Chapter 01

2.3K 44 8
                                    

//one//

Sari-saring ingay ang naririnig ko sa paligid. What else would you expect from an Internet Cafe? Aside from helpless sensible students who skipped class to play online games. Bumuga ako ng hangin at nagpatuloy sa paglalaro ng counter strike. Ramdam ko ang dalawang estudyante na pinapanood ang paglalaro ko ngunit isinawalang-bahala ko na lang sila.

“Ang galing niyang umasinta.”

“Streamer ata siya. Ang galing!”

“Tinalo ka pa ng babae, pre!”

“Girl gamer lang malakas!”

Hindi ko mapigilan ang pagtaas ng isang kilay ko. Bakit naging stereotype na ng mga tao na nakakamanghang tignan ang mga babae ang naglalaro ng online games? Bakit kailangan pang lagyan ng Girl ang gamer kapag babae na ang naglalaro? Sila ba ay tinatawag na boy gamer kapag gamer sila? Hindi naman, hindi ba?

“Rai, huwag malingat ang atensyon mo sa target. Papasok na siya.”

Bumalik ako sa sarili nang marinig na nagsalita si Joyo sa kabilang linya. Muntik ko nang makalimutang hindi ang paglalaro ang ipinunta ko rito.

“Roger,” saad ko. Hinanap ng paningin ko ang lalaking pakay namin sa lugar na ito. Isang oras din akong nandito para lang sa kaniya.

Bando is the name of a big-time drug dealer.

Napangiti ako nang mahanap siya ng mga mata ko. Sa litrato ko lamang siya nakita ngunit alam kong ang target namin dahil sa taba ng tiyan niya. Dinaig pa ang siyam na buwang buntis. He had just walked into the internet Cafe when he was greeted by two men. They’re thin, with bloodshot eyes, cracked front teeth, and sunken cheeks. It appears that we are not in the wrong place. Sa mukha pa lang nila ay masasabi na.

Sinenyasan niya ang dalawa na sumunod. Pumasok sila sa pinto patungo sa isang silid. Binabantayan ito ng dalawang mamalaking tao.

“Ate, namamatay ka na, oh?” paalala ng isang estudyante sa tabi ko. Sa halip na pagtuonan ng pansin ay tumayo ako at iniwan ang nilalaro ko. Mabilis naman akong pinalitan ng isa sa mga nanonood habang ang iba ay sinundan ako ng tingin. Nagtataka kung bakit ako umalis sa kalagitnaan ng laro.

“Rai, anong ginagawa mo?”

“Papasok?”

“Teka–” Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa. Tinanggal ko ang micro earpiece sa tainga upang hindi marinig ang mga sasabihin nila.

Dire-diretso akong nagtungo sa silid na iyon. Haharangin sana ako ng dalawang bantay nang ilabas ko ang dala kong dalawang stun gun. Agad naman silang nanginig at bumagsak sa sahig.

Nagkagulo ang paligid. Lalo na nang pumasok sa loob sina Joyo at ilang kasama sa undercover operation na ito.

“Bwisit ka! Rai!”

Nilabas ko ang baril ko at pumasok sa loob. Sigawan naman ang tao sa loob. May ilang nagre-repack pa ng pinagbabawal na gamot.

“Dapa! Lahat kayo ay dumapa!”

Agad na hinanap ng mga mata ko ang target. I ran to the second floor when I realized our main target was not there. Someone fired at me from above before I could get there. Fortunately, I was able to immediately concealed myself.

I immediately went upstairs after hearing some screams from the Children. Ganu’n na lamang ang panlalaki ng mata ko dahil sa nakita. Ilang batang nakahubad ang narito habang nasa harap ng mga camera. This wasn’t just simple drug trafficking. They are committing child pornography.

Miracle In Section 7Donde viven las historias. Descúbrelo ahora