CHAPTER 3

1.1K 52 4
                                    

Because of what happened in Kitty's Village. Nanatili ako ro'n ng tatlong araw. Tinulungan kong bumangon ang mga villager do'n.

Malugod naman nila akong tinanggap do'n at itinuring na parang kapamilya na rin. Gusto pa nilang dito na lang ako manatili pero ayaw ko pang mamatay agad.

Maliban sa mga bahay na nasira ay nasama rin ang kanilang munting kabuhayan. I saw their destroyed farms with my two eyes. Kung may magagawa lang ako.

Naging busy din si Kitty kaya hindi pa kami nakakapag-usap tungkol sa pag-alis ko sa Avarel Empire.

Hinding-hindi ako magiging ligtas kung nasa Avarel pa rin ako. Malalaman at malalaman ng Empress kung nasaan ako nananatili. Habang maaga pa ay kailangan ko ng lisanin ang Village nila Kitty.

Sa oras ng aking pagtakas ay oras na nagbago ang takbo ng novel. Dapat ay patay na ako 3 days ago. Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng takot habang iniisip na isang maling galawa ko lang ay nakahandusay na ako.

Bakit hindi na lang ako nareincarnate sa isang normal na tao. ‘Yong walang connection sa mga nobles. Kailangan bukas ay wala na ako rito.

Bumukas ang pinto ng kubo na tinutuluyan ko. Pumasok si Kitty na may dalang basket na may laman na mga prutas. Ang mga prutas na ‘yon ay katulad sa mga prutas na nakita ko sa forest. Ang iba ay umiilaw, karamihan sa prutas ay bago lang sa aking paningin.

Nalaman ko rin na ang pagsalakay na nangyari sa kanila ay ngayon lang nila naranasan. Hindi nila alam kung bakit bigla na lang silang sinalakay ng mga halimaw.

Buti na lang at nakalikas sila Forest of Blessings nang matanggap nila ang babala mula sa watchtower ng village na ito.

Isang araw silang namalagi sa kabilang bahagi ng Forest of Blessings kung saan kami dumaan. Binalak ng mga kalalakihan na silipin ang village nila nang kami ay dumating at nadatnan ang mga sirang kabahayan.

Hindi pa ako nakakita ng halimaw na sinasabi nila mula nang mapunta ako rito. Kaya hindi ko maiwasan magtaka kung ano ang itsura nila. Lalo na't balak ko maglakbay mamayang hapon.

My eyes widened when I saw a familiar figure of a fruit in the basket that Kitty was holding.

“Apple...” napalunok ako. Masarap naman ang mga pagkain sa mundong ito, parehas lang sa earth pero may kulang. I suddenly miss earth.

B-But the apple here was glowing?

She put down the basket on the mini table. I hurried reached the apple. Kakagatin ko na sana ito nang bigla itong mawala sa kamay ko. Masama ‘kong tiningnan si Kitty.

“Huwag po kayong magalit sa akin, my lady. Bawal po sa inyo ang prutas na ito,” taranta nitong saad at ibinalik ang apple sa basket. Binuhat pa nito uli ang basket at inilayo sa akin.

“Bawal?” Her mouth fell open.

“Nakalimutan niyo po ba, my lady? Minsan na kitang pinakain ng apple noong nasa palasyo pa tayo at bigla ka na lang po nahimatay pagkatapos niyong kumagat ng isang beses,” pagpapaliwanag nito.

“Poison?”

“Hindi ko po kayang gawin sa inyo ‘yon, my lady! Sabi po ng psychiatrist, bawal po sa inyo ‘yon!” napalakas ang pagkasabi nito. Allergy? Hindi ko maiwasang mairita.

“Why that thing is here! If you know that I'm allergic of it.” I frowned. She suddenly bowed and apologized again.

“Dadalhin ko po kasi sa iba pang villager ang matitira sa mga prutas. Hindi ko po inaasahan na ang apple na ‘yon ang balak niyong kainin,” naiiyak nitong paliwanag habang nakayuko pa rin sa harap ko.

One of His ConcubinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon