“Lets go!”, aya nito nang hindi ako nagsalita.

Maglalakad na sana ito ngunit muling napalingon sa akin nang makitang hindi ako tumayo. Tinaasan ako nito ng isang kilay niya at naghihintay.

“Don't worry, Hija! Since you are in a fake relationship with Lucas, the marriage documents are also fake. It's just for show purposes.”, singit naman ni Sir Nicolas.

Napatitig ako sa kanila at napalunok. Narito na kami sa office ni Sir Nicolas sa loob ng bahay nila. Humigpit ang pagkakahawak ko sa papel na kailangan kong pirmahan.

Huminga ako nang malalim at kinuha ang ballpen para pirmahan ang dokumento.

“Just 1 year.”, I said as I handed them the documents I signed.

Napangiti ang mag-asawa sa akin. Lumapit sa akin si Ma'am Lauren at hinawakan ang dalawa kong kamay.

“Since you've already signed the contract, you must call us mom and dad from now on. You are really part of our family now, Reign.”, malapad itong napangiti at hindi nakatiis na yakapin ako.

“So, Reign and Lucas are now married on paper. You two should live under the same roof.”, dagdag ni Sir Nicolas na ikina-tutol ko.

“I'm sorry, Si—”, he cut me off.

“Dad, Reign.”, he corrected.

“We're just in a fake marriage. There's no need for that.”, mahinang pagtutol ko.

“Yeah! pero walang mag-asawa ang hindi nakatira sa iisang bahay.”, sagot naman nito.

“People will find out that our relationship is not real if we are not living under the same roof.”, dagdag pa ni Lucas.

“So you will also live here with Lucas.”, tumanggi pa rin ako dahil ayokong dito tumira sa loob ng isang taon.

“Papayag po ako na tumira kasama ang anak niyo pero hindi po rito.”, pagpupumilit ko.

“He can stay at my condo.”, dagdag ko na ikinatango-tango ni Sir Nicolas.

“Much better, so they would think that you two are living together as a married couple.”, nangingiting wika ni Sir Nicolas na ikinasang-ayon naman nila.

Nanatili ako ngayong gabi sa bahay nila pagkatapos naming mag-usap. Hindi na nila ako pinauwi sa condo ko dahil gabi na raw at baka mapaano pa ako.

Nasa loob ako ngayon ng kwarto ni Sir Lucas at nakaupo sa kama niya. Napaisip ako kung anong pumasok sa utak ko at pumayag akong tumira kasama si Lucas, talagang sa condo ko pa na-suggest ah.

“What? Do you regret it already?”, napaangat ang ulo ko nang bumukas ang pintuan ng kwarto.

Hindi ako nagsalita at inirapan ko lang ito. Napailing naman ito at nilagay ang hawak nito sa tabi ko.

“Your clothes.”, kinuha ko ito at pumasok sa bathroom niya. Napaawang ang labi ko sa laki nito. I looked around and entered the door that was connected to it. It was his closet.

“In fairness, his room and closet are clean, and the things are well organized.”, napahanga ako sa mga kagamitan nito at sa kaayusan.

Napapitlag ako noong tumalikod ako at nakita si Sir Lucas na nakasandal sa likod ng pinto. Pinakatitigan lang ako nito habang naka-krus ang mga braso.

“Bakit nandito ka?”, napaatras ako noong lumapit ito sa akin.

“This is my closet, woman.”, napakurap ako nang tumama ang hininga nito sa mukha ko.

“Lumayo ka nga sa'kin.”, sinubukan ko itong itulak pero hindi iyon sapat para lumaki ang pagitan sa gitnan namin.

“Why? Don't tell me I have an effect on you.”, the corner of his lips rose up.

“Saan ka humugot ng kapal ng mukha para sabihin 'yan?”, pagtataray ko. Ang hangin din pala nito, hindi ako na-inform.

He looked at me with amusement in his eyes. Umayos ito sa pagkakatayo at seryosong namulsa.

“Are you going to change, or do you want me to dress you up, hon!”, he emphasized the endearment he used.

Napangiwi naman ako sa sinabi nito. Yuck!

“Hon, that's our endearment. You must call me 'Hon' even if it's just the two of us, so you can get used to it.”, hindi na nito inantay ang sagot ko at tinalikuran na'ko pagkatapos magsalita.

Nagkibit balikat nalang ako at nagbihis na ng pang-tulog. Pumuwesto ako sa left side ng kama niya at nahiga. Tumalikod ako at pumikit noong lumabas ito galing bathroom.

Naramdaman kong may nakatayo sa tapat ko pero hindi na ako dumilat para tignan pa ito. Napapikit ako nang mariin nang may dumampi sa noo ko. Did he kiss me on my forehead?

“Goodnight, hon!”, he said as he fixed my blanket.

Kasama pa ba 'yon sa pagpapanggap namin?

_____________________________________________

Enjoy reading!

AT MY LOWEST ( Ongoing )Where stories live. Discover now