Chapter 4

144 15 0
                                    

Yna POV

"We have to be there before 3pm. Did you bring tent?" Tanong ni Prince Travis

Nagkatinginan kami ng grupo ko. Nagsitango sila habang ako naman ay napanganga sa kanila.

What the hell! Wala naman silang sinabi na kailangan magdala ng tent ahh. Wala rin silang sinabi na dito kami matutulog!

Umakbay sa akin si Ian. "Don't worry, babe. My tent is big so kasya tayong dalawa don." Sabay kindat nya.

Lumayo naman agad ako sa kanya para samaan sya ng tingin. "No way! Hindi ako tatabi sayo." Tanggi ko.

Ngumisi sya. "Itong girlfriend ko talaga, napakamahiyain. Wag kang magalala, okay lang kahit malikot ka."

Ako naman ang ngumisi sa pagkakataon na ito. "Sige ba." Lumapit ako sa kanya ng sobrang lapit saka ako tumingkayad para bumulong sa kanya. "Basta katabi ni Marlon si Sofia."

Naramdaman ko na natigilan sya kaya mas lalong lumaki ang ngisi ko. Lumayo ako sa kanya at malakas na natawa ng makitang masama na ang tingin nya sa akin.

"You! Brat! Maghanap ka ng tent na tutulugan mo!" Sigaw nya sa akin na inis na inis.

Well, to the you the truth. Yang impakto na yan ay ginagamit lang ako para pagselosin si Sofia.

May gusto yan kay Sofia eh. Torpe sya tapos yung isa ay manhid. Wow! Great combination!

Manggagamit! Sinasadya nya akong gamitin para mapagselos yung isa. Hindi naman ako pumayag pero hindi sya nagpapigil!

"If you didn't bring tent, makitulog kayo sa may tent. Girls with girls and boys with boys."

Mas natawa pa ako sa dinagdag ni Prince Travis. Yan kasi masyadong seloso yung isa eh hindi naman pala pwedeng magsama ang lalaki at babae sa isang tent.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang dagat. Wala kang makikita na holder na pakalat kalat dito.

This place is so dangerous dahil tirahan ito ng mga sirena. If you want to stay here then you should be ready to die because you wouldn't know what will happen next.

Napakatahimik ng lugar na pati ang tibok ng puso ko ay naririnig ko na.

Ang ganda dito, may magandang tanawin pero hindi sapat ang ganda nito para manatili ako dito. I still want to live.

"Be observant. Focus your attention to your surroundings. Hindi natin alam kung nasaan sila." Sabi sa amin ni Prince Gino.

Pumunta sa unahan namin si Princess Mady at naglakad sya palapit sa tubig.

Agad naman syang sinundan ni Prince Cavin at pinigilan. "Where do you think you're going?" Pagalit na tanong nito.

Sumenyas si Princess Mady na tumahimik ito saka inalis nya ang pagkakahawak nito sa braso nya.

"I can feel them." Sabi nito.

Oh, I remember. She have the water gem kaya kaya nyang pakiramdam ang tubig.

Bumakas ang pagaalala nya sa mukha nya. Bigla nalang syang tumakbo pabalik sa pwesto namin habang hila si Prince Cavin.

Itinaas nya ang kamay nya at biglang may pumalibot sa amin na tubig na parang prinoprotektahan kami.

Nagtaka ako sa ginawa nya pero halos lahat kami ay napaatras ng tumaas ang tubig ay umalon ng malakas papunta sa amin.

Ngayon ay napapalibutan na kami ng tubig dahil hindi talaga humupa ang alon. Parang tumaas ang dagat.

Hidden PrincessWhere stories live. Discover now