Sara: Uy! Pwede naman mamayang hapon ito naman.





Tina: No. Sunduin kita.





Sara: Ah okay. Ikaw din naman masusunod eh :))





Sa araw na yun ay nagliwaliw lang ang dalawa at tumambay ulit gaya ng nakagawian nila. They talked about their memories shared together at naging masaya lang buong araw. Hindi na rin nila sinama si Amenah dahil bukod sa gustong bumawi ni Sara sa isang kaibigan ay nasa trabaho na 'yon at mahirap na hagilapin.


Gayunman, hindi nila alam na sa kabila ng kanilang kasiyahan dalawa, mayroong isang tanging pares ng mata na tahimik na nagmamasid sa kanila.

***

[TQB GC]


Bong: Men, may bala ako ulit. Let's record something today, rest day naman.





Duke: Seryoso ka ba? Next week na yung tour.





Bong: And? edi another gift for fans. Compensation sa delay ng tour.





Robin: At gusto mo na talaga i-release agad?





Bong: Why not? Para sa fans nga.





Robin: Siguraduhin mong para sa fans yan.




Herbert: Di ka man lang nagsabi kaninang umaga, hapon na bro, patulog na ako eh.




Bong: Are you coming or I will record this alone?





Herbert: Papunta na kami ito naman.





The four of them recorded a new song that afternoon. Isinulat 'yon ni Bongbong sa loob ng isang linggo. Ito ang dahilan kung bakit dumistansiya siya nang konti kay Sara upang masulat niya iyon nang maayos, dahil aminado siya na hindi siya makapag-focus pag ito'y malapit sa kanya.


Sa kanya parin babalik sigaw ng damdamin

Sa kanya parin sasaya bulong ng puso ko

Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan,

Ang pagmamahal at panahon alay pa rin

Sa kanya.


Inabot sila ng limang oras sa pagrecord ng kanta. Mabilis lang din naman kasi naturuan ni Bongbong ang tatlo.





Nang sila ay nagpapahinga pagkatapos ng recording ay napunta ulit si Bongbong sa balcony ng 3rd floor ng building nila. Ilang minuto lang, dumating naman si Robin.





"Ano? Sa kanta ka na lang magmumukmok?" ani Robin at tumabi kay Bongbong.





"Ano na naman?"





"Kakausapin mo ba hindi? Ako naaawa sa tao eh. Amba lagi nang amba."





Napabuga ng hangin si Bongbong. "I'm trying."





"Then try harder, Bong. Start na ng tour sa weekend. Kapag ikaw di mo pa kinausap, ako na magkukwento kay Sara lahat."





"You know nothing."





"Ang Musika ng Paghahangad album. That's basically it." ani Robin. "And I was literally your third wheel when you started dating in sophomore year. Anong di alam?"





Hindi kumibo ng ilang saglit si Bong kaya nagsalita muli si Robin. "Be honest with me. This isn't about being shy with Inday anymore, isn't it?"





"What do you mean?" napalingon naman si Bongbong kay Robin nang nakakunot ang noo.





Tumingin si Robin sa mga ulap. "You're jealous because he has a boyfriend."





"No." defensive na sabi ni Bongbong.





"Sure." saka tumango-tango si Robin. "Akala ko ba babawi ka?"





"Oo nga."





"You were never clear. Bakit gustong-gusto mong bumawi?"





"Maybe we both deserve the closure... kahit ako na lang ang nakaka-alala. I never had it with her, you know."





"Kahit ikaw yung nanakit at nang-iwan non, ikaw pa nagde-demand ng closure?" sabi ni Robin sabay inom sa dala niyang bote.





"I came back for her... taon-taon akong bumabalik sa kung saan sila dati nakatira. But she was gone..."





"Oh, bro..."





"Uunti-untiin ko, okay? Ayaw ko siyang biglain. Ayaw ko rin naman na kamuhian niya ako. I hope you understand me."





"Of course, Bong. Do it your way."


***

Remembering UsWhere stories live. Discover now