"Tumigil ka nga. Nandoon lang sina Mama, oh." Mahinang sabi ko rito.

"Puntahan na lang natin sila." Sabi ni Migs. Tumayo na kami para pumunta sa building ng mga stem. Mabuti na lang at malakas ang loob ng mga kasama ko.

Kung ako lang naman 'yan ay hindi ako pupunta nang mag-isa lang. Sumilip sa bintana sina Fatima, base sa mukha niya ay nakita niya na sina Ivan.

Nakita ko ang kamay niya na tila pinapalabas sila. Lumabas naman agad sila. Si Laurence ang nagbukas ng pinto.

Nakita ko si Ivan, kasama niya ang Mama at Papa niya. Kinabahan naman ako bigla. Alam ko namang mabait ang Mama niya dahil nakilala ko na siya. Noong nasa clinic si Ivan ay pumunta siya. Napagkamalan niya pa akong girlfriend ni Ivan.

Pero kinaban ako sa Papa niya. Ang seryoso kasi ng mukha nito. Kung tititigan mo ito ay parang mahirap siyang i-approach.

"Omg! You're Amery, right?!"

Nilingon ko ang Mama ni Ivan nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Halata sa mukha niya na excited siya. Nakikilala niya pa rin pala ako.

"Y-yes po, Tita."

"Hon, siya yung sinasabi ko sa'yo. Yung pinagkamalan kong girlfriend ng anak mo!"

Pinalo pa ni Tita ang braso ng asawa niya. Pero halata naman na sanay na ang asawa nito dahil hindi naman ito nag react.

"It's nice to meet you, Amery."

"N-nice to meet you, too, S-sir."

Kinakabahan ako kaya nautal ako nang sabihin yon.

"I'm fine with Tito, Iha."

"Sige po, T-tito."

Lumapit na sa amin ni Ivan. Kausap niya pa kasi ang isang classmate niya kanina kaya hindi siya makalapit sa amin. Ang ibang kaibigan ko naman ay kausap na sina Laurence.

"Son! Nandito pala si Amery."

Ang cute talaga ni Tita. Ang energetic pa rin niya. Parang teenager lang. Pero mukhang nag mana si Ivan sa Papa niya. Ramdam ko kasing ilang din si Tito sa mga tao.

"Ma, what did you say to her?"

Curious siguro si Ivan dahil kausap ko kanina si Tita. Nakita ko kasi siyang nakatingin sa banda namin kanina habang may kausap siya.

"Nothing. Binati ko lang naman siya."

Nakahinga naman nang maluwag si Ivan sa sinabi ng Mama niya. Pero ang Papa niya ay wala pa ring imik, at nakadikit lang kay Tita.

"Girlfriend mo na ba siya, Nak?"

Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Tita. Nakita ko rin ang bahagyang pagkagulat ni Ivan sa sinabi ng Mama niya.

"Ma, stop it. You're making her uncomfortable."

Pabiro siyang inirapan ni Tita. "I was just asking, Son."

"Hon, stop it." Sabi ni Tito at hinawakan sa bewang si Tita.

Nahinto lang kami nang tawagin na kami. Magsisimula na raw ang martsa. Nagpaalam na ako sa kanila para puntahan sina Mama. Kasama ko sina Fatima na bumalik sa classroom. Pumila na kami nang makita ko na sina Mama.

Narinig ko na ang familiar na tunog kapag graduation day or recognition. Nagsimula na kaming mag martsa. Nang makaupo na kami ay nagsimula na ang ceremony. Nakikinig lang ako. Pero habang tumatagal ay inaantok at nababagot ako.

Nawala ang antok ko nang tawagin na kami para sa hinihintay naming lahat. Ang umakyat sa stage at sabitan ng medalya.

Nauna ang TVL strand, madali lang natapos dahil kaunti lang sila. Sunod naman ang HUMSS strand, ganon din ang sa kanila. Sunod naman ang ABM strand. Nauna ang section A, sumunod ang section B.

Her Asset Where stories live. Discover now