Two

36 4 6
                                    

VERA's POV

ngayon pupunta yung mga friends ni mommy and daddy kaya busy rin sila mag asikaso ng lunch pati ng dinner, mamaya pang gabi or bukas pa kasi yan sila uuwe ganyan naman sila lagi, ewan parang miss na miss nila isat isa eh nag kikita naman sila every week. 


"Vera can you get the door? sila tito edward mo na ata yan" sabi ni daddy andito kami lahat sa backyard since barbecue ang trip nila ngayon. 


pumunta naman rin ako agad sa main door kasi wala naman kaming katulong dito, mom wants to be hands on pagdating sa bahay kaya di na rin sila kumuha ano pa ngang point eh iisa lang rin naman ako hahaha. 


pagkabukas ko ng pinto bineso ako agad ni tita anne, asawa ni tito edward kasunod naman nito yung anak nya na si enzo and si tito edward bitbit ang bunso nilang si erika


"kamusta ka hija?" tanong ni tito edward after ko syang ibeso 


"okay naman po, eto maganda pa rin" pagbibiro ko natawa naman si enzo sa sinabe ko kaya kiniliti ko sya


"anong nakakatawa don? hindi ba totoo?" sabi ko at akmang kikilitiin ko ule sya pero napatigil ako sa sinabe nya


"may sinabe ba akong hindi totoo?" sabi nya at iniwan nya ako sa pinto


napatingin ako kay tito edward at napangiti sakin, he heard everything. bakit ganyan ka enzo? yun lang sinabe mo pero ang cool mo minsan sabihin mo kay shiela yan para naman kiligin yun sayo! hmp!


pagkasara ko ng pinto ay sumunod na rin ako sa backyard, plano naming mag swimming mamayang gabi since dito daw sila mag sstay lahat for tonight. 


naupo na ang lahat sa isang mahabang mesa para salo salong kumain, nakakatuwa nga eh buti na lang at continuous tong tradition nila talaga namang nakakaclose ko  silang lahat. 


"so kamusta? malapit na kayo mag college ah any plans?" sabi ni tito hadji  


"well plano namen kuhaan ng condo unit si vera malapit kay eyon" sagot naman ni mommy, i just smiled kasi yeyyy! nakikita ko na ang independence kooooo!


"na kwento nga ni kaycee yan, siguro pwede namang sama sama sila ano?" tanong ni tito kiel 


"actually tito yun po ang plano namen" sagot ko naman. 


bago kasi ako mag open up kay dad and mom napag usapan na naming apat na iisang university lang ang papasukan namen kahit iba iba kaming course atleast sama sama kami sa iisang campus!


"nako si vee papakawalan si vera? mukhang malabo ah" natatawang sabi ni tito kiel


"hahahaha sinabe mo pa pre, ilang pilit pa kami nitong anak ko sa mommy nya buti na lang si eyon nasa manila" sabi naman ni daddy!


hays! thank you tito eyon and lola Liza, kinausap rin kasi nila si mommy about don and buti na lang talaga andon silaaa huhu.


"eh alam nyo naman yang dalawa na yan since then di na nag hiwalay" kwento ni tito edward after nya uminom ng water


"totoo! pero kung ako nasa lugar ni danerie? ganun rin gagawin ko sa asawa ko" sabi ni tito hadji at hinalikan ang kamay ni tita danica. awww ang sweet!!! 


"mom! dad! ano ba yan" singhal ni rence sa parents nya nagtawanan naman ang lahat


"kaya kayo ha! pag may nagustuhan kayo sabihin nyo agad sa amin, sa edad nyong yan impossibleng wala kayong natitipuhan" sabi ni daddy 


"bakit may pinakilala na ba si vera?" tanong ni tito kiel at bigla namang nabuga ni enzo yung iniinom nyang juice


"sorry po nasamid lang" sabi nya at kumuha ng napkin para punasan ang mukha nya


"wala pa nga eh, tagal na naming nag aantay ng daddy nya hoy rence and enzo ah pag may umaligid kay vera kilatisin nyong mabuti ah" sabi ni mommy, wow ah may guard pa pala ako


"yes tita" 

"opo tita" 


sagot nung dalawa hahahaa, takot lang nila sa mommy ko hahahaha


"eto ngang si rence eh may kinikwento sakin" kwento ni tito hadji at sinisiko nya pa si rence na parang nang aasar talaga 


"alam na nya daddy" biglang sabi ni rence, at tumingin kay kaycee


tinignan ko si kaycee to get something pero ang gaga nakangiti at namumula pa wait what? whats happening?


"hahaha magiging balae na pala tayo mars!" biro ni tita joyce at nakipag apir kay tita anne 


bigla naman akong kinurot ni mommy at may binulong


"gusto ko na rin ng balae anak" bulong nya sakin


OMG KA MOM! napatingin naman ako kay daddy at para bang alam nya ang sinabe ni mom dahil natatawa sya sakin..


"eh ikaw enzo? may pinakilala ka na ba sa parents mo?" tanong ni daddy wow ha parehas pala kami ni dad curious sa lovelife ni enzo lol 


"ah eh wala pa po tito, pero  kilala naman po ni dad yun" sabi nya at bigla akong sinipa ni kaycee 


tong babaeng to! kung makasipa, sya nga tong siraulo di nag sasabi may something na pala sa kanila ni rence!

but wait, so kilala na ni tito kiel si shiela? or yung bulag na gusto ni enzo? wow! iin fairness ah, matapang naman pala si enzo eh, sino ba kasi yung bulag na yun at parang ako lang ang di nakakakilala? sabi kasi ni kaycee bulag eh wala naman akong kilalang bulag. 


The Playful DestinyKde žijí příběhy. Začni objevovat