CHAPTER 38.1

350 8 3
                                    

This chapter is dedicated to Xtreme_uniqueness, Qunniebabez, and christrealz thank you so much po!

Continuation....

ACYLLE'S POV

Nagkakalabitan kaming dalawa ni Jaydeen. Papasok na siya sa loob ng simbahan at ilang minuto na lang maglalakad na ako sa aisle.

“Puwede ka pang tumakbo, bakla kung gusto mo.” Bulong ko sa kaniya habang nakatingin kami sa mga abay na nagpi-picture.

Tumingin siya sa akin. “Tingin mo makakatakbo ako?! Baliw ka! Nandito na 'to panindigan na lang natin!”

“Nasaan na po ang groom?” Tanong ng babae na dumungaw sa pinto.

Tumayo si Jaydeen mula sa pagkaka-upo sa kama. “Nandito.” Sagot niya gamit ang malaking boses.

“The wedding is about to start na po, Sir. Lumabas na po kayo.”

Tumango si Jaydeen at sumunod sa kaniya. Kami na lang ng anak ko na flower girl at maid of honor ang naiwan dito. Naka-blue na gown sila dahil ayon ang nakuhang theme namin ni Jaydeen. Blue at black dapat 'yan kaso hindi pumayag ang organizer. Mas desisyon pa siya sa amin hindi naman siya ang ikakasal. Gusto nga namin black dahil pareho naman kaming broken hearted. Pareho kaming hindi pinaglaban, kawawa naman kami.

“Mommy, are you nervous po ba?” Tanong ng anak ko na naka-upo sa gilid ko.

Umiling ako. “Hindi po. Why, my baby?” I asked.

“Because I am nervous. You are going to marry dada, how about my daddy po?” Natigilan ako sa tanong niya.

Paano ko ba sasagutin ang tanong niya?

Titig lang ang nagawa ko, hindi ko talaga alam paano sasagutin ang tanong niya. Paano ko sasabihin sa anak ko na malabo ng maging magkasama kami ng daddy niya? I shook my head. Hindi pa ngayon ang oras. Masyado pang bata ang anak ko at hindi niya maiintindihan ang bagay na 'yon. Pero, ano bang dapat kong isagot.

Na sa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng bumukas ang pinto. Sabay kaming napatingin ng anak ko.

“Congratulations!” Masayang sambit ni Lucille. Niyakap niya ako ng mahigpit.

“Congratulations po, tita sana magkaroon po kayo ng maraming baby ni tito Jay!” Lumaki ang mata ko sa ginawang pagbati ni Zhairo.

“Wahhhh! Maraming baby tapos papa-alagaan sa atin ni tita, yieee!” Kinikilig na sagot naman ng kapatid niya.

Nag-dou pa nga!

May panlalaki ang mata kong tinignan si Lucille. “Ikaw! Kung ano-ano na lang ang tinuturo mo sa mga bata!” Sisi ko sa kaniya.

“Anong ako? Narinig nila 'yan sa mga damuhong na nag-iinuman kagabi 'no! Inaasar nila si Hammer na kapag kinasal kayo ni Jaydeen magkakaroon kayo ng maraming baby tapos ang gagawing babysitter ay ang mga anak ko. As if naman papayag ako. Payag lang kami kung 50k ang bayad kada oras!”

“Wow! Kung palayasin ko kaya kayong tatlo, ano?!” Banta ko sa kanila.

Zhairo raised his palm. “Hep, tita! You shouldn't do that! We are here to witness the most beautiful and happy moment of yours. Don't ruin your mood just because of my mom, hehe!”

Playful TemptationWhere stories live. Discover now