Prologue

2 5 0
                                    

“Gagi, may sectioning na tayo!” Mabilis naman kaming sumunod kay Dionne.

Nasa La Hermosa National High School kami ngayon dahil na-post na raw nila ang names sa bawat room. Isang linggo na lang kasi pasukan na naman ulit.

“Omg, kinakabahan ako. Baka naman hindi ko na naman kayo maging classmate.” Nakasimangot na saad ni Sollana. Natawa ako sa sinabi niya. Nakaangkla sa braso ko ang kamay niya.

Nasa unahan naman namin si Dionne.

“Classmate na tayo ulit. Sure ako. Ginalingan mo naman sa section niyo, ‘di ba?” Tumango-tango pa siya.

Nahiwalay kasi siya sa amin last year. Hindi naman sobrang mababa ang grades niya pero mas mababa ata sa usual na grades ng mga kinukuha para sa first section. Mas marami rin daw talaga kasi ang nag-excell sa ikalawang section kaya nilipat sila sa first section. Ang result, almost half ng mga nasa first section noong grade seven ay napunta sa iba’t ibang section nang mag-grade eight then marami ang pumalit mula sa second and third section.

“Ako nga ‘yong first... magtatampo talaga ako sa nag-sectioning kapag hindi ako nalipat sa first section.” Natawa kami pareho dahil sa sinabi niya.

Bestfriend ko na sila simula noong Elementary pa lamang. Parang kapatid na rin ang turing ko sa kanila. Sabay na kaming lumaki kaya kilalang-kilala na namin ang isa't isa.

“Huwag ka ng ngumuso riyan. Para ka ng bibe, Sollana. Bilisan na lang natin para magkaalaman na ng section.” Binilisan na namin ang paglakad para pumantay kay Dionne. Mukhang excited din talaga siya pero nagagawa pang tumingin sa mga nakapaskil na sectioning sa ibang room. Dumeretso kami sa area kung saan ang building ng grade nine.

Dalawa ang building na para sa grade nine students. Mayroon kasi kaming fourteen sections. Ang isang building ay hanggang dalawang palapag at ang katapat naman nito ay isang palapag lang. Ang two-storey building mayroong eight rooms. Sa second floor, doon ang section na Eagle, Crow, Dove, Sparrow. First to fourth section respectively. Sa first floor, doon ang iba pang apat na section.

Sa katapat na building naman ay mayroong anim na section. Pahaba ang style nito.

“Mararanasan na natin ang madapa sa hagdan dahil late na.” Natawa kami sa biro ni Dionne. Paakyat na kami sa second floor.

“Oo nga! Oy pero pwede na rin natin maranasan 'yung may sasalo sa atin na gwapo kapag natipalok tayo sa hagdan, o ‘di ba?” Napailing ako sa sinabi ni Sollana. Umirap naman si Dionne sa sinabi niya.

“Tama na ang wattpad, ugok. Ang bigat na niyang eyebags mo.” Tinuro niya pa ang eyebags ni Sollana. Maganda pa rin naman siya kahit mayroon siyang ganoon. Mas naging charming pa nga siya. Bumagay sa mukha niya. “Saka walang gwapo rito sa La Hermosa... maganda, oo.” Ngumisi pa siya. Hinampas naman siya ni Sollana.

“Ikaw talaga ang tirador ng chix dito, Dionne. Kay ganda-ganda e ganda rin ang hanap. Dinaig pa si Timotheo.” Nag-irapan naman silang dalawa. Natawa ako sa sinabi niya. Naalala ko 'yung isang ‘yon. Puro libro lang rin talaga ang inaatupag. Hindi namin siya kasama ngayon dahil hindi naman niya need malaman kung ano ang section niya. Sa Advance Science and Technology Class siya na-belong at iisa lang naman ang section nila sa bawat grades.

“21st century na tuleng, baka nakakalimutan mo ha? Crush mo ngang artista na lalake, lalake rin jowa.” Dinilatan naman siya ng mata ni Sollana. Nasa hagdan kami pero kung magharutan sila ay akala mo hindi delikado.

Hinabol siya ni Sollana. “Hoy! For your information, sa palabas lang sila, sira ka!” Napailing na lang ako ng nauna na silang makaakyat. Parang mga bata talaga ang dalawang iyon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Living Daylight (Shades of Sky #1)Where stories live. Discover now