Sara: Ang suplado kasi ng dating niya hahaha. Ilang araw na ako nag attempt kaso sa aura pa lang niya ayaw ko nang lapitan.





Robin: Nako! Ganon lang talaga yun, but try to ask him, tutulungan ka non.





Sara: Uhh.. close ba kami dati ni sir Bongbong?





Robin: Ah, oo. Close tayong tatlo noon, actually.





Sara: Oh nice.





Robin: Do you want Bongbong's number?





Sara: Ay, wag na idol. Nakakahiya na :D





Robin: Ano ka ba, wala yun. Parang wala tayong pinagsamahan non. Kung may tanong ka lang about sa past mo, lapit ka lang sa akin :) I'll try to help.


***

Third Person's POV

Pagkatapos ng pag-uusap ni Sara at Robin ay agad binatukan ni Robin si Bongbong na katabi lang pala nito.


"Anak ng... ang sakit!" ani Bongbong saka sinamaan ng tingin si Robin.





"Hoy, Bongbong Marcos! Anong narinig ko kay Sara na sinusupladuhan mo siya?"





"What? Nagsumbong siya sayo?"





"Hindi, nasabi lang niya na ang sungit daw ng datingan mo pagdating sa kaniya."





Nakakunot lang ang noo ni Bongbong na iniwas ang tingin. "Hindi ko alam. I still don't know how to act around her yet."





"Hay nako! Dami mong sinasayang na oras."





"I'm aware of that."





"She's asking about you, Bong. I can't always make excuses for you. Paano kapag nadulas ako na ex mo yun?"





Sinamaan ulit siya nito ng tingin. "Sige, subukan mo lang."





Napahilamos nalang si Robin sa mukha. "Kausapin mo na kasi."





"Fine. I'll confirm from her na wala siyang naaalala."





"What? Di ka parin convinced?" di makapaniwalang tanong ni Robin. Nag-ayos naman ng tayo si Bongbong at akma na itong aalis. "Wait, tine-text mo pa rin ba siya anonymously?" Pero tiningnan lang siya nito at umalis na.





Kinagabihan ay patuloy parin na nakikipag-usap si Bongbong kay Sara sa text. Tinatanong niya paisa-isa ang mga alaala na gusto niyang ipa-alala ngunit bigo ito at nalaman lang ulit yung narinig niya na sinabi ni Sara kay Robin noong nakaraang araw.





Mas lalo lang itong na-guilty sa pag-amin mismo ni Sara sa kanya ng kaniyang karanasan kaya tumigil ito sa pangungulit at tinanggap na sa sarili ang totoong kondisyon ni Inday.





Kinaumagahan ay day off ni Sara kaya naisip niya na bumawi sa kaibigan na alam niya paring nagtatampo kaya agad siyang nagtipa ng mensahe para kay Christina.





Sara: Good morning, Christinaaa! Day off ko today kasi rest ng band.





Tina: And?





Sara: Treat kita :)





Tina: Oh. Okay, I can leave work today.





Remembering UsWhere stories live. Discover now