Chapter 17 : Bad News

344 22 5
                                    

CHAPTER 17

After a tiring week, balik na ulit sa normal ang University. I still can't believe na ako ang nanalo last week. I'm too overwhelmed.

"Danelay!" boses iyon ni Edden. Patakbo ako nitong sinalubong dito sa hallway at hingal na hingal pa.

"Oh, Edden. Saan ka ba galing?".

"Wait" she paused, she's holding her chest para habulin ang hininga niya. "Nakita mo na ba?" hindi ko alam ang nais sabihin nito ni Edden.

"Ang alin? Edden, just tell me what's going on" I seriously said dahil gusto ko na malaman kung anong nangyayari. I just arrived here at the University kaya naguguluhan ako sa pinagsasabi ni Edden.

"Look at this" Edden showed me the pictures on her phone. And there I saw the representatives of every department. Ito ba 'yong sinasabi nilang pageant kada taon? Kasali naman ako sa group page na 'to pero bakit hindi nag notif sa'kin?

Agad kong kinapa sa bulsa ng uniform ko ang phone ko, but I can't find it talaga. Oh, shoot, I forgot to bring it.

"Anong hinahanap mo?" nagtatakang tanong ni Edden.

"I forgot my phone" nasampal ko na lang ang noo ko dahil medyo nagiging makakalimutan na ako ngayon.

"Ay tanga" sinamaan ko naman ng tingin si Edden at basta ko na lamang inagaw ang phone niya. I want to know if Miss Venzon is the representative for our department. I just scroll and scroll, God, where is the Hospitality Management Department!?

"Hey, easy! baka naman masira 'yang phone ko" biro ni Edden. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa representative ng department namin hanggang sa makita ko na. Holy moly donut. Siya nga ang representative ng department namin!

"AHHHHH!" hindi ko na napigilang hindi mapatili nang makita ko ang kanina ko pa hinahanap.

"Hala hoy! are you okay!?".

"Look, Edden!" pinakita ko sa kaniya ang picture ni Miss Venzon. My goodness, she's so fucking hot.

"Oh my—".

"Oh, oh. Akin 'yan" pinandilatan ko ito ng mata.

"Hindi ba pwedeng namangha lang? hindi ko naman inaangkin eh" she said while pouting, hindi naman bagay.

"Hindi ba kasali si Miss Marquinez dito?" tanong ko.

"Nah, hindi ako pumayag".

"Ay wow? desisyon ka na Edden?".

"Just kidding, ayaw niya eh. She's not into modeling daw" Edden said.

I remembered what Soleen told me about Miss Venzon. After niyang maging lead vocalist nung college sila, she entered modeling. I'm excited to watch her joining this pageant!

"Girls".

"Hi, Zion" bati ni Edden. Nandito na naman si Zion na kailangan kong iwasan maghapon kung gusto ko pang mabuhay ng matagal dahil baka ibaon ako sa lupa ni Miss Venzon kapag nakita na naman niyang magkasama kami.

"Uhm, for you Dane" may inabot sa'kin si Zion na paper bag na agad kong sinilip ang laman. Puro chocolates 'yon na halatang imported.

"Thank you, Zion".

"Uhm.... can I have a word with my pretty friend? excuse us for a moment" Edden said.

"Yeah, sure".

Agad akong hinigit ni Edden palayo kay Zion. "Ano 'yan ha? umamin ka nga, nanliligaw ba sa'yo si Zion?".

"Ah... e-eh... oo" sagot ko.

"What the? magkapatid pa talaga? Does Miss Venzon know about this?".

"Of course, I can't hide a secret from her, Edden" saad ko.

Chasing my Dreams Onde as histórias ganham vida. Descobre agora