"Worth it ang pagod sa pag-akyat kung ganito kaganda ang bubungad sa'yo." 

Tama si Fatima sa sinabi niya. Ang ganda ng lugar na ito. Kung gusto mong magpahinga ay perfect itong lugar na ito. 

Hindi mo kailangan ng social media. Kahit maghapon mong titigan ang lugar ay hindi ka talaga magsasawa.

Tatlo ang tent namin dito. Sa isang tent ay kami nina Fatima, Julianna, at Mila. Anim na tao naman kasya rito. Sa isang tent naman ay sina Laurence, Kent, Migs, at Keith. Sa ikatlong tent naman ay si Ivan.

Inayos na rin namin ang aming mga gamit pagkatapos maitayo ng mga tent. Inihanda na rin namin ang mga pagkain. Kakain na kami ng tanghalian. Salamat sa Diyos at hindi mainit ngayon.

"Kakain na tayo!"

Kanya-kanyang pwesto ang aming ginawa. Nagsimula na kaming kumain pagkatapos magdasal.

"After nito pumunta tayo sa ilog, guys!"

Excited na sabi ni Mila. Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi niya. Gusto rin kasi naming pumunta ron.

"Amery, kayo na ba ni Ivan?"

Nabigla ako sa tanong ni Fatima. Bakit ba inuunahan niya ako? Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko.

"Alam ko naman kasing sweet kayo. Pero mas iba ang ngayon, mas naging sweet kayo sa isa't isa." Dagdag pang sabi ni Fatima.

"Yes. Amery is my girlfriend now."

Si Ivan na ang sumagot sa kanya. Mukhang naramdaman ni Ivan na hindi ako makasagot. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa wakas ay alam na nila. Naghiyawan pa ang mga kaibigan namin.

"Aha! Sabi ko na nga ba. Matagal ka na naming gustong tanungin, Amery. Sabi mo kasi ay sasagutin mo siya after graduation."

Tumango ako. "Sinagot ko si Ivan after graduation."

Ikinuwento ko naman sa kanila kung paano naging kami ni Ivan. Tilian ng mga babae at hiyawan ng mga lalake ang namayani sa tahimik na lugar.

Natapos na kaming kumain. Iniligpit na namin ang aming mga pinagkainan. Nang makapag pahinga na kami ay nagpalit na kami ng aming mga damit. Magtatampisaw na kami sa malinis na tubig.

Kaunting lakaran lang naman ang aming ginawa bago makarating sa ilog. Nakahawak si Ivan sa kamay ko. Inaalalayan niya rin ako dahil may mga bato.

"Be careful, baby."

Ang soft naman ng boses ng lalaking ito. Mas soft pa ata sa boses ko. Dinaig pa ako ng boyfriend ko.

Naks, 'boyfriend' na, hindi na 'crush'.

Mababaw lang naman ang tubig. Mahina lang din ang agos nito. Ang lamig ng tubig kaya ang sarap magtampisaw dito, pero giniginaw din ako. Makikita mo rin ang ilalim nito dahil sa linaw ng tubig.

"Ivan, ang lamig ng tubig." 

Giniginaw na sabi ko. Nanginginig na rin ang labi ko dahil sa lamig, sumasabay pa ang lakas ng hangin.

Marahan niyang hinila ang kamay ko. Pinalapit niya ako sa kanya. Niyakap niya ako nang mahigpit. Wala na akong nagawa kung hindi ang gumanti ng yakap sa kanya.

"Better?"

Tumango ako. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Naramdaman kong hinalikan niya ang ulo ko. Bumulong siya sa akin.

"I love you."

Inangat ko ang ulo ko sa kanya at nginitian ko siya.

"I love you, too."

Nahiya naman ako ng maalala na kasama pala namin ang mga kaibigan namin. Hindi namam nila narinig ang mga sinabi namin. Pero nakita pa rin nila na magkayakap kami. Humiwalay na ako sa yakap. 

