Thanks to me. Nabwisit ko ang kambal. Very very proud of myself.


The whole biyahe to La Union natulog ako. Wala naman kasi ako ibang pagkaka-abalahan e.


"How are you, hija?" Bati sa akin ni Tito Samuel. Kakadating lang namin.


Nginitian ko lang si Tito. Nag-unat unat pa ako ng katawan ko. Sakit ng bewang at pwet kong nakaupo buong biyahe. Ilang oras ba naman gano'n pwesto ko.


Feel ko nga stiffed ang neck ko e. Medyo masakit kasi kung lilingon ako sa kaliwa ko.


Napansin kong hinihimas ni Justin iyong braso niya.


"Yare?" Tanong ko.


He flashed a smile at me and pat my head after. "Magmano ka kay Tito."


Napakamot nalang ako sa batok ko. Inignore ba naman niya tanong ko saka pa ako inutusan magmano.


Seriously?!


I just want to lay on a bed right now and have a proper sleep.


"Bianca." Mariin na tawag sa akin ni Tita.


I sighed sign of defeat. Patamad akong naglakad para lapitan si Tito at kunin ang kamay niya para makapagmano.


"You really took after my sister." He's talking about my mother.


"She's a wild bitch before?" Tanong ko, raising a brow.


"Indeed." Tito Samuel laughed.


What a surprise...


Pagkapasok sa loob ng mansion ni Tito. Bumungad sa akin ang malaking portrait ni Mommy. It was hanging in the wall at the living room. Mommy looks so beautiful and innocent. Staring at it made me tear.


Tito Samuel showed us around after having chikas with the elders. Itinuro niya din sa akin saan ang magiging kwarto ko for the mean time.


It wasn't like I didn't enjoy the vacation pero hindi lang talaga ako gano'n ka outgoing na person when I have my relatives around me. If si Tita Baby, ayos pa e pero with them? I don't think so. My social battery don't last that long with them. So, I usually prison myself alone in my room.


There's nothing new that excites me being here. I expected something pero boom, no'ng nandito na, wala pala. Beaches and malls. We never have gone into something interesting for now and we only have 1 day left. Bukas na ang uwi namin. Time really pass fast. Hindi ko namalayan.


We had a BBQ tonight and some talks. Wala ako sa mood para makikinig ng chismis. I devoured a lot of BBQs 'till I feel I'm full na.


Kinabukasan, nagising na lang ako na nasa van na. Nakasandal ang ulo ko sa balikat ng katabi ko. And I can tell that its Justin because of his manly scent.


I rubbed my eyes na medyo blurry pa ang vission.


"Bigat mo, Bianca." Rinig kong reklamo ni Josh sa gilid.


I turned my head on him. He's playing video games.


"Ha?"


"Won't you thank us sa pagbuhat sa'yo. Tulog mantika." Dagdag niya pa. May tono ang pagkakasabi niya.


Sino ba kasi nagsabing buhatin niyo ako?


"Then thank you!" Pilit kong sabi.


"Grabe! Ang sincere ha." Sarkastikong sagot niya.


Inirapan ko nalang siya.


I looked around para tignan kung nasaan kami. Pangasinan. I knew it! Pauwi na nga kami.


Finally!


"What are you doing here?" Maldita kong tanong kay Jai. Pagkababa ko ba naman ng van siya ang bumungad.


Malamig niya akong tinignan at saka inagaw sa akin ang backpack ko nang walang pasabi.


"The fuck?!" Mura ko.


Nilapitan ko sina Justin at Josh. "Did you invited him over?" Tanong ko sa kanila.


Umiling lang sila.


"He's the houseboy." Sagot ni Tita, carrying luggages as she walk past me.


Tinanggal ko ang earphones ko.


Agad akong pumasok sa loob ng bahay. Seriously? Kakauwi lang namin and I'm expecting a rest tapos siya ang bubungad? Its giving me chills to be exact!


Last time he's a grab driver. Then a delivery boy, tubero, tapos friends with my cousins! And ngayon, houseboy?!


"Are you stalking me?!" Akusa ko sa kaniya.  I found him dropping of some of our bags in the couch at the living area.


Again, malamig lang niya akong tinignan at saka dinedma. DINEDMA!


Nagmamadali ko siyang hinabol. Palabas siya ng bahay.


"Tell me. You are stalking me right?" Sabi kong muli at wala na naman akong narinig na sagot mula sa kaniya.


Inis kong tinanggal ang headphones ko at sinabit ito sa leeg ko, still following him.


"Jai, answer me!" Mariin kong sabi. "Kasi you're giving me chills na. Ang creepy mo, you know?"


"Last time, you're a grab driver. Naging delivery boy at tubero tapos ngayon houseboy? Are you doing this on purpose?" Dagdag ko pa. "Tell me what next? Tric driver ka din ba? Or maybe a waiter in my fav restau?"


Sa lahat ng sinabi ko sa kaniya. Ni isang salita wala akong narinig sa kaniya. He treated me like a ghost na siyang ikinainis ko ng husto. Tahimik lang niyang binuhat iyong iba pang luggages na naiwan sa van, completely ignoring me!


Akmang magsasalita akong muli nang harapin niya ako. Yumuko siya para pantayan ang tangkad ko. Napaatras ako ng ilang hakbang dahil masyado siyang malapit.


"I need money. That's it. I have expenses to cover kaya I need to have multiple jobs just to make ends meet." Sagot niya. "And I'm not stalking you."


Malamig niya akong tinignan yet I see through him. Sa likod ng malamig niyang pangtatrato sa akin, kita ko ang pagod niya. I know he needs rest.


"Nagkataon lang ngarod?"


Tumango lang siya. "Now, will you let me do my job and stop following me around na, Madam?"


I decided to have my attitude back. Wala lang. Hindi ko na trip ang pagsusungit and maybe he is really financially struggling. Who knows?

Inagaw ko sa kaniya iyong bitbit niyang luggage. I wanna help him somehow.


Pero expect kong aagawin niya sa akin pabalik iyon at sasabihing siya na lang ang magbuhat pero hinayaan lang niya ako. Inirapan pa nga ako e na siyang ikinainis ko.


Tinalikuran lang ako para icheck kung nakalock na bang talaga iyong gate.


"Rude." 

Runaway GirlWhere stories live. Discover now