SIMULA

12 1 0
                                    

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

...................................

MARIING ipinikit ni Cyu ang mga mata habang kausap ang ama sa telepono. Halata ang galit sa tono nito at mabilis din ang pagsasalita na pinapagalitan siya. Hindi niya halos maintindihan ang mga sinasabi nito dahil sa bilis noon. Halos ang mga salitang " idiot","hide yourself" at " don't show yourself" lang ang halos narinig niya sa dami ng sinasabi ng ama. Naririnig nadin niya ang kanyang ina sa kabilang linya na pinakakalma ang kanyang ama.

His father really wanted him to get married.Alam niyang gusto na ng mga ito ng apo pero wala naman siyang magawa para ibigay iyon. Ayaw niya pang magpakasal dahil ang bata pa niya para sa kasal. At isa pa, wala pang kahit isang babae na nagpapatibok ng puso niya. Kahit naman nakalipas na ang isang daang taon ay naniniwala pa rin siya na "Married is for the two people who love each other". Pero wala padin siyang sapat na lakas para umayaw sa mga inuutos ng ama dahil sa pananakot nito sa kanyang patalsikin siya sa kumpanya. Kaya naman kahit labag sa loob niya, umaattend na lang siya sa mga blind date na siniset nito.

"Dad, I lost my way going to the Restaurant."putol niya sa pagsasalita ng kanyang ama." I'm already here in the restaurant but I can't find that woman. Do you understand, dad?"

"Hindi, At ngayon ka lang pupunta diyan Jacques Cyu Martinez?. Ano na lang sasabihin sakin ni Mr. Jerald? I was the one who asked him to let his daughter have a date with you pero hindi mo sinipot—--"

"Dad, if you really want me to get married.Please give me time to find the right woman for me." Alam niyang mali ang pagsagot niya sa kanyang ama pero napuno na din siya. He was tired at work and now his father is making it more tiring for him.

"At kailan naman? Kapag namatay na kami ng mama mo?"

Napakamot siya sa ulo niya ng patayin ng ama niya ang tawag. Iniisip niya na kasalanan ng babaeng pinagtanungan niya  ito kaya hindi siya nakasipot sa location ng blind date niya. He asked the girl who was standing in front of the mall but the girl led him the wrong way. When he went to the restaurant the girl he was meeting was already gone. At tingin niya nagsumbong na ito sa kanyang ama.

Naiinis na naglakad siya palabas ng restaurant. Hindi nadin niya pinansin ang waiter na lumapit sa kanya. Ibinulsa niya ang kanyang cellphone at naglakad na palabas. He thinks that he needs to stay in his friend's penthouse. Ayaw na muna niyang magpakita sa ama dahil alam niyang walang katapusang diskusyon lang ang mangyayari sa kanila. Akmang palabas na siya sa Mall ng biglang may nagsalita sa likod niya.

"Nakita rin kita", anang boses ng babae.

Natigilan siya ng marinig ang boses ng babae kanina. Hindi niya ito pinansin at naglakad palabas ng magsalita itong muli.

"Hoy, Mr!",sigaw ng babae

"Anong kailangan mo?" Tanong niya habang nakatalikod padin.

"I just want to say sorry for leading you in the wrong way. Muka kasing bigdeal yung ginawa ko kaya ganyan ang itsura mo habang lumalabas kanina sa restaurant."

"Yup, it's really a big deal. It's also your fault I missed that appointment." Humarap siya sa babae at bahagyang natigilan ng makita ang buong mukha nito. He didn't see her face when he asked her earlier because he was busy looking at his phone but now he can see how beautiful the girl in front of him is.

Para siyang nakakita ng anghel na bumaba sa langit para sunduin siya para makaalis sa  poder ng kanyang ama.

"Look, Mr. I know that it's really my fault. Mind if I treat you? Want a drink?" Para siyang naging robot na tila pinapakontrol ng babae. Tumango lang siya dito at sumunod sa babae.

"I'm really sorry, I don't have cash with me. It turns out you treat me. " The girl laughed uncomfortably. Hindi alam ni Cyu kung matatawa ba siya sa babae dahil ito ang nag-aya sa kaniya pero siya ang nagbayad.

Habang tinitignan niya ang babaeng umiinom ng coca cola na binili nila bigla na lang niyang naisip na pagpanggapin itong girlfriend niya para tumigil ang kanyang ama sa pangungulit sa kanya.

"Can you be my fake girlfriend?"Tumingin sa kanya ang babae ng may pagtataka. Hindi niya alam kung tama bang tanungin niya ang babaeng ito o baka naman matakot ito sa kanya.

"Ano?" 

"Be my fake girlfriend."

Untitled(Bachelor Series#1)Where stories live. Discover now