Chapter 32: Befriend

84 14 2
                                    

VAI.

"Vai! Bilisan mo na at male-late na tayo!" Rinig na rinig ko ang boses ni Jam mula sal labas habang nag-aayos ako.

Ilang weeks nalang at matatapos na ang isang quarter sa Fryxelle High. Kumbaga sa isang normal na paaralan, hell week and exam week.

Nagbibihis ako ngayon ng pang-civilian dahil wala naman nang normal na klase. Ang tanging gagawin lang namin ay mag-attendance at gawin ang hindi pa namin nagagawa.

I just wore a simple oversized white t-shirt and mom jeans. With a pair of high-cut sneakers. And a small shoulder bag.

Nang lumabas ako ay nakabihis na rin si Jam at handa nang pumasok. Dahil sa nangyaring insidente, nagkaroon ng problema sa arrangement ng mga estudyante mula Alpha, Beta, at Delta.

Tanging ang Omega lang ang magkakasama hanggang ngayon dahil ang tatlong section ay pinag-isa kaya magkasama kami ni Jam sa iisang classroom kahit pa man Alpha ako at Beta siya.

"Tara na?" Tumango ako kay Jam at sabay kaming lumabas ng dorm.

Maraming estudyante ang nagkakalat sa school grounds at lahat ay busy dahil na rin sa pagmamadali. Dumiretso kami ni Jam sa room kung saang section kami naka-assign, mabuti na lang at wala pa ang professor kaya kaagad kaming nakahanap ng upuan na magkatabi.

"Alam niyo ba? May isang Top 10 daw tayo na makakasama sa class na ito." Rinig kong anunsyo ng isang babae na nasa kaliwa ko.

Napalingon si Jam doon at siya na ang lumapit para makiusyoso. Napailing nalang ako at inilabas ang librong dala-dala para magbasa. Ilang minuto rin silang nag-usap-usap doon habang nagbabasa lang ako dahil wala naman akong kinalaman doon.

Nang dumating na ang professor ay bumalik na ulit si Jam at nagawa pang isalin sa akin ang mga nasagap niyang chismis.

"May taga-Top 10 raw na napunta rito dahil Delta pa lang naman siya at hindi pa certified na Omega kahit kasama pa sa Top 10."

Nagkibit-balikat lang ako sa kanya at itinuon ang pansin sa harap. Bigla niya akong hinampas kaya napatingin ako sa kanya habang hawak ang braso ko.

"What?"

"Ano?!" Pasigaw niyang bulong. "Hindi ka man lang ba interesado na magiging kaklase natin ang isa sa high ranking na estudyante?"

Umiling ako. "It's none of our business, Janis Mariel." Umikot nalang ang mga mata niya at nangalumbaba sa arm chair niya habang bumulong-bulong.

"Feeling ko si Rhian Vargas 'yon, e. 'Di ba Omega naman na ang lahat ng Fryxelle pati si Rye?" Hindi ko alam kung ako pa ang kinakausap niya o ang sarili niya pero dahil hindi naman siya nakatingin sa 'kin ay hindi na ako sumabat pa.

Naging tama ang hula ni Jam dahil maya-maya lang ay may kumatok sa pintuan at iniluwa no'n ang nahihiyang mukha ni Rhian Vargas.

"Oh, here's our new student—well, not really. Pero bago pa lang siya sa section na ito, so technically, new student siya." The professor softly chuckled. "Anyway, class, please welcome Ms. Vargas as one of your classmate."

Napuno ng bulungan instead na pag-welcome ang buong klase kaya napatingin ako kay Rhian na halatang nahihiya. Napangiwi rin si Jam sa tabi ko at napailing.

Sumandal siya at bumulong, "That's what you get for throwing a high ranked student into a class full of low ranked students."

The professor cleared his throat. "Class, I said i-welcome. Hindi pag-chismisan. Are you not ashamed of yourself talking about someone in front of them?"

Natahimik ang lahat matapos noon. Napailing nalang ang professor at iminuwestra ang bakanteng upuan sa tabi ko.

"Since you are late, we'll have to follow the alphabetical order of seating arrangement. You can sit right next to Ms. Valle, Ms. Vargas."

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now