Chap13

1K 23 0
                                    


VENUS P.O.V

Napangiti ako dahil sa pamilyar na bangong naa-amoy ko. Naramdaman ko din ang mainit niyang hininga sa pagitan ng aking leeg.

"Hmmm..."


Di ko maiwasan ang mapanga-ungol ng maramdaman mainit at malambot niyang labi sa aking labi. Magaan lang ang halik pero nag-uudyok sa akin na tugunin ko yun. Hangang sa bumaba iyon sa aking panga, leeg at balikat. Naramdaman ko ang marahan niyang pagbaba sa manipis na tela sa aking balikat at ang paghapit pa niya sa katawan ko. Higit sa lahat ang matigas na bagay na kumikiskis sa hita ko.

TEKA?

Halik?

Kamay?

Yakap?


Ano yun?


Bigla akong napamulat ang inakala kong panaginip ay totoo palang nangyayari ngunit ganun na lang ang pagkabigla nang magtama ang mata naming dalawa.


"Hi baby.. goodmorning." Nakangiting bati niya sa akin.


"Ahhhh!"

Kaagad kong sinipa ang junjun niya sa pagkabigla.

"Oh! Sh*t! Fvcking Holy Cow!" Impit na mura niya sabay tayo sa pagka kapatong mula sa akin.

"Jhared!anong ginagawa ko dito?! Bakit ako nandito?! Anong gagawin mo sa akin?! Paanong?"

Ang huli kong naalala ay ang pag-tikim ko ng cocktail drink na yun sa party pagkatapos nag-paalam na ako sa kanila dahil nakaramdam ako ng antok umakyat ako sa room para magpahinga ng biglang?

Napalingon ako sa glass wall mula sa hininigaan kong kama ay tanaw na tanaw ang kulay puting buhangin at kulay asul na dagat.

"Oh, noooo!"

Bumaba ako sa kama at sinugod ko siya.

"Walang hiya ka! Saan mo ako dinala! Ibalik mo ako kila Tita!" Sigaw ko habang hinahampas ko siya ng kamay ko.

"Venus, huminahon ka andito tayo para mag honey moon!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Honeymoon? Sira ba yang ulo mo?! Anong honeymoon ang sinasabi mo? Hiwalay na tayo kaya ibalik muna ako sa amin!"

Patuloy ako sa paghampas sa dibdib niya nang hulihin niya ang dalawang kamay ko.

"Hindi tayo hiwalay! Iniwanan mo ako pagkatapos ng nangyari sa atin!"

Napa-awang ang labi ko sa sinabi niya.


Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa amin noong gabing yun. Ang pag-angkin niya sa akin at ang pagpapaubaya ko.

"No, hindi na importante sa akin kung ano man ang nangyari noon. Tahimik na ang buhay ko at masaya na ako sa ngayon kaya ibalik mo na ako kila Tita Blaire!"

Buong lakas kong hinila ang kamay ko na hawak niya.

Tinungo ko ang pinto at binuksan ko agad.

Hindi ko alam kung nasan ako basta ang importante sa akin maka-alis ako dito. Siguradong naghihintay na sila Tita sa akin. Baka nag-aalala na sila kung hindi ako uuwi.

Pagkababa ko ng hagdan ay tumambad sa akin ang kulay puting sala. Kagaya ng kwartong pinangalingan ko, akala ko nasa hotel ako ng resort pero pakiramdam ko nasa malaking bahay ako.

Unconditional loveWhere stories live. Discover now