I know you! Da Heck, Hellyer!

26 2 3
                                    

Kallisle's Pov

Talagang patay ka sa akin kung sino mang Poncio Pilato ka.

Shocks!

Nagdurugo ang sugat ko huhu, imbes malapit na maging totally healed, ayan tuloy  nagbukas na naman.

"Hala may dugo sa back part ng braso niya! Ghent-tard, huwag ka nang magreklamo, dalhin na talaga natin siya sa hospital." Sabi nung Clyffe-tard, tsk.

Sabihin niyo sa akin kung sino ang bumangga, wengya, hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa nadaganan ang isang braso ko ng kaunti, at medyo masakit yung isa ko pang braso dahil sa nakabukas na naman na sugat.

"Kallisle? Hala sorry, anong nangyari sa iyo? Sorry talaga, eto kasing bubwit! Tinulak ba naman ako. Yan tuloy nagkasala ako. Tsk. At bakit kayo magkasama? Sino tong mga to? Binubully ka ba nila ha! Kallisle?" Sabi ni Hellyer lang pala,

Si

Hellyer

lang pala?

Buwisit ang sakit!

Pasalamat siya kakilala ko siya kundi naku!

Naku!

Pero may mga kasama siya.

"Kanina ka pa bubwit ng bubwit, sabi nang teenager na ako eh! At tsaka hindi ko sinasadya, iniinis kasi ako nitong unggoy na ito kaya naitulak ko siya, hindi ko naman alam na mapapalakas eh. Huhu, sorry." Sabi nung salarin na tumulak sa isa ding salarin.

Pasalamat na lang din sila na mabait ako konti, hehe, kundi lagot talaga!

Arruuyy!

Sumakit yung braso ko huhu.

"Sa susunod, mag-ingat na kayo, hindi niyo alam kung kailan mangyayari ang disgrasya. Now help me got her up so I can carry her to the hospital. Baka kung mapaano pa tong babaeng to." Sabi nung Ghennnnttt-ttttaaaarrrrrddd! Nakakainis, binabawi ko na ang sinabi ko kanina na good samaritan siya, mukha kasing napipilitan eh, irritado ba naman ang boses.

As if naman willing ako magpakarga sa kanya.

Ako na nga lang maglalakad papunta doon since pinatayo na nila ako, at hindi naman ako baldado.

Masakit lang yung sugat ko, yun lang.

"Ako na, baka kako busy kayo, kaya iwan niyo na lang ako. Ako na magpunta sa clinic." Sinabi ko na lamang since may clinic naman sa school, pwede na ako dun magpagamot.

"Kallisle, kakatayin ako ng bestfriend mo kapag may nangyari sa iyo na masama kaya halika na, samahan ka namin sa clinic. Bakit ka ba kasi nandito sa kagubatan, may classes pa kayo ngayon ah! Late ka na for afternoon class. Graduating pa naman kayo ng Senior High." Sabi ni kuya Hellyer.

"Eh bakit ka din nandito kuya? 2nd year college kana ah? Si Rian ba binisita mo dito? Bisitahin mo rin pinsan mo, nagtatampo iyon sa inyo ni Rian eh, lalo na noong gumraduate ka, mas lalong nagbabangayan yung dalawa." Sabi ko kasi naguguluhan din ako kung anong ginagawa ni kuya Hellyer rito, pero blessing in disguise na rin to kasi at least may kakilala ako, kaysa naman sa mga kasama namin ngayon na ang weird.

Gaya nitong isa, na sinapawan ba naman ako habang nagsasalita, tsk.

"Rian? you mean Rian Esguerra? Is she still here, Hellyer?" Sabi nitong walastik idiot na lizard.

At anong sabi niya?

Kilala niya si Rian?

Mas lalo akong nagulat nang magkakilala pala sila ni kuya Hellyer.

Scion of the Water Guardian: Ermissian Novellas #1Where stories live. Discover now