The Day of Reckoning

24 0 0
                                    

A Science Fiction written by yours truly that fortunately won first place on a writing contest themed “Your Breathe is the Earth” by Nitemarian Stories

THE DAY OF RECKONING

Isang malakas na pagsabog ang kumawala, kaniya-kaniyang takbo ang lahat ng tao ramdam ang takot at pangamba para sa kanilang mga sarili. Umalingaw-ngaw ang tunog na nagsisilbing babala na iyon na ang araw na kanilang kinatatakutan.

Makikita ang tuyot na mga palayan, nababalot ng putik na mga kalsada, at madilim na langit na ani mo’y gabi gayong alas diyes pa lamang ng umaga. Apoy na siyang lumalamon sa bawat bahay maging ang matatayog na gusaling gawa sa kongkreto’t bakal ay hindi nito pinalampas.

Napahilot sa kaniyang sintido si Tanya De Silva, pasalampak siyang naupo at saka iniyukyok ang ulo sa puting lamesa. Sa harapan niya ay tatlong malalaking transparent screen, ipinapalabas ang sari-saring balita patungkol sa nangyayari sa labas ng kaniyang laboratoryo.

Tama nga at nakatadhana na itong mangyari pero hindi niya kailanman inasahang mangyayari ito ng ganito kaaga. Ipinaglaban na nila ito noon, taong dalawang libo’t dalawampu’t dalawa, isang libong taon na ang nakalilipas simula ng maging sarado ang tainga ng lahat sa kanila.

“Doc! Doc!” Napabalikwas siya ng bangon matapos makarinig ng pagtawag mula sa salamin na pintuan.

Ang humahangos na si Manuel Miranda ang bumungad sa kaniya, isang astrophysicist na nagmula sa america. Marungis ang mukha nito at wala sa ayos ang pagkasuot ng itim na kurbata, sa kamay niya ay hawak ang isang tablet.

“There’s meteors approaching!”

Nawalan ng kulay ang mukha ng Doktora dagli siyang tumayo, tumakbo palabas at mabilis na tinungo ang opisina ni Manuel. Siya mismo ang sumilip sa malaking binoculars na nakalagay doon. Kaniyang nakita ang higit sampung meteors na mabilis na bumabagsak mula sa langit.

Maliliit lamang iyon, pero paniguradong malaki ang damage lalo pa at wala na ang ozone layer na pumoprotekta sa kanila.

“Heather, anong status?”

Mula sa kung saan ay lumitaw ang isang hologram na hugis mukha. Isa ito sa mga nilikha niya bilang isang perpektong system ng buong laboratoryo.

Sumunod sa kaniya palabas si Manuel.  Tinulungan siyang isuot ang puting lab coat na nakasampay sa isang coat rack na nakatayo sa gilid ng isang mahabang bench na bakal.

“There’s a sudden eruption of Mount Mayon that causes a big earthquake. The Pacific ocean is rising, I'm afraid it will eat the whole coast in no time,” sagot ni Heather habang nagpapalipat lipat sa pader at kisame ng buong lugar.

Tanging iling na lamang ang nagawa ni Tanya at mas binilisan pa ang paglalakad.
Huminto sila sa isang malaking bakal na pintuan. Sa gitna noon ay may malaking bilog na ginto.

Tila nabingi silang dalawa nang isang pagsabog ang maganap mula sa labas dahilan para mabasag ang lahat ng mga salamin. Gamit ang braso ni Manuel ay tinakpan niya ang ulo ng Doktora.

Sandaling tumigil ang komosyon at napalitan naman iyon ng babalang tunog, naging kulay pula rin ang buong paligid tanda na hindi na safe pa sa lugar na iyon at nasira na ang security ng buong laboratoryo.

“Heather! Heather!”

“Ninety percent damage occured in the system due to a sudden eruption of the core. I'm afraid, there's nothing I can do now Ms. T.”

Napahampas si Tanya sa basag na salamin. “God damn it!” Pilit naman siyang pinapakalma ni Manuel.

Sa gilid ay dahan dahang bumukas ang bakal na pintuan kasabay no’n ay siyang pamamaalam ni Heather matapos ay saka unti unting nag-shut down.

The Journey of my Wricon HuntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon