Kailangan kong protektahan ang sarili ko dahil walang ibang may kakayahan gawin yun kundi ako.

Nang-uuyam niya akong tinignan.

Kaya ba atat ka ng umuwi dahil sa lalaki mo? Tapos kapag hindi pumayag si Lola sa gusto mo babalik ka rito? Anong palagay mo sa akin tumatangap ng second hand?” Lumapit ako sa kanya at nginisihan ko siya.

Alam mo Jhared? Wag ka ng magtaka kung bakit iniwan ka ng girlfriend mo. Dahil kahit sinong babae walang makakatagal sa ugali mo!” Singhal ko sa kanya.

pero hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari mabilis niya akong hinila at isinandal sa likod ng malaking pinto. Dinig ko pa ang malakas na paghampas ng likod ko kaya napangiwi ako.

Hinawakan niya ang isa kong kamay at ang isa naman ay nakahawak sa leeg ko. Kaya mahigpit kong hinawakan ang kamay niya na nasa leeg ko.

How dare you! Kagabi sinampal mo ako, pinalagpas ko yun! And now you’re talking to me like you know me?! Wala kang alam sa pinagdaanan ko Venus! At dahil ginalit mo na rin ako ng tuluyan magdasal ka na!”

Bitawan mo ko! Ikaw ang magdasal dahil masama ang ugali mo!”
Marahas niya akong binitawan napaubo ako dahil napadiin ang hawak niya sa leeg ko.

Malalaman mo ang tunay kong kulay kapag nakasama mo na ako. Sisiguraduhin kong gagapang ka paalis sa pamamahay na to.”  Madiing sabi niya sa akin na nagbigay sa akin ng labis na pangamba.

Pero hindi ko yun pinahalata kapag nakita niyang mahina ako siguradong lalo pa niya akong tatapakan.

Pagkatapos niya akong pagbantaan ay lumabas na siya ng kwarto.

Napapikit pa ako dahil sa malakas na paglagabog ng pinto. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung dahil ba yun sa takot. Binigyan lang niya ako ng dahilan kaya lalong hindi ako pwedeng manatili ng matagal dito. Kailangan kong makaalis at bumalik sa bahay ampunan kung saan ako nababagay.

Hindi ako lumabas ng kwarto, pero may nagdadala sa akin ng pagkain. Kaya maghapon kong ikinulong ang sarili ko dahil baka makita ko na naman siya.

SInabi din ni Manang sa akin na mamayang gabi daw uuwi si Lola pero mahina parin daw ito kaya hindi daw pwedeng ma-stress at bigyan ng sama ng loob.

Hindi ko alam kung paano ako aalis kung ganun ang kalagayan niya pero susubukan ko parin dahil hindi ko na kayang tumagal pa sa malaking bahay na ito kasama ang lalaking yun.

Kinagabihan naghanda ako sa pagdating ni Lola. Pati mga gamit ko ay nakahanda na rin. Si Jhared daw ang nag-uwi kay Lola at nasa kwarto na daw ito. Dahan-dahan akong nagtungo sa kwarto niya at nakakailang katok pa lamang ako ay pinapasok na niya ako. Nurse ang nagbukas ng pinto at iniwan din kami.


"Lola?" Nangingilid ang luha akong lumapit sa kanya.

"apo! Mabuti naman at pinuntahan mo ako agad. Patawarin mo sana si Jhared, hija. Masyado lang siyang nasaktan noon sa Ex niya kaya siya nagkakaganun. Pero alam mo napakabait non at masunurin." Mahinang sabi ni Lola.

Hinawakan ko ang kamay niya at umupo ako sa tabi niya.

"Okay na po ba kayo? Nag-alala po ako sa inyo. Patawarin niyo po ako Lola. Hindi ko po napigilan ang sarili ko kaya nasampal ko siya." Naiiyak na wika ko sa kanya.

"Ano ka ba, apo. Tama lang ang ginawa mo para magising si Jhared  Paki-usap bigyan mo siya ng pagkakataon hija. Mabuting binata ang apo ko. Nagkaganun lang siya dahil iniwan siya ng girlfriend niya pero sigurado ako babalik din siya sa dati."

Unconditional loveWhere stories live. Discover now