CHAPTER 29

324 12 4
                                    

ACYLLE'S POV

Halos lumuwa na ang aking mata sa sobrang laki at matanggal na ang aking panga sa sobrang laki ng pagkakabuka nito nang makita ko si Hammer. Bago na ang hitsura niya—literal na bago. I looked at him from head to toe and back up. I can't believe his new look.

His beard is gone. His hair is not as long as it used to be. He looks like a kpop, his hair really suits him.

“Naglalaway ka na naman sa akin.” Nabalik ako sa realidad dahil sa biglang pagsasalita niya.

Pinilig ko ang ulo ko at sinara ang nakabuka kong bibig. He grinned as he looked at me.

“Am I handsome now, Acylle?” His grin grew even wider.

I gulped. “Y-You... you look... different...” I don't know how to compliment him on his new look. It's just that he's very handsome for me.

“I know, I know. You don't have to mention that.” He bit his lower lip.

Tumayo siya mula sa pagkaka-upo sa swivel chair at naglakad patungo sa akin. Ano na namang gagawin niya? I feel that he will flirt with me again.

Tama na, Hammer, baka hindi na ako makapagpigil.

Nakalapit na siya sa akin. Ilang dangkal na lang ang layo niya. Tumayo siya ng tuwid sa harap ko at sinuksok sa magkabilang bulsa ng pantalon niya ang kamay niya.

“Don't you have anything else to say to me, Acylle?” May pang-aakit na tanong niya.

“H-Huh?” Mawawalan yata ako ng laway sa kalulunok.

He chuckled softly. “Talaga bang guwapo na ako sa paningin mo at nagawa kong maging speechless ka?” Humakbang siya ng isa. “Am I more handsome than your husband who was the reason why you left me?” He took small steps towards me. He raised one eyebrow while smirking.

“H-Hammer...” Utal na banggit ko sa kaniyang pangalan habang paatras nang paatras sa likuran.

“Hmm?” He hummed as he continued walking towards me.

Lalong nagkagulo ang mga laman-loob sa tiyan ko nang mapagtantong isang hakbang na lang at talagang mahuhuli na niya ako. Todo pa rin ang atras ko ngunit maingat ang bawat hakbang ko. Mahirap na baka matumba pa ako tapos sabay kaming mapahiga tapos mawalan ng damit—este balanse.

“HONEYYYYY!” Isang malakas na tili nang biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng tiling iyon.

Nandito na naman 'tong higad na 'to!

Yumapos agad siya sa leeg ni Hammer at pinaulanan ito ng halik sa pisngi. Kadiri naman 'tong mga 'to sa harap ko pa talaga? Anyway, maganda naman ako hindi hamak sa kaniya kaya wala akong pake.

Hinintay ko na lang siyang matapos sa kahahalik kay Hammer. Hinaharangan nila ang daan ko. Ang rude naman siguro masyado kung sisingit ako sa gitna nila tapos sasabihin lang na pupunta na ako sa table ko at magsisimulang mag-trabaho hindi ba?

Ayaw pa yata nilang matapos. Hindi na ako nakatiis kaya naman tumikhim na ako upang kunin ang atensyon nila. Nagtagumpay naman ako at tumigil sa kahahalik si Tiarra kay Hammer at lumingon sa akin.

Playful TemptationWhere stories live. Discover now