Nabuhayan naman ang utak ko nang marinig ang boses niya at muli nanamang tumulo ang luha ko.

"Shh, panoorin mo nalang kami."

"Ahh! Bwisit ka! Huwag mo'kong hahawakan!" sigaw ko nang malaman ang binabalak niyang gawin.

Ang hayop na 'to! Hayop talaga! Ah! Nakakagigil! Gusto nanamam niya akong gahasain!

Sinimulan niyang tanggalin ang pang itaas niya at ang belt n'ya. Tinignan din niya ang kabuoan ng katawan ko at kitang-kita sa mata niya ang pagnanasa dito na siyang ikinakaba ko.

Hindi! Hindi! Hindi puwede!

"Bwisit ka! H'wag na h'wag mo'kong hahawakan!" gigil ko dito habang si Lexus ay tila gumagawa na ng paraan kung paano makakawala.

Sinimulan hawakan ni Aisler ang binti ko kaya agad kong sinipa ang kamay niya.

"Huwag mo'kong hahawakan!"

Napalingon naman ako kay Lexus na galit na galit na galit ang mukha at halos lumabas na ang ugat dahil sa pagtitimpi ng galit niya.

"I said, DON'T FUCKING TOUCH HER!"

Kita ko ang pag pupumilit nitong alisin ang sarili niya sa pagkakagapos. At si Aisler naman ay itinutuloy lamang ang madumi niyang balak.

Hinawakan niya ang hita ko kaya naman pilit kong inilalayo ang sarili ko. Naiiyak na ako dahil sa kaba. Alam ko kasing malaki ang chance na magawa niya ang gusto n'ya.

At dahil sa pag pupumilit kong pumalag ay pumatong na ito sa akin. Agad niyang hinalikan ang leeg ko kaya naman hindi ko na napigilan pang maluha at mapasigaw.

"BITIWAN MO'KO, AISLER! HAYOP KA! AHH! PLEASE!"

Ipinag patuloy niya ang ginagawa niya habang ako'y walang magawa. Bumaba pa ang kamay niya papunta sa dibdib ko na halos ikabaliw ko dahil sa sobrang pag pupumilit kong makawala dito.

"AISLER! DON'T YOU DARE RAPE MY GIRLFRIEND!"

Narinig ko ang pagkawala ni Lexus mula sa pagkakagapos niya at nakita ko din ang ilang pag tulo ng dugo mula sa mga kamay niya dahil sa sobrang pag pilit makawala dito.

Napalunok ako habang pinapanood ang pag tayo niya at agarang pag lapit sa amin ni Aisler.

Mabilis niyang hinigit ito at agad sinuntok ang mukha. Babawian sana siya ni Aisler nang unahan n'ya ulit ito.

Tinadtad ng suntok ni Lexus sa mukha si Aisler dahil sa sobrang galit at gigil nito. Kita ko ang gigil na gigil at galit na galit nitong mukha habang walang tigil sa ginagawa niya.

"AHH! BULLSHIT! YOU FUCKING EVIL! HOW DARE YOU TO RAPED MY WIFE IN FRONT OF ME!"

Hindi na nakapalag pa si Aisler at halos mawalan na ito ng malay. Napatayo na si Lexus at mabilis na kinuha ang baril na nandito.

Ipuputok na sana niya ito ngunit hindi niya naituloy dahil inuna niyang paputukan si Adonis na kapapasok lamang ng kuwarto at akmang babarilin si Lexus ngunit hindi nga niya natuloy dahil naunahan s'ya nito.

Agad nabagsak si Adonis pero may mga kalalakihan pa ang nag sipasok kaya naman inihanda ni Lexus ang sarili niya sa pakikipag laban dito.

Kinakabahan ako at nag aalala. Malaki ang sugat niya sa mga kamay at puro pa siya dugo, pasa at sugat kaya naman sigurado akong nanghihina siya.

Ngunit kahit ano pang hapdi, at sakit na kaniyang nararamdaman ay matapang niyang nilabanan ang mga kalalakihang ito.

Mabilis niya itong pinaputukan isa-isa at agad din naman siyang napapaiwas kapag ito ang mga nag papaputok.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon