Chapter 31: Rankings

66 13 0
                                    

VAI.

Ilang araw din ang nagtagal bago matapos ang paglilinis sa paaralan, pagtulong sa mga estudyante, at pagpapakalma ng mga na-poison.

Naging busy rin ang mga tao sa loob ng paaralan dahil sa sinasabi nilang Fryxelle High Ranking. I didn't know a thing or two about the rankings, that's why I decided to ask Jam.

"Hindi mo pala alam 'to?" She chuckled. "Wala, late ka na sa mga chika rito sa school."

I rolled my eyes. "I was a newbie just months ago and I'm still adjusting to some things that I am not familiar about. Kasalanan ko bang may mga bagay pa akong hindi alam?"

"Oo na nga," she rolled her eyes as well at nilapag ang niluto niyang pancakes sa harapan ko. "Eat and then I'll explain everything about Fryxelle High's rankings. Alam kong sobrang busy mo mga nakaraang araw kaya hindi mo namalayan, pero pumapayat ka na."

I just chuckled and took a bite of the pancakes. Napapikit ako sa lasa nito at nang magmulat ay nakangisi na si Jam, satisfied sa reaksyon ko sa niluto niya.

"So eto na nga," nangalumbaba siya sa lamesa at itinukod ang mga braso rito. "Ang Fryxelle High Top 10 Rankings ay isang annual event na nangyayari matapos ang isang school year. Ang rankings ay naka-base sa mga activities ng mga estudyante na may corresponding score points."

"There are variety of aspects sa scoring. Like for example, academic. Kung maayos ka ba sa class, mataas ba grades mo. Tapos meron din sa specific subject, sa Martial Arts and Weaponries. Kung na-enhance na ba 'yung physical skills mo and all. Tapos, sa socializing. Kaya nga sabi namin mas better kung meron kang club, 'di ba? Ito-total ang lahat ng score points mo sa lahat ng mga aspects na 'yon . . . and then, ira-rank. Self-explanatory naman."

Tumango-tango ako sa eksplanasyon niya. "Paabot ng sauce." I said at binigay niya 'yon sa 'kin.

Nagpatuloy siya habang nilalagyan ko ng chocolate sauce ang pancakes.

"Well, as I said, annual event siya so dapat siyang maganap after lang ng school year pero naiba ang date this time." She shrugged, "Alam naman natin dalawa kung bakit pinili ng mga Fryxelle na mauna ang Rankings kaysa sa pagtapos ng school year."

I nodded. "To stop the Serpentines."

Tumango-tango rin siya at nanliit ang mga mata. "Bakit parang feeling ko, may masamang mangyayari sa rankings?"

Napabuntong-hininga nalang din ako kasi ganoon din ang hinala ko. For sure, gagamitin nila ang rankings para gawing strategy para makuha ako at makapasok sa Fryxelle High.

"Kailangan lang natin mag-ingat."

Tumango siya. "At maghanda sa kung ano man ang paparating."

***

Fryxelle High Top Ten - S.Y. 2022-2023

10. August Ulyssia Fryxelle

9. Rhian Vargas

8. Reyn Venise Fryxelle

7. Anastasia Vency Fryxelle

6. Ivy Cyrene Fryxelle

5. Vesper Christian Fryxelle

4. Raven Lynn Fryxelle

3. Mavis Feuille Fryxelle

2. Grace Marie Fryxelle

Fryxelle High: School of Gangsters [COMPLETED]Where stories live. Discover now