"Okay na ako, Ivan. Salamat."

Tumango lang siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko nang magkahiwalay na ang aming mga katawan.

"Tama na muna ang bebe time niyo. Pumunta muna tayo sa cave."

May cave nga pala rito malapit sa ilog. Naglakad na kami para puntahan iyon. Mula rito ay kitang-kita ang kuweba. 

Nang makapasok sa loob ng kweba ay namangha kami sa aming nakita. Sa loob ng kweba ay may tubig. Sa tantya ko ay mas malalim ito nang bagya sa ilog. Sobrang linaw din ng tubig. 

"Wow! Ang ganda rito!" Wika ni Mila.

"Subukan ko kung hanggang saan ang tubig."

Dahan-dahan na lumusong si Keith sa tubig. Hanggang bewang niya ito. Tama nga ako, mas malalim ito kumpara sa ilog. At mukhang ang tubig dito ay galing din sa ilog.

"Tara na!"

Malawak din ang espasiyo nito. Kasyang-kasya kahit marami kayo. Naunang bumaba sa Ivan sa tubig. Nang makababa na siya ay inalalayan niya naman ako.

Hindi malamig ang tubig dito. Tamang-tama lang ang timpla. Mas maganda rito kumpara sa ilog. 

Sa sobrang ganda ng kweba ay gabi na nang pumunta kami sa aming tent. Nagpalit na kami ng mga damit at nagpatuyo.

Nang makapag pahinga ay naghanda na kami para sa aming hapunan. Mukhang napagod ang lahat kaya naparami ang kain namin.

Dahil sa pagod ay maaga kaming pumasok sa tent. Tanging mga kuliglig lang ang naririnig ko. Nilingon ko ang mga kasama ko. Ang sarap na ng tulog nila.

Kanina pa ako rito na nakagising. Hindi ako dinadalaw ng antok. Hindi naman ako nagkape. Baka hindi lang talaga ako sanay.

Nang hindi ko na matiis ay lumabas ako ng tent para magpahangin. Baka sakaling antukin ako. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. 

Ilang minuto akong nakaupo sa upuan nang may narinig akong ingay na nanggagaling sa tent ni Ivan.

Binuksan ni Ivan ang kanyang tent. Nagulat ito nang makita ako sa labas. Halatang hindi rin ito makatulog. Base sa kanyang mukha ay hindi ito bagong gising.

"Baby? Why aren't you asleep?"

"I can't sleep. Ikaw, bakit gising ka pa?"

Lumabas siya sa tent niya at tumabi sa akin. Isinandal niya ang ulo kanyang ulo sa balikat ko.

"I can't sleep, too, baby."

Ilang minuto kaming nasa gano'n ang posisyon. 

"Ivan."

Hindi ito kumibo. Tinawag ko ulit siya pero wala pa rin siyang response. Nang tignan ko siya ay nakatulog na siya. 

"Ivan."

Tinapik ko ito nang marahan. Unti-unti naman itong nagising. 

"Ivan, pumunta ka na sa tent mo. Nakatulog ka na sa balikat ko."

Umiling ito na parang bata. "Hindi na ako makakatulog kasi wala ka."

Naawa naman ako sa mukha dahil kitang-kita na gusto niyang matulog. 

"Tara, sasamahan kita hanggang sa makatulog ka."

Tumayo na siya. Naglakad na kami at pumasok sa tent. Nauna siyang humiga. Sumunod ako sa kanya. Ipinikit niya ang kanyang mga mata. 

Gamit ang kamay ko ay sinuklay ko ito sa kanyang buhok. Unti-unti kong narinig na bumibigat na ang kanyang paghinga. Hudyat na nakatulog na siya.

Unti-unti na ring bumigat ang aking mga talukap. Hindi ko na nagawang umalis pa dahil tuluyan nang binalot ng dilim ang aking mga mata. 

Her Asset حيث تعيش القصص. اكتشف الآن