Natigilan ako. Hindi maaari! Hindi pwede! Hindi ako pwedeng mapasali sa plano nila. Hindi ko kayang tumagal don. Ikamamatay ko!

"Ngunit paano kung hindi tayo magtagumpay sa binabalak mo? Paano kung merong mga holder na takot lang talaga sa dilim?" Tanong ni Mady.

"Hindi isa lang ang ikokonsidera nating prinsesa. Sa loob ng sampung minuto, kung sino-sino ang hindi mga nakayanan sa dilim ay dadako sa pangalawang plano. Walang makakaalam ng plano natin bukod sa atin. Hindi maaaring makarating ito sa iba dahil maaaring malaman nya at makagawa sya ng paraan." Seryosong sabi ni Travis.

Eh tanga nga ito! Nandito na ako! Narinig ko na. At sinisigurado ko na makakagawa ako ng paraan! Hindi nila maaaring malaman na ako ang may hawak ng nawawalang brilyante. Hindi pa ako handang magpakilala sa kanila.

Ilang taon akong nagtago, pinaghirapan ko na itago ang totoong katauhan ko. Nalaman man ng mga kalaban, hindi parin ako handa na malaman nila. Hindi ko alam ang sasabihin. Hindi ko alam ang gagawin.

Tumayo na ako upang lumabas na. Kailangan kong makaisip ng paraan para hindi nila malaman na ako ang hinahanap nila.

"Saan mo na namang balak pumunta?" Tanong ng masungit na prinsepe na umaasta ngayong parang ama ko.

"Sa lugar nang mga demonyo. Tatanong ko sa kanila kung bakit nila ako sinakal." Walang kwentang sagot ko habang patuloy na naglalakad, walang balak na lingunin sila.

"Tanungin mo narin sila kung nagmana ka ba sa kanila ng kakulitan at katangahan."

"K." Wala ako sa tamang pagiisip para makipagtalo sa kanya. Mas may mahalaga akong dapat isipin kesa sya. Sipain ko sya eh.

Binuksan ko ang pinto at lumabas. Napangisi ako nang may maisipan. Pabagsak kong isinarado ang pintuan, sinigurado ko na magugulat talaga sila don.

"YNAAAAA!" Sigaw ng prinsepeng nauubusan na ng pasensya.

Tatawa-tawa akong naglakad sa hallway pero nakakailang hakbang palang ako ay may tumusok na sa kaliwang braso ko.

Agad akong nakaramdam ng sakit mula don. Isang pana na ang nakabaon sa braso ko. Agad kong tiningnan ang pinagmulan non. Isang nilalang na nakaitim ang namataan ko sa kabilang building.

Nang makitang papatakbo na sya ay agad kong hinugot ang pana sa braso ko at nagteleport papunta don. Sigurado akong walang ibang nakakita sa akin dahil lahat ng mga studyante ay pinapasok sa mga dorm nila dahil sa naganap kanina lang.

Natigilan ang lalaki nang bigla akong lumitaw sa harapan nya dito sa rooftop. Kita ko pa na bahagyang nanlaki ang mata nya.

"Wala talaga kayong balak na tigilan ako, no?" Tanong ko sa kanya habang ginagamot ang sugat ko.

"Bakit hindi ka nalang kasi sumama sa amin, sabay-sabay nating tapusin ang mga walang kwentang nilalang na nakatira sa mundong ito." Nakangising tanong nya.

Gosh, bakit ang gwapo nya?! At bakit nagiisip ako ng ganito?! Kalaban sya, Yna!

"Kung ganon ay umpisahan mo nang tapusin ang sarili mo. Isa karin naman sa mga walang kwentang nilalang sa mundong ito."

Tumawa sya. "Ako nga ba? Baka nakakalimutan mo na wala karing kwenta sa mundong ito? Nakalimutan mo na ba ang nangyari sayo sa nakaraan? Nakalimutan mo na naman ba ang ginawa sayo ng mga kinakampihan mo? Hindi ba't sila ang dahilan kaya ka--"

Hindi nya na natapos ang sasabihin nya nang itaas ko ang kamay ko at itinutok sa langit, saka ko itutok sa kanya. Isang kidlat ang tumama sa kanya na agad nya namang ikinamatay.

"Nakalimutan mo na rin ata kung sino ang kausap mo at kung ano ang kaya kong gawin." Sabi ko sa nasusunog nyang katawan.

Nanghihinang naglakad ako palapit sa isang sulok at napaupo nalang don. Naitakip ko ang mga kamay ko sa mukha ko hanggang sa naramdaman ko nalang na umiiyak na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hidden PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon