Hinagis ko sa kama ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagbibihis. Humarap ako sa vanity mirror ko at pinakatitigan ang mukha ko.

"Pupunta pa ba ako do'n?", I pouted my lips as I asked myself.

I composed myself and stood up to get my bag and car keys. I played a song while driving to their house to somehow get my mind off what was happening.

"Hija!", Ma'am Lauren immediately hugged me when she saw me. She's Lucas's mom.

Niyakap ko ito pabalik.

"How are you, Hija?", tanong nito habang naglalakad kami papasok sa dining area.

"Okay naman po ako, ma'am.", sagot ko at nahihiyang ngumiti sa kaniya.

"Ano ka ba, Hija! Sabi ko sa'yo tita ang itawag mo sa akin.", huminto ito at parang nagtatampong humarap sa akin. Matagal na kasi niyang gustong tawagin ko siyang tita pero nahihiya naman ako.

"Sweetheart, kinukulit mo na naman si Reign.", natatawang wika ni Sir Nicolas nang makitang ang kaniyang asawa na nakahawak pa sa braso ko.

Nakangusong bumitaw sa akin si Ma'am Lauren na ikinatawa ko naman. Ang kyutt!

"You can sit there, Hija.", itinuro ni Ma'am Lauren ang isang upuan na nasa tabi ng anak niya.

Dahan-dahan naman akong naglakad palapit sa upuan at napatingin kay Sir Lucas nang tumayo ito at giniya ako paupo.

"Thank you!", tumango lang ito at umupo na ulit. Nagulat ako nang ipag-sandok pa ako ng pagkain nito. Napangiti naman ang mga magulang nito.

Tahimik lang ako habang kumakain at naghihintay lang sa sasabihin nila kung bakit ako pinapunta rito.

"Hija, about what happened. We're so sorry.", napahinto ako sa pagsubo nang magsalita si Ma'am Lauren.

Inangat ko ang tingin sa kaniya. Nasa tapat ko ito nakapuwesto at inabot nito ang kaliwang kamay ko at hinawakan.

"Nakikiusap kami sa'yo.", nagsusumamo ang mga mata nito.

"Hanggang kailan po?", tanong ko. Napaawang ang labi nito na parang hindi inaasahan ang tanong ko.

"Nangyari na po at wala na pong ibang way para tumanggi.....pero gusto ko lang po tanungin kung hanggang kailan po ako magpapanggap?", hindi ito nakasagot at napatingin sa asawa niya.

Lahat sila sa akin ay nakatingin na, pati ang lalaking katabi ko na kanina pa walang imik.

"1 year.", humarap ako sa katabi ko nang biglang magsalita ito at nagpatuloy sa pagkain.

"I'm sorry but I can't d-", napahinto ako sa pagsasalita nang lumingon ito at sinalubong ang mga mata ko.

"Just 1 year.", seryosong saad nito.

"Bakit aabot ng isang taon?", nakakunot noong tanong ko. Ang expected ko mga weeks or months lang pero bakit kailangan isang taon? Hindi ko kaya 'yon.

"So they won't suspect that our relationship is fake.", nakaramdam ako ng takot sa sarili ko.

1 year, Kaya ko ba 'yon? What if...
Napapikit ako at pilit na inalis sa isipan ko ang isang bagay na pumasok sa isip ko. Hindi p'wede.

"Your signature is the only thing still not filled in on the marriage contract.", he casually said.

“Do I really need to sign it?”, it was almost whispered but enough for them to hear.

“Yeah! so that we can show proof that we really got married.”, nagpunas ito ng labi at tumayo.

AT MY LOWEST ( Ongoing )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora