Chapter 17 : Bad News

Start from the beginning
                                    

"Pero sa'kin nakakapag secret ka na? grabe ha Danelay. What if I didn't ask? edi hindi mo talaga sasabihin sa'kin?" teka nagtatampo ba ang mokong na 'to?

"Eh sorry na, busy tayo pareho kaya hindi ako gaanong nakakapagsabi sa'yo".

"Kahit na! you know naman na basta sa chismis may oras ako eh" nag cross armed pa ito habang nakasimangot sa'kin.

"I'm sorry, okay? Next time, promise magsasabi na ako sa'yo agad" tinaas ko pa ang kamay ko na parang nagsasambit ng panata.

"Weh".

"Oo nga, gusto mo mag club tayo mamaya? Huwag ka na magtampo kasi hindi bagay sa'yo" pang aasar ko.

Lumiwanag naman ang mukha nito nang marinig na banggitin ko ang 'club'. Edden moments. "Okay, fine. Club mamaya ha?" Bilis magbago ng mood niya, gosh.

"Oo na".

Bumalik na kami sa hallway at nandon pa rin si Zion naghihintay. Tibay din ng isang 'to. Akala ko aalis na siya sa tagal ng usapan namin ni Edden kanina.

"Una na 'ko, Dane. See you later!" she even winked at me. Alam ko ang nasa isip niya ngayon. "Bye Zion" she waved her hand to Zion.

"So, how's your weekend?" putol ni Zion sa katahimikan naming dalwa. We're walking papunta sa HM building, ihahatid niya ata ako eh kaya ko naman maglakad mag isa.

"Okay naman, how about you?".

"Boring as always, I want to see you everyday Dane. Seeing you makes my day complete" he said.

Cringe...

Hindi ako naka imik. I don't know how to react or what to react whenever he says those kinds of words.

"Okay na ako rito, Zion. Thank you nga pala sa chocolates".

"You're welcome. See you around, Dane" tinanguan ko na lamang ito bago siya tuluyang umalis.

"Pres!".

"Ay palaka!" I screamed loudly. Pano ba naman kasi sinundot ni Axel tagiliran ko. "Tarantado ka!".

"Aray ko President!" himas himas nito ang braso niyang nahampas ko ng paper bag. "Pres, nanliligaw ba sa'yo 'yon?".

"Ba't mo naman gustong malaman?" sabay kaming naglakad papasok ng room namin.

"Wala naman, I'm just curious" Axel said. Nagkibit balikat na lamang ako at umupo na sa chair ko.

"Pres, ano 'yan?" pagka upo ko, nilapitan agad ako ni Jerric at Sean.

"Alin?".

"That thing" nakanguso pa ito, 'yong paper bag lang pala ang itinuturo.

"Ah, ito ba? chocolates 'yan, gusto niyo?" well, hindi ko naman kayang kainin lahat 'yon. Why not ishare ko sa mga classmates kong makukulit?

"Tinatanong pa ba 'yan, Pres? Siyempre oo agad sagot namin" natatawang sabi ni Jerric. Binigyan ko naman sila ng tig isang chocolate. Medyo malaki rin 'yon, ewan ko na lang talaga kung hindi pa sila ma-umay kakakain ng chocolate. "Thanks Pres!".

"Pres, kami ba wala?" singit ni Clark. Binigay ko na sa kanila lahat ng chocolates pero nagtira ako ng isa at nilagay ko muna sa bag ko. Baka kailanganin ko ng energy mamaya eh. Sinama ko na rin 'yong paper bag, bahala na sila magtapon non.

After a few minutes, dumating na si Miss Venzon. Damn, I miss her. Parang gusto ko makipagbebetime maghapon sa kaniya mamaya.

"Good morning, class".

"Good morning, Miss Venzon".

"Let's have a long quiz" 'yon agad ang bungad niya saamin. After a tiring week, long quiz talaga?

Chasing my Dreams Where stories live. Discover now