Mini Restau-wreck pt. 2: Kudos to Kallisle

21 2 0
                                    


Junzer's Pov

Napasigaw kami sa nangyari ngayon-ngayon lang, hindi kasi kami pwedeng makialam kung kapangyarihan na ang pagbabasehan, marami kasing civilian--mga mortal dito kaya it might jeopardized our kind, our existence, and especially our safety pag nalaman nilang may mga kapangyarihan kami.

In combats ay ok lang naman kaso mas na train kami using our keeps nga lang.

Need pa ata namin ng more combat skills training.

Sa susunod na pasukan pa kasi sana namin yun mas matututunan, like less theory, more on action na pero eto, nandito na kami sa mortal world.

Pero we can disarm them pag labanan na pangmalakasan since we are teached to be ready for war, pero may gamit silang baril at punyal so without powers ay not 100% sure pa rin.

We are still young you know, and so our skills that needs improvement, so we have much to learn.

Anyways, nang maitapon ng saganong mama yung punyal ay si Rian sana ang madadaplisan kasi again iniharang na naman niya po yung sarili niya sa kanyang moma (hindi ata takot mamatay tong babaeng to) kaso nga lang, iniligtas naman siya ng butihing kaibigan niya.

Hindi ko nga lang siya kilala pero at least nailigtas niya yung mag lola.

Safe na sila dahil may posas na lahat ng mga sagano pero siya naman yung napuruhan, natamaan siya sa kanang braso, hindi masyadong malalim pero still bumaon pa rin sa balat niya, may maliit na ugat ata ang nadale kaya todo ang pagdurugo ng sugat.

Sinugod nila ito sa hospital dahil nataranta na ang isang pulis, kakilala ata nila ito pati na si Rian, while yung Ginang naman ay nagpaiwan para sagutin ang tanong ng mga pulis.

~~~~

Kallisle Chavez's pov

Nakatulog ako at nagising nang makaabot na kami sa hospital.

Dahil sa medyo madaming dugo ang lumabas kanina, ay nahimatay ako at dun ko na nalaman na isinugod na pala nila ako sa hospital.

May first aid na rin naman galing kay mama kaya natigil na ang pagdurugo pero etong si mama kasi, basta ako na ang napapahamak, natataranta na siya.

Tsk parang sugat lang naman iyan, malayo sa bituka, haha.

Eto ding best friend ko, ni hindi man lang pinigilan si mama, may pa pingos-pingos pa, mukhang galing sa iyak?

Hays hindi pa ako patay para iyakan noh.

Hays ang soft talaga ng bff ko, minsan dragon, pero may pusong mamon din naman. Hihihi.

By the way, I'm Kallisle (pronounce as kah-lile) Chavez, errm! yun lang, hahaha.

Wala namang special sa akin bukod sa anak ako ng isang policewoman.

Mag isa akong tinaguyod ng mama ko kasi ewan, hindi ko na alam kung saang lupalop nakatambay yung tatay ko.

Sa tuwing tinatanong ko siya niyan ay nagsisimula na siyang maging balisa at minsan ay nakatulala.

Basta sabi noon ni mama wala daw akong tatay, wag ko na daw hanapin.

Kaya hindi ko mapigilang isipin na baka nga buhay siya, hindi nga lang sila nagsasama ng mama ko kaya hindi ko siya nakilala.

Marami na diyan ang single mom kaya sanay na rin ako na walang tatay.

Kaya naman namin ni mama na mamuhay na wala siya kaya kahit nabubully ako noon na walang tatay at kahit naisipan ko ring hanapin yung tatay ko noon, kinaya ko na lang yung pangungutya.

Scion of the Water Guardian: Ermissian Novellas #1Where stories live. Discover now