Chapter 19

105 7 4
                                    


Yna's POV

Agad akong natigilan nang makita ko ang pinuno ng dark holder. Bahagya pa akong napaatras at agad na kinabahan.

Sya yung nakita ko kanina! Sya yung nakakapa! Kaharap nya ang mga royalties at mga kaibigan ko samantalang nasa likod nya naman ang mga dark holder.

Nakatayo lang sila habang nagtitinginan ng masama at naguusap. Hindi ko magawang lumapit. Hindi ko alam ang gagawin ko dahil batid ko ang posibleng mangyari kung nandito sila. Madaming mapapahamak.

"H-headmistress, na-nasan kayo? Kung naririnig nyo ako, kailangan namin ng tulong nyo. Nandito ang pi-pinuno ng dark holder! Pakiusap!" Utal-utal na banggit ko sa hangin dahil alam ko na maririnig nya naman ako.

Gusto kong lumapit kaso natatakot ako na makilala ako ng demonyo na iyon. Baka sabihin nya na ako ang may hawak ng light gem. Hindi nila pwedeng malaman.

Nanatili akong nakatingin sa kanila. Hindi ko alam ang gagawin ko. Piste! What to do? Yna! Isip!

Laine's POV

"Umalis na kayo dito." Galit na bigkas ni Travis sa hari ng mga drak holder.

"Sino ka para utusan ako, bata?" Nakakatakot ang boses nya!

Kanina ko pa gustong umalis dito pero hindi ko sila pwedeng iwan. Alam ko na parehas kaming lahat ng nararamdaman.

Hindi biro ang kaharap namin. Isang maling galaw lang ay pwede kaming mamatay lahat. Isang pagkakamali lang ay madaming madadamay.

Ilang beses pa lamang namin syang nakakaharap pero laging nanganganib ang buhay namin. Hindi sya basta holder lang. Pito man ang gem na meron kami pero malakas parin ang laban nya sa amin.

"This is our academy, you are not allowed to enter here."

"Wala akong pakialam kung kanino man ang lugar na ito. Pupuntahan ko ang gusto kong puntahan. Gagawin ko ang gusto kong gawin."

"Magsipaghanda kayo. May papalayasin tayong demonyo." Sagot ni Gino.

Agad naming hinanda ang sarili namin. Pati nadin ang Yarn Group. Wala ng mga studyante dito. Batid kong nagsitago na sila kaya kami nalang ang natitira.

"Hindi kailangan umabot pa sa patayan ang pagtitipon na ito. Aalis kami kung yon ang gusto nyo, ngunit hindi kami aalis nang walang kapalit. Ibigay nyo sa akin ang mga brilyante nyo upang hindi na tayo umabot sa patayan." Nakangising bigkas nya.

"Tanga ka ba? Hindi mo kami maloloko, Abaddon. Walang magbibigay ng brilyante sa amin. Magkamatayan man." Sigaw ni Cavin.

Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo ni Abaddon ngunit ilang sandali lang ay tumawa sya. "Kung yan ang gusto nyo. Huwag kayong magsisisi."

"ABADDON!" Napatingin ako sa likod nang marinig ko ang boses ni HM.

Mabilis siyang naglalakad palapit sa amin kasama si Headmistress.

"Elixir. Nandito ka rin pala. Maligayang pagkikita."

"Kailanman ay hindi ako magiging maligaya na makita ka." Sagot ni HM.

"Hanggang ngayon ay sunod-sunuran ka parin pala ng mga nilalang na ito." Nangiinsultong saad ni Abaddon.

"Hindi ko kailangan ng anumang salita galing sayo. Umalis ka sa paaralang ito bago kami mapilitan na paalisin ka dito gamit ang dahas." Galit na sabi ni HM.

"Huwag mo akong takutin, Elixir. Batid nating lahat kung ano lang ang kaya mong gawin. Kagaya ka parin ng dati, isang mahinang nilalang." Tumatawang saad nito.

Hidden PrincessWhere stories live. Discover now