CHAPTER 41

328 6 0
                                    

This chapter is dedicated to @gabriellepaulaponso can't mention and @trix.sharcm can't mention too. Thank you!

ACYLLE'S POV

Sa ilang araw na pamamalagi ni Hammer sa bahay ay gano'n nang gano'n ang set up naming dalawa. Kung kakain siya, bumili siya. Kung maliligo siya, bibili rin siya ng sariling shampoo niya. Mas lalo ko pa siyang pinahirapan dahil nilagyan ko ng lock ang refrigerator kaya hindi siya makakuha ng pagkain. Kita ko rin ang ang hirap sa mukha niya at halatang nagtitiis na lang siya sa pangalan ng anak niya. Naaawa rin naman syempre hindi naman ako gano'n ka-tigas pero kasi kapag nakikita ko siyang nagmamatigas o kaya naman parang nagmamalaki pa sa akin na kaya niya kahit wala ang mga bagay na 'yon naiinis ako. Hindi naman kasi iyon ang gusto kong respond! Hindi naman iyon ang inaasahan kong gagawin niya. Umaasa ako na magso-sorry siya hindi ika-counterpart niya sa kung ano-anong bagay ang pagpapahirap ko. Lalo lang tuloy kumukulo ang dugo ko sa kaniya.

“Acylle, nasaan ang ulam?!” May halong panggigigil na tanong niya sa akin. Paboritong adobo niya ang niluto ko. Sigurado akong magso-sorry na siya ngayon at magmamakaawa na humingi sa akin.

“Tinago ko, bakit? Ako naman ang nagluto no'n, ah!”

“Acylle, pera ko ang binili mo ng ingredients! Akin 'yong patatas na 'yon!”

Napatayo ako mula sa pagkaka-upo. “Sinusumbatan mo ba ako ng mga binili mo rito sa bahay, Mr. Coulter? Sinabi ko bang mamili ka tapos isumbat mo sa akin, ha?!” Nagsisimula na namang uminit ang ulo ko. Palagi na lang.

Napahilamos siya gamit ang isang palad. “Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin, Acylle! Wala namang hustisya 'yang ginagawa mo! May share ako kaya dapat makatikim ako ng luto mo! You are so unreasonable!” Paliwanag niya.

Tinakpan ko ang tainga ko. “Ayaw kitang pakinggan! Bahala ka diyan!” Pagmamatigas ko.

“Put— bahala na nga! Late na ako!” Inis na sabi niya. Dinampot niya ang coat niya at nagmamadaling lumabas ng bahay.

Nang hindi ko na siya matanaw siy saka ko lamang inalis ang pagkakatakip ng palad ko sa tainga niya. Pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa sofa. Talaga bang ang unreasonable ng ginawa ko? Bakit hindi na lang kasi siya magsabi sa akin at humingi ng sorry? Hammer naman, eh! Mahirap ba ang gusto kong iparating sa'yo? Bibigyan naman kita kung makikiusap ka ngayon. Tangina naman ang hirap kapag hindi maintindihan ng lalaki ang nararamdaman at gustong sabihin ng babae! Gusto ko ng maiyak dahil hindi naman talaga ito ang nais kong mangyari. Malayo sa nangyayari ang inaasahan ko.

Binagabag ako ng konsensya ko ng maalala na nagpuyat pala siya kagabi sa paggawa ng mga papers para sa meeting nila ngayong umaga tapos hindi ko siya pinakain. Mukhang sumobra nga yata ako ngayong araw. Hindi ko na naisip ang mga ginawa ni Hammer kagabi. Lalo akong napasimangot at nalungkot. Tangina mo naman kasi, self nasobrahan ka sa kaartehan! Ano ng gagawin ko? Hahatiran ko siya ng pagkain o huwag na? Ang hirap naman magdesisyon kapag pinipigil ka ng pride mo, oh! Paano kapag pumunta ako roon tapos makasalubong ko si Tiarra. Baka isipin na naman niya inaaway ko ang girlfriend niya. Huwag na nga lang!

“Mommy? Umalis na po ba si daddy?” Tanong ng kagigising lang na anak ko.

Tumango ako. “Oo, baby umalis na si daddy.” Sagot ko sa kaniya.

“Sabi po ni daddy hindi po siya aalis ngayon kasi magpi-play kaming dalawa.” Malungkot na saad nito habang kinukuskos ang isang mata niya.

Playful TemptationWhere stories live. Discover now