Kabanata 2

2 1 0
                                    

NAGISING ako nang maramdaman kong tila may humahalik sa akin. Nang imulat ko ang mga mata ko ay tumambad sa akin ang nakangiting mukha ng pinakaguwapo na yatang lalaki na nakita ko sa buong buhay ko. His eyes...his nose...his lips...they're perfection.

Ngingiti na sana ako, nang marealize kong may lalaking nasa harapan ko ngayon. 

THERE IS A MAN IN FRONT OF ME!

May lalaki sa harapan ko ngayon, at dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa akin.

"AAAAHHHH!" sigaw ko nang akmang hahalikan na niya ako. Akma akong tatayo para lumayo sa kaniya—kay Magnus—pero hindi ko nagawa dahil mahigpit ang pagkakakapit ng braso niya sa katawan ko.

Oh my gosh! Hindi siya panaginip. Oh my geee! Totoo na talaga! At nasha-shock talaga ako sa mga kaganapan.

Prince Magnus is real. And he is just about to kiss me. 

But his wings were now gone.

"Tell me that this is all just a dream," naiiyak kong pahayag. Ano ba ang nangyayari sa mundo? Bakit ganito?

Ano ba iyong nainom ko? Bakit parang sobra naman yata ang epekto nun?

"Huwag kang matakot," mabining sabi ni Magnus. "Gusto ko lang namang halikan ang asawa ko."

Huwait, what?! ASAWA?!?

"W-what did you mean by...asawa?" nahihintakutang pahayag ko.

"Asawa. Nagpakasal na tayo kanina," tila tuwang-tuwang pahayag nito. Ang guwapo niya, shaks. Nakakapanlaglag ng panty. Pero nakakapanlaglag din ng panga ang sinabi niya.

"Kasal na tayo?! Paanong nangyari iyon, eh ni wala nga akong natatandaang nagsabi ako ng 'I do' sa iyo?!" nagugulantang na saad ko. Pinagsalikop ko ang kamay ko, para lang magulat muli nang maramdaman ko ang singsing sa daliri ko.

"I'm sorry, love, but I did what I had to do to make you marry me. Huwag kang mag-alala, dahil gagawin ko ang lahat para gawing perpekto ang pagsasama natin," mabini pa ring saad niya.

"Wait, what? Anong ibig mong sabihin sa 'I did what I had to do'? Anong ginawa mo?!"

"I just...It's an Ikaro thing," paiwas na sagot niya.

"Ikaro?! Anong ikaro?!" nagwawalang pahayag ko. Kung ikaw ba naman, magising na lang isang araw at sabihang kasal na sa isang nilalang na ngayon mo lang nakita, kahit na gaano pa siya kaguwapo, ay hindi magugulantang?! Ni hindi nga ako nag-I do! At 25 pa lang ako! Paano ako naikasal agad nang walang pahintulot ng mga magulang?!

"Ikaro ang tawag sa uri namin. At isa sa mga kayang gawin ng isang ikaro na may dugong bughaw ay ang pasunudin ang isang tao sa pamamagitan ng hipnotismo," sabi niya. I sensed guilt in his tone. Of course, I knew why.

"AND YOU HYPNOTIZED ME TO MAKE ME MARRY YOU!?!? HOW DARE YOU!" sigaw ko. Dinuro ko siya. "Hindi ko alam kung sino ka, at wala akong pake kung ikaro ka o kung anuman ang tawag sa iyo. Wala akong pakialam kung guwapo ka o makisig ang katawan mo. At kahit na ganun pa man, hinding-hindi ako papayag na maikasal sa isang tulad mo! Shet! Ni hindi nga kita kilala!"

Nagwawala na ako. I know I lost it. Sino ba naman ang hindi mababaliw kung ganito ang nangyayari!? Kanina lang, ordinary pa ang buhay ko. Gumagawa pa kami ng project sa bahay nina Seanne. Ngayon naman, napadpad lang ako sa kagubatang iyon...nainom ko lang yung pesteng tubig na iyon...naikasal na ako agad nang wala sa oras! At sa isang taong ibon pa!

And worst, hindi ko pa will na mangyari! I was hypnotized, for effin's sake!

"My love, forgive me if I had to hypnotize you. It's the only way I know for you to marry me. Alam kong hindi mo ako kilala, pero matagal na kitang minamahal. Parati kang nasa panaginip ko mula pa noong isinilang ako. Tayo ang itinakda. Patunay iyon ng pagpapakita sa iyo ng mahiwagang tubig, at ang pag-iinom mo nito. Sa mga itinakda lamang nagpapakita ang mahiwagang tubig na iyon, at nagpakita nga iyon sa iyo."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magkabilang MundoWhere stories live. Discover now