Napansin ko ang biglang pagkalma ng katawan ko. Tanggap ko na talagang marupok ako. Sabi ko na nga ba marupok talaga ako. Tama nga si Jaydeen.

Natahimik ang paligid namin. Walang nagsasalita. Wala rin akong balak, hinayaan ko siyang manguna. Gusto kong malaman kung ano ang mga sasabihin niya. I should take this chance to tell him that he should leave the house and be with Tiarra's side now. Buntis si Tiarra. Hindi niya dapat maranasan ang naranasan ko no'ng buntis ako. Mag-isa lang. Walang asawa na palaging chine-check ang tiyan. Nakakaiyak kapag nakikita ko ang ibang buntis kasama ang asawa nila na nagpapa-check up.

"I'm sorry. I was wrong for hurting you. Slap me, punch me, whatever you want to do to me, my queen tatanggapin ko. Kahit anong pananakit ang gusto mong gawin, ayos lang sa akin. I can't say I didn't mean to hurt you because I already hurt you. Nasaktan na kita nang mga panahong 'yon, hindi ko itatanggi. Nagkamali lang ako na hindi kita pinakinggan. Nagpadala ako sa galit ko na naging dahilan ng pagsasabi ko sa'yo ng masasakit. I'm sorry, my queen. I'm so sorry! I love you! I love you, Acylle! Hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa'yo. I'm just blinded by my own anger. I'm so sorry!" Paulit-ulit na hingi niya ng paumanhin habang nakasubsob ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"Sa tingin mo makukuha ng sorry mo lahat ng sinabi mo sa akin? Lahat ng pananakit mo sa akin, ha?! Sinaktan mo 'ko, Hammer. Pinagmukha mo 'kong masamang tao sa harapan ng maraming tao! Sinabihan mo 'ko ng masasakit na salita na hindi ko inaasahan... sa'yo ko pala maririnig! I know I left you! Alam kong ako ang dahilan kung bakit gano'n ang tingin mo sa akin pero talaga bang dapat kong marinig mula sa bibig mo ang mga salitang 'yon? Gano'n na ba talaga kalaki ang galit mo sa akin, ha?!" Hindi napigilang sagot ko sa kaniya. Muli, umagos na naman ang masaganang luha ko. Matagal kong kinimkim ang mga salitang iyon.

Humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Narinig ko ang pagsinghot niya.

"I am sorry, I'm sorry, my queen. I'm sorry!" Tanging sabi niya.

I shook my head as I forcedly removed his hand on my tummy. "No, Hammer. Hindi enough ang sorry mo. Hindi matatanggal ng sorry mo 'yong sakit na naramdaman ko. Umalis ka na lang. Lubayan mo na kami ni Astrea. Baka sakaling dumating ang panahon na mapatawad kita." Ang sakit! Nasasaktan ako sa binitawan kong salita.

Lalo pa niya akong hinapit palapit sa kaniya at mahigpit na niyakap. Panay ang iling niya. Lalong lumakas ang pagsinghot niya.

"Ayaw ko! Ayaw ko, Acylle naman! My queen, please! Huwag mo naman akong ilayo sa anak natin! Ayaw ko ng malayo sa inyong dalawa, I'm begging you, Acylle! I'm begging you!"

Tangina naman, Hammer, eh!

"Reyna ko, saktan mo na lang ako! Alilain mo 'ko! Kahit ano huwag lang lumayo sa'yo, hindi ko na kaya, please! Hindi ko na kaya malayo sa inyo! Hindi ko kakayanin, nakikiusap ako!" Pagmamakaawa niya na may kasamang paghikbi. Awa na naman ang naramdaman ko pero nangibabaw sa dibdib ko na hindi puwede.

"Hindi mo ba ako narinig, ha?! Umalis ka na sabi! Umalis ka na! Bumalik ka na kay Tiarra! Bumalik ka na sa kaniya mas kailangan ka niya!" Kailangan ka ng anak niya, Hammer. Kailangan ka namin pero mas kailangan ka niya. Mahal kita pero hindi puwede... malabo na.

"Ayaw! Ayaw! Acylle naman, ih! Ayaw ko nga! Dito lang ako! Dito lang ako sa inyo ng anak natin! Hayaan mo naman akong mag-stay, please! Kahit hindi mo na lang ako pansinin, reyna ko huwag mo lang ipagkait sa akin ang pagiging tatay ko sa anak natin. Kailangan ko kayo! Kailangan kita!"

Suminghap ako bago magsalita. "Huli ka na para magpaka-tatay sa anak natin, Hammer dahil buntis na si Tiarra at magkaka-anak na kayong dalawa!" Mariin na sabi ko na ikinatigil niya.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon