I Hope Your Fish is a Piranha in Disguise (Should've Called PETA Up on Your Ass)

Start from the beginning
                                    

Unprettier: Happy birthday [crush], wala nang aral-aral, ako nga buong araw hindi umasikaso ng acads dahil hinihintay ko yung 12 AM para mag-contemplate kung babatiin ba kita o hindi, kasi hindi mo rin naman ako pinansin noong--

Unprettier's Consciousness: CUT! STOP! MY GOD, MGA GAGO MGA ULOL!

[break]

Unprettier: Alright, buddy. I'm not listening to you anymore.


[UNPRETTIER consults a Magic 8 Ball instead - it says "concentrate and ask again later" on the first try and "better not tell you now" on the second try.]

Unprettier: I'm just going to cry myself to sleep now.

-

Binati ko rin naman siya the next day habang sumusugapa s Wi-Fi ng library namin. At sabi ko nga sa itaas, nauwi lang 'to sa pag-like. Lumiwanag nang kaunti ng mundo, tapos dumilim na ulit kasi wala na akong ina-anticipate. Charot, maybe that was just my hormones talking. If all this crap taught me anything, it's that "absence makes the heart grow fonder." Parang ayaw ko pang mag-grow apart. In the future, gusto ko pang maging evil tita na nagtuturo sa mga junakis ng blockmates ko kung paano mag-pick ng lock at gumawa ng deadly weapon gamit ang lata ng coke. Sana lang, sana talaga, mapatunayan namin ang forever 'til it's time to go to the 2x6 ft. hole in the ground.


[3] Na-segue nanaman discussion namin noong isang araw kasi nagbibigay ng life advice si prof. Sabi niya, "Sadness can slow you down but anger can boost productivity if you know how to handle it properly." Ginawa ko ang lahat para hindi magmukhang sad. Kaya lang, nagmukha naman akong constipated. Tinamaan ako noong sinabi ni prof na mas mabagal gumalaw ang malulungkot na tao kumpara sa iba dahil sinigawan nanaman ako kanina ng nanay ko kasi ang bagal ko raw magbihis.

May mga tao rin namang gumagawa ng magagandang bagay habang malungkot sila. Case in point, artists. Hindi ko alam kung mayroong ginaganahang gumawa ng standard deviation and variance table kapag malungkot. However, the thing that sucks about sadness is that you can't dictate when it's going to hit you. Minsan, naglalakad ka sa tanginang kalsada tapos bigla mong gugustuhing umiyak, kaso 'di pwede kasi maraming tao at masasagasaan ka ng jeep kapag hindi ka tumawid agad motherfucker. Mayroon akong motivation na magsusulat ng bullshit na ito kaso wala akong balak mag-aral at gumawa ng report. Gusto ko na lang kumain ng bubog.

Damn right.

Napansin ko lang din, ang shit ng groupmates ko sa isang course ko ngayon. Para bang prinsipyo nila sa buhay na gawin ang dapat gawin sa huling sandali. 'Nyeta, ganyan ba kahalaga lahat ng ibang bagay sa buhay nila para isantabi ang report namin o talagang wala lang silang pakialam? Kailangan pa ba sila sigawan ng prof araw-araw para gawin nila ang dapat gawin?

Umaattend ako ng counseling sessions ngayon at tinanong ko si counselor kung bakit sobrang wapakels ng mga tao. God, sabi niya masanay lang daw ako't magiging ~*better person*~ ako 'pag nalampasan ko 'to. Tapos pinagkamalan niya akong extrovert, tapos sabi niya sa akin "Marami kang friends sa campus one pero nahihirapan ka gumawang friends sa campus two? It's an opportunity to turn over a new leaf! Make friends!" Kung inspirational quotes mula sa middle-aged woman lang pala ang habol ko, bumili na lang sana ako ng religious book elsewhere. Ewan, may point ba? Alam kong ako talaga ang may problema at hindi 'yung mga taong sinasabi niyang kaibiganin ko. I'm not really sure if I can consider the people I usually talk to in campus two as my friends. Oks naman sila kausap, siguro oks lang din sa akin kumain sa labas kasama nila, pero hindi ko balak magpaka-deep sa kanila. Siguro nga, dumating na ngayon ang culture shock na hindi gaanong tumama sa akin sa campus one. Campus two looks beautiful as fuck, magaling mga prof ko, and everyone seems happy enough... but I can't seem to fathom how people can manage to make themselves happy (or at least look happy) while I'm in my circle jerk of despair with all the little people in my head. Yuck, feelings.


[4]

[SCENE: Ang taon ay 2015. First academic year ko sa unibersidad, second semester. Mainit ang hapon at maraming jinajabar. Umiinom ako ng tubig galing sa water fountain nang may dumaang dalawang lalaking nag-uusap nang malakas.]

Guy 1: Alam mo 'yung sabi-sabing may naghuhugas ng paintbrush at pinagkainang plato sa water fountain?

Guy 2: Baboy amputa!

[Nasa isip siguro ni Guy 1: Haha ambobo nung umiinom doon o. Nilalaplap pa yung spout.]

Para na rin nilang sinabi na "Haha, mga bobo lahat ng umiinom diyan. Motherf***ers, I hope you saved room for E. Coli!" ...o kung ano mang germs ang nakukuha mula sa water fountain. Wala naman akong magagawa kung may burak man ni Satan 'yung water fountain na 'yan. Mahal ko naman siya. Ayos lang naman sa akin abutin ng gabi kakahanap ng tamang angulong magpapalabas ng tubig sa lecheng fountain na 'yan dahil mahal ang tubig na binebenta sa food stall at hassle magbuhat ng sariling water bottle. Madalas akong umiinom doon pero hindi pa naman ako patay, so what's the point?

Umalis na 'yung dalawang lalaki pagkatapos magparinig and shit. Nagtinginan na lang tuloy kami nung ateng nasa bandang likod ko.

--x--

EDIT: Pucha, galing. May alignment tools na ang Wattpad.


Pwede na siguro akong

gumawa ng deep poetry shit

or something.






HippopotomonstrosesquipedaliophobiaWhere stories live. Discover now