"Hindi kasi ako makatulog kagabi dahil sa sakit ng ulo ko. Do I really look horrible today?" tanong niya.

"Not really naman, pero mukha ka lang talagang walang tulog. Baka dehydrated ka kaya masakit ulo mo," ani ni Monic. May kinuha itong gamot mula sa bag nito at iniabot sa kaniya. "Drink that after mo kumain. Huwag ka ng pumasok mamaya sa next class, ihahatid ka nalang namin sa clinic after natin mag lunch."

Georgina only nodded. Kinuha niya ang gamot at ininom nalang iyon kahit hindi pa siya tapos kumain. She needs to get rid of this headache asap.

After lunch ay hinatid nga siya ng dalawa sa clinic. Nanghingi pa si Monic ng excuse letter sa clinic para ibigay sa professor nila.

"Text mo nalang kami kapag naisipan mo nang umuwi o kaya ay kung magpapahatid ka sa amin paguwi." wika iyon ni Monic.

Nakahiga na siya sa clinic bed at nakatingin sa dalawa. They looked worried and suddenly, she felt something tug inside her chest.

"I don't want to bother you, mag message nalang ako sa inyo kapag nakauwi na ako. Sige na, just go ahead. Okay na ako dito." pagtataboy niya sa mga ito.

"Sige, basta ha! Just message us kundi sasabunutan kita pagpasok mo bukas talaga, Georgina Kim!" pinanlakihan pa siya ng mata ni Monic.

"Yes, madam..." she replied.

"Tsk! Alis na kami." with one last glance ay umalis na ang mga ito. Inayos pa nga ni Gabriel ang kurtina na nakaharang sa bed niya.

Georgina sighed. Ipinatong niya ang braso sa ibabaw ng noo niya as she closed her eyes trying to get some sleep. Pero hindi pa man siya lubusang nakakatulog ay narinig niyang gumalaw ang nakaharang na kurtina na tila ay may pumasok.

Thinking that it was Gabriel or Monic ay hindi na siya nagmulat pa to see them. "I told you I'll message you once I go home. Bumalik na kayo sa klase, I can manage my own." sambit nalang niya.

Ilang segundo ang lumipas pero walang sumagot. Then someone cleared his throat.

"Hi. Headache? Uminom ka na ba ng gamot?" it was a male voice na familiar sa kaniya.

Because of that, she quickly sat up from the bed and came to meet a guy with those alluring hazel brown eyes. Nakatayo ito sa may paanan ng kama at nakahalulipkip na nakatingin sa kaniya.

Dahil din sa sudden movements ay biglang pumitik ang sentido niya kaya't mariin siyang napapikit at pinakiramdaman na mawala wala iyon. Muli niyang nilingon ang lalaki.

"What are you doing here, Mr Estrada?" tanong niyang habang hilot hilot ang sentido.

"Just lie on the bed and get some sleep. Mukha kang panda because of your eye bags." sagot nito na iniba ang usapan.

He moved closer to her, hinawakan ang magkabila niyang balikat at pinahiga muli. Georgina was too overwhelmed by his sudden action kaya hindi agad siya nakapag react dito. Ng makahuma ay inalis niya ang mga kamay nito na nakahawak sa balikat niya.

"What the hell are you doing? Don't touch me!" she hissed at him. He's even too damn closed to her na amoy na amoy niya ang shampoo pati na rin ang pabango nito.

TMH Prequel: Love is WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon