Nang makabalik siya sa venue dala ang mga kape ay si Bongbong ang sumalubong sa kanya. "Sir, kape mo," agad na bungad ni Sara rito.





"Wala ka bang tanong about sa past mo ngayon?" tanong ni Bongbong bago humigop sa kape niya.





Napakamot si Sara sa ulo, "Ah.. next time nalang po. Busy kayo ngayon eh." Napataas naman ang kilay ni Bongbong bilang pagsang-ayon dito.





"Ako naman ang may tanong sayo, Sara," tugon ni Bongbong na pinagtakhan niya.





"Ano 'yun?"





"Sa album naming Ang Musika ng Paghahangad, aling kanta ang pinakapaborito mo?"





Napaisip naman si Sara. Sa lampas dalawang linggo na napakikinggan niya ang pagtugtog ng banda, lahat naman ng kanta ay nagustuhan niya. Ngunit isang kanta ang talagang tumagos sa damdamin niya unang beses niya itong napakinggan nang live mula sa TQB.





"Hanggang sa huli," siguradong sagot ni Sara sa kanya. Nagtaka naman ito sa naging reaksyon ni Bongbong, animo'y nagulat, pero agad naman naka-recover.





"Bakit?'





"Kasi ipinangangako nito ang tapat at wagas na pag-ibig. Pangako na mananatili ang isang tao sayo hanggang sa huli, anumang pagsubok ang dumating. Bakit mo nga pala natanong?"





Lihim namang napangiti si Bongbong, "For sure kasi hihiling ng encore yung mga manonood mamaya, I needed a song suggestion. Thank you, Inday." at saka naglakad pabalik si Bongbong sa dressing room.





Tila nagulat si Sara sa bagong tawag sa kanya ni Bongbong, pero inisip niya na baka yun talaga ang tawag sa kanya nito noon pa.





"Good luck sa concert, Bong." nilingon siya nito at nginitian.





Hindi nagtagal ay nagsimula ang concert proper. Nasa front ng stage si Sara at nage-enjoy sa free concert. Tinawagan niya pa sina Amenah para inggitin. At makalipas ang halos dalawang oras na pagtugtog. Tama nga si Bongbong at humiling ang fans ng encore.





"So there's this song that I wrote about the person who may have asked me to stay by their side... and I apologize if I haven't been able to fulfill that. If you're listening right now, this one is for you." ani Bongbong sa libo-libong taong dumalo.


Sa t'wing puso'y nag-iisa

Mayro'ng himig na kumakatok sa pinto ng aking alaala

Di na dapat tumitig pa sa'yong mga mata

Ngayon ikaw na lang ang nakikita


Ang alaala mo'y tila nagbago

Sa panaginip ko'y naro'n ka


At kahit pa ang mundo ay mag-iba, ako'y laging nandirito

Di man ako para sa'yo, puso'y di magbabago

Walang iba, walang iba, wala nang hahanapin pa

Pag-ibig ko'y sa'yo, hanggang sa huli





Napagtanto ni Sara na sinunod ni Bongbong ang minungkahi niyang kanta. Nang marinig niya na yun na madamdaming kinakanta ni Bongbong ay hindi niya maiwasan na malungkot sa sitwasyon nito. He must be hiding so much pain in his songs. She thought.


Remembering UsDär berättelser lever. Upptäck nu