil hindi ko naman alam kung itinuturing ba akong kaibigan ni Rhian.

Tumango nalang ako sa huli para hindi na magtanong ang lola. "Opo, andito po ba si Rhian? Gagawa po sana kami ng project, e."

Just in time, Rhian got out of the room and ran immediately toward us.

"Doon ka na sa loob, La. Ako na po ang bahala rito, sabi ko naman sainyo magpahinga muna kayo, e." I watched how she held her Lola's hands and guided her to another room.

"Coffee? Water? Or juice?" She asked nang makabalik siya sa harap ko. Parang kanina lang ay ang soft niyang pakinggan ngunit bumalik muli ang misteryoso niyang mukha ngayon.

"Juice nalang." I answered as she guided me to sit down sa maliit na sofa nila.

Tinitingnan ko ang mga nasa cabinet nila ngunit ang tanging picture frame lang na nandoon ay isang punit na picture at tanging silang dalawa lang ang nakikita. May isa pa silang katabi na hindi mamukhaan dahil nasira ang sa side nito.

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now