Episode 19 - Finding Kann [2/2]

Start from the beginning
                                    

“Maghiwa-hiwalay tayo,” suhestiyon ni Gemini kaya dumako ang mga mata nila sa binata.

“Hindi,” tutol agad ni Clyvedon kaya nalipat sa kanya ang tingin ng mga kasama niya. “Ako na ang bahala kay Luke. Ako na ang bahalang maghanap at humuli sa kanya.”

Umapela ang lahat: “Pero . . .”

“Just stay here!” paghihimutok ng binata.

“Sasama ako sa ’yo, Clyve,” anang kaibigan niyang si Richmond. “Nangako ako sa mommy ni Luke na hahanapin ko rin siya.”

Bumuntonghininga si Clyvedon. Wala siyang nagawa kun’di tumango. Minanduan ng binata sina Soichi, Aneeza, at Gemini na manatili sa tindahan ng libro. Kokontakin niya lang sila kung kailan sila maaaring humingi ng tulong sa mga pulis—kapag sigurado na siya sa lokasyon ni Luke.

Gamit ang sasakyan ng ama ni Richmond, sinuyod nila ang mga lugar na maaaring kinaroroonan ni Luke gaya ng mga gusaling malapit sa Morlon Street. Huli nilang ginalugad ang mga nakapalibot sa plaza; naalala nilang doon palaging tumatambay si Luke at may mga binibisita itong establisyimento roon.

“Kailangan nating maghiwalay para madali natin silang mahanap,” nag-aapurang mungkahi ni Clyvedon, punong-puno ng desperasyon ang mga mata niya.

Agad naman siyang tinanguan ni Richmond. “Sige.”

Doon ay tuluyan na silang naghiwalay ng landas. Habang walang-habas sa pagtakbo, rumaragasa naman ang mga luha sa pisngi ni Clyvedon. Gayumpaman, hindi niya iyon binigyan ng atensyon. Kumakapit siya sa pag-asang mahahanap niya si Kannagi at muling masisilayan ang mukha ng kanyang minamahal.

• • • • •

Sa walang katao-taong sementeryo, makikita ang isang binatang walang tigil sa paghikbi. Patuloy ang pagtaas-baba ng kanyang magkabilang balikat habang tumutulo ang mga luha sa puntod ng babaeng minahal niya na si Hasna. Sa ilang araw niyang pagkukulong sa sariling kuwarto, unti-unti siyang tinamaan ng realisasyon.

“W-what have I done, Has?” ang nasabi ni Luke sa pagitan ng pagsinghot. “S-sobrang mali ’yong ginawa ko. Kay Clyve . . . kay Clyve ko ibinunton ang sisi. Ang sama kong kaibigan.”

Inuusig siya ng kanyang konsensiya simula noong sinabi ng kanyang ina na si Kannagi ang nagsugod sa kanya sa ospital. Ang binata ang dahilan kung bakit humihinga pa siya ngayon, kahit na sinira niya ang relasyon nila.

“K-kailangan kong humingi ng sorry,” pagpapatuloy niya. Sa puntong iyon, tuluyan na niyang pinahid ang kanyang mga luha. “Kailangan kong i-explain na ’yong video na ipinakita ko, ’di ’yon ang buong kuwento. Gusto ko silang magbalikan, Has. Pareho silang mabait sa ’kin. ’Di nila deserve ’to. I need to do something. ’Di man nila ako mapatawad agad, at least magkaayos silang dalawa. Alam kong mahal na mahal nila ang isa’t isa, saksi ako ro’n. Ako lang talaga ’tong gagong ’di maka-move on at naghahanap ng masisisi.”

Namumugto ang mga mata, humiga siya sa damuhang maayos na tinabas. Sa mga sandaling iyon, napagtanto niyang tama iyong sinabi ni Kannagi sa kanya. Hindi naman niya kailangang ibaon sa limot ang babaeng minahal niya noon at pati na rin ang mga alaalang nabuo nila. Kailangan niya lang tanggapin, kahit mahirap man, na wala na si Hasna.

• • • • •

Batid na ng dalagang si Prim na dinukot si Kannagi ng hindi kilalang tao. Sa kasamaang-palad, hindi siya pinayagan ng kanyang ina na lumabas hangga’t hindi niya nililinis ang kanilang bahay, pati na rin ang silong o bahaging nasa ilalim ng panlupang palapag.

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Where stories live. Discover now