"Hon, akala ko ba iyon ang mapapangasawa ng anak natin?" Bulong ni Mom.

Ngunit narinig ko naman ito dahil ginamit ko ang kapangyarihan ko. Teka…

"Ano'ng mapapangasawa, Mom?" Gulat kong tanong.

"'Yung boyfriend mo ngayon ay iyon din ang mapapangasawa mo, sana. But I don't know now, your dad just said it. Bakit nga ba Hon?"

"Oh, bakit nagbago ang isip mo Dad?" Tanong naman ni Kuya Blaze kay Dad.

"They shoot your sister and you're telling me na papayag akong maitali siya sa pamilyang sasaktan lang siya ng ganun?" Mariin na umiling si Dad.

"Never! Kaya hiwalayan mo ang lalaki na 'yun Luna. Ayoko na makita ko pa kayo na magkasama. Naiintindihan mo ba?"

Kung ganun, ang tinutukoy rin sa mga magulang ni Zyriex ay ako? Engaged si Zyriex sa'kin? What the f*ck!

"Naiintindihan mo ba!"

"Hon, let's just continue this conversation kapag okay na si Luna, okay?" Malumanay na sabi ni Mom kay Dad habang ako ay nanatili lang na nakayuko.

Hindi ko alam kung anong dapat kong isasagot. Masiyadong mabilis ang mga pangyayari na halos nagkasunod-sunod na ito.

Bwisit naman! Mas lalo pa tuloy na gumulo.

–––

Warning ⚠️: SPG AHEAD!!!!

Shamil's Point of View

Maingat ang mga galaw ko habang sinusundan ko si Miles. Gusto kong malaman ang bawat galaw niya at nang maprotektahan ko pa ng mabuti si Luna mula sa kaniya. Lately, napapansin kong panay dikit siya rito at muntik na rin niyang ipahamak si Luna.

Pinalampas ko siya sa ginawa niya noon dahil napalabas niya ng buo ang kapangyarihan ni Luna ng dahil sa ginawa niya kaya hindi ko siya sinaktan. Kapag nagkataon naman na sinaktan niya si Luna sa araw na 'yun ay malamang nakalibing na siya ngayon.

Gabi na ngayon at pumasok siya sa isang hotel. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakuhang impormasyon mula sa kaniya. Kung sino talaga siya at kung saan siya nagtatrabaho. Sigurado akong may boss siya at doon niya sinasabi ang lahat ng mga galaw ni Luna.

Pumasok ako sa hotel at nagtanong sa staff.

"Hi, good evening! Anong room ang kinuha no'ng huling lalaki?" Nakangiti kong tanong sa kaniya.

Makabuluhan niya akong tiningnan. Bigla siyang ngumiti at may binigay sa'kin na susi. Kumunot naman ang noo ko.

"Punta lang daw po kayo do'n. Baka may surprise 'yung boyfriend ninyo Ma'am. Enjoy your day." Nakangiti niyang bulong sa akin.

Alam niya? Paano?

Nginitian ko na lang muli ang babae tsaka lumakad na papuntang elevator. Sinipat ko ang numero ng susi.

Room 020. Tsk! Malakas din pala ang senses ng lalaking 'yun.

"Not bad," bulong ko sa sarili.

Nang makarating ako sa labas ng room ay inihanda ko na ang sarili ko. Mapapalaban ako nito. Binuksan ko na nga ang pintuan at sa pagpasok ko pa lang ay may marahas ng humila sa'kin. Isinandal niya ako sa dingding and then he suddenly kissed me na ikinabigla ko.

Ngunit ng mahimasmasan ay napangisi ako sa kaniyang ginagawa. This Miles must be wild too, just like me. Haha! Kung akala niya'y uurungan ko siya pwes nagkakamali siya.

The Rare OnesOnde histórias criam vida. Descubra agora