CHAPTER 40

382 7 3
                                    

This chapter is dedicated to Akio4167 thank you po!

ACYLLE'S POV

Tinatak ko sa isipan ko ang sinabi ni Hammer na hindi libre ang pagtira na gagawin niya rito. Dahil sa sinabi niya, sana lang handa siya sa mga ipagagawa ko sa kaniya. Kung hindi para kay Astrea hindi ko siya hahayaang tumira sa pamamahay ko. May bahay naman siya, malaki pa nakikipag-siksikan sa amin.

“Fuck!” Mura niya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa sofa na tinulugan niya.

“Mabuti naman at gising ka na. Sumikat na ang araw, natutong na ang puwit mo, ngayon ka lang nagising!” Sermon ko sa kaniya habang nakapamewang.

“What time is it?” Ang sosyal naman nito magtanong ng oras.

“Good morning, daddy!” Masiglang bati sa kaniya ni Astrea ng may ngiti sa labi. Nilapitan siya nito at niyakap sabay pinaulanan ng halik sa pisngi.

Teka, bakit ako isang kiss lang kanina? Ang unfair, ha!

“Good morning, baby!” Inupo niya sa hita niya si Astrea.

“Hihi, you're so handsome po, daddy!” At may pambobola pang nagaganap sa kanilang mag-ama. Hindi na talaga tama 'to.

Tumikhim ako upang kunin ang atensyon nila. Umangat nga ang tingin sa akin ni Hammer ngunit si Astrea nakatitig lang sa kaniyang daddy. Anak, ako nanay mo. Ako nag-iri sa'yo hindi 'yang daddy mo na gumawa na naman ng bagong panganay sa ibang babae.

“Ang sabi mo hindi libre ang pagtira mo sa bahay na 'to hindi ba?” Inuulit ko lang ang sinabi niya kahapon dahil baka nakalimutan na niya.

“Yeah.” Tanginang sagot mo 'yan, Hammer! Talagang nanggigil ako sa'yo!

“Oh? Ano pang hinihintay mo? Marami kang lilinisin at wawalisan, oh!” Taas-kilay na sabi ko habang nakaturo ang kamay ko sa mga kalat.

“Saglit lang, ha? Hindi pa ako kumakain.” Pagtataray na balik niya sa akin. Lalo lamang kumulo ang dugo ko sa galit.

Talagang nagmamataas ang lalaking 'to. Palibhasa pabor ang anak niya sa pagtira niya rito akala mo kung sino na. Nakakalimutan niya yatang ako pa rin si Acylle—ang boss na Acylle. Tatanggalin ko ang angas ng lalaking 'to!

“Daddy, eat ka na po!” Bumaba si Astrea sa hita niya.

Inakay niya ang daddy niya papuntang kusina. Talagang unfair na ang buhay ngayon. Inaasikaso niya ng husto ang daddy niya samantalang ako, hayss. Nakakaramdam din ako ng selos 'no! Nauunawaan ko naman na nangulila si Astrea sa daddy dahil ilang taon niyang hindi nakita o nakasama ito. Jealous lang talaga ako kasi palagi niyang kinakampihan ang daddy niya kaya lumaki tuloy ang ulo. Feeling boss na siya ngayon kung umasta. Nakalimutan na agad niya ang sinabi niya na tatanggapin niya kahit ang punishment ko. Napunta lang kami sa hospital—

“FUCK!” Dinig kong mura niya kasabay ng pagbagsak ng takip ng kaldero.

Oo nga pala nakalimutan kong may ginawa akong kalokohan ngayon.

“Nasaan ang pagkain, Acylle?!” Galit na tanong niya nang makalabas sa kusina.

Taas-kilay ko siyang hinarap. “Oh? Bakit naghahanap ka ng pagkain? Akala ko ba hindi libre ang pagtira mo sa bahay na 'to? Bumili ka ng pagkain mo kung gusto mong makakain, Mr. Coulter. Ang budget namin dito para sa aming dalawa lang. Hindi pa kami handang umampon ng panibagong palamunin.” Walang habas na saad ko.

Napabulalas suya ng sunod-sunod na mahihinang mura. Pigil na pigil naman ang tawa ko. Tignan ko lang ang angas mo ngayon, Hammer. Maling hinahamon mo ang isang Jacinto. Wala sa lahi namin ang nagpapatalo.

Playful TemptationWhere stories live. Discover now