Remember the Past

7 0 0
                                    

/2/

pasenysa na nag update pa din ako kahit I know na puro kalokohan at ka kornihan lang tong kuwento nato..(sama ko kuwento ng bestfriend ko to)..inspired lang talaga ako sa pagsulat ng Kuwento nya...sana magustuhan at pagtiyagaan nyo nalang

Si johnny nga pala yung nsa right side...

+_+

“Louise may crush pala sayo si Johnny.” May pagkainggit na sabi ni Elena, isa sa kaklase ni Louise na may crush kay Johnny.

“huh? Malabo yun ah ganda kaya ng girlfriend nun.” Gulat na sabi ni Louise kay Elena.

“Girl, Late ka na sa balita, matagal ng nagbreak ang dalawang yun, last summer vacation pa.” sagot ni Elena na para bang sinisigawan sya ng kausap nya.

“kahit na hindi pa din ako naniniwala tsaka bata pa ako para isipin ang crush crush na yan.” Marahang sagot ni Louise kay Elena.

“Grabe girl ha..Fourth year high school na may pabata-bata ka pang nalalaman dyan.” Inis na sabi ni Elena.

Kung alam lang nya first year palang kame crush na crush ko na si Johnny, indenial lang ako dahil alam ko namang kahit bumaliktad ang mundo hindi magkakagusto sa akin. At ngayong narinig ko na may crush daw sya sa akin parang gustong magdiwang ng puso ko. Kaya lang isinara ko na ang puso ko nun kasi naman sobra akong nahurt nang nagging sila ni Irene na aminado naman akong walang wala ako sa kalingkingan nya.

At dahil nga malapit lang ang bahay namin sa school at napagtripan ako ng mga kaklase ko nag awing treasurer malamang ako ang pinaka maaga lagi sa room..o sa maikling sabi taga bukas ng room naming.

(Pagdating nya sa labas ng room nila napansin nya agad si Johnny na nakatayo sa labas ng room nila habang nakikinig ng music sa mp3 nya..)

Tugs..tugs..tugs…

(Lakas ng tibok ng puso nya ng malinaw nyang nakitang hindi sya nagkamali na si Johnny nga yun..pero sa isip isip nya ay my hinihintay siguro itong kaibigan sa kabilang section. Dire-diretso lang sya sa may pintuan ng room nila na parang hindi man lang nya nadaanan si Johnny.)

“hello!” masiglang bati ni Johnny sa kanya.

“Ako ba?” sagot ni Louise habang tinuturo ang sarili at matching palingon-lingon pa..

“Oo ikaw nga po Miss Louise Jade P. Reyes”, sabi nito.

“Ah hello din. Pasensya na akala ko hindi ako first time mo lang kasi akong kinausap eh.” Kabang kabang sabi nito na lalong nakapagpabilis ng tibok ng puso nya.

“Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng lakas ng loob kausapin ka, kasi natatakot akong tarayan mo ko pag kinausap kita. Pagpapaliwanag ni Johnny sa kanya..

Grabeehh ha sa apat na taon nating magkaklase ngayon ka lang nagkalakas ng loob kausapin ako. Kung noon pa ginawa mo nay an matagal na sigurong tayo. Sa isip-isip lang nya.

(Masayang nagkausap sila at nagtatawanan pa ang dalawa..Naabutan sila ng mga kaklase nila kaya nagkaroon ng ibat ibang reaksyon. Ang iba natuwa at kinilig dahil alam nilang may crush si Johnny kay Louise ang iba naman no comment at ang iba nainggit dahil crush din nila si Johnny.)

“Ayieh haba ng hair nagkausap na sila ng Ex- crush nya.” Pang aasar ni Channel sa Bestfriend.

“Gusto mong masapak? Nag usap lang eh may pa ayieh..ayieh ka pa dyan.” Depensa ni Louise sa kaibigan.

“lokohin mo ang lelang mong panot, kinikilig ka nga kanina nung kausap mo sya pablush-blush ka pa..”masayang pang asar nya sa kaibigan.

(hindi na nagsalita si Louise huli na sya ni Channel  eh..alam naman nyang wla syang matatago sa kaibigan dahil Elementary palang bestfriend na nya ito..in other words kilalang kilala na sya nito.)

Kinabukasan naabutan nanaman nya ang gwapong nilalang sa labas ng room nila. Si Johnny nakatayo nanaman sa labas ng room nakasaksak ang heaset sa dalawang tenga nito habang nakikinig ng music.

Sino kayang hinihintay nito ako kaya o assuming lang ako.

“Gudmoring”, bati ni Louise sa kanya.

“Gudmorning as well Jade,” nakangiting sagot ni Johnny sa knya.

(Biglang tumigil ang mundo ni Louise kasi feeling nya ang haba talaga ng hair nya tinawag pa syang Jade ni Johnny na totoo namang nakapagpasaya sa puso nya. Nagsimula ulit ang kuwentuhan ng dalawa hanggang maabutan nanaman sila ng kanilang mga kaklase na karamihan ay kinilig na sa malakas na chemistry na dalawa.)

(pag uwing pag uwi ni Louise kinuha nya agad ang kanyang diary at nagsulat ng mga nangyare sa knya ngayong araw na iyon)

Dear Diary,

                I didn’t expect na kakausapin ako ng ex crush ko na si Johnny Evangelista. Nasaktan ako noon nung nagging sila ni Irene kaya itinigil ko na ang ka adikan ko sa knya pero diary alam mo andito nanaman sya binubuksan ang sarado kong puso. Kanina at kahapon ang saya ko dahil nakausap ko sya. Bahala na nga lang si batman kung anong susunod na mangyare sa Love story ko….Gudnyt Diary

Louise^-^

By the way tinawag nya kong Jade kanina…Kilig Much!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

To be Continued...

vote or comment if yp\ou like lang naman..hehe

Ms. Manhater, a love haterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang