Napatingin ako kina Josh at Justin, nakasuot ng uniform at nakasampay sa braso nila kaniya kaniya nilang bag. Green ang kay Josh at Itim naman ang kay Justin.


Tatanggi na sana ako kasi wala ako sa mood para lumabas ngunit nilapitan ako ni Tita.


"Malay mo may pogi doon." Bulong niya sa akin.


Wala akong nagawa kung hindi sumama. May point din naman kasi siya e. Bilib na talaga ako kay Tita Baby. Kilalang kilala talaga ako ni Tita at alam na alam kung ano ang mga tipo ko... mga gwapo.


Naupo ako sa shotgun seat samantala iyong kambal naman sa likod. Habang nagdadrive si Tita Baby papunta sa school ng dalawa, hindi ko na talaga mapigilan sarili ko.


Ipinababa ko ang roof ng kotse ni Tita.


"Bakit?" Tanong ni Justin.


"Maninigarilyo ako." Sagot ko. "May problema ka?"


Umiling siya. "Wala."


From the rearview mirror, kita ko ang inis sa mukha niya.


Kinuha ko ang isang kaha ng cigarettes at lighter mula sa compartment ng car ni Tita.


Kumuha ako ng isa saka ito sinindihan.


Kinalabit ko si Tita at sinenyasan siya kung gusto niya. Umiling siya para sabihing hindi.


Ilang minuto lang, nakarating na din kami sa bayan ng baryo. Gerona.


Maraming mga tric. Hindi ganoon matao. Kita ko ang mga ibang estudyante naglalakad para pumasok sa school, same uniform as the twins.


Nahirapan pa si Tita i-park iyong car sa harap ng school. Crowded kasi tsaka traffic sa labas ng school.


Naagaw ng pansin ko iyong lalaking nakaupo sa may gutter, malapit kung saan nakapark itong kotse.


Nakaopen ang butones ng polo niya, exposing his basketball jersey underneath. Nakaayos iyong buhok niyang mahaba dahil sa suot niyang bandana.

Gangster na gangster lang dating e. Akala mo kung tambay sa kanto, hindi estudyante.


He's looking around, mukhang may hinihintay. I was staring at his side view profile...


Pogi.


Pero I think I've seen him before pero never mind.


"Bianca," Tawag sa akin ni Justin.


Nilingon ko siya.


"Gusto mo tour muna kita sa loob? Maaga pa naman e." Alok niya.


Tumango ako. Ito na pagkakataon para makahanap ng pogi. Also, to be familiar with this place. Dito na din naman ako mag-aaral next school year for sure.


Pinatay ko muna iyong sigarilyo ko bago ito tinoss sa may trashcan.


Kinuha ko ang candy mula sa bulsa ng pajamas pants ko. I always have one to control my addiction in cigarettes.


Naunang naglakad si Justin. Nasa likod niya ako, nakasunod lang sa kaniya.


Si Josh ewan. Parang bula nalang na naglaho. Hindi ko nga namalayan na wala na pala e.


Napahinto ako nang huminto si Justin sa paglalakad. May kausap siyang lalaki. Hindi ko gaano makita ang mukha nito kung sino kasi nakaharang ang ulo't likod ni Justin.


Hindi ko nalang pinansin.


"Jai, pinsan ko nga pala." Turo sa akin ni Justin. "Bianca."


I was too busy looking around the school if ever may poging student. Hindi ko na nga kinamayan iyong kaibigan ni Justin. Sino ba siya?


Sinundan ko silang dalawa sa pagpasok sa school campus. Palagi kaming humihinto. Paano ba naman hindi e halos lahat nalang batiin ni Justin. Akala mo nangangandidato sa susunod na halalan pagkapresidente e.


Ikaw na friendly.


Nang makarating sa court, ibinigay ni Justin ang bag niya sa kaibigan.


"Wait for us. Libot ko lang 'to." Rinig kong sabi niya.


Pero ending, hindi rin niya ako nalibot. Nagkataon kasing nakasalubong namin ang isang teacher, ipinapatawag daw siya sa guidance office.


"Puntahan mo muna si Jai." Iyon ang sinabi niya sa akin bago ako iwan sa may building 2 saka sumundo sa teacher.


Naglakad ako palabas ng building at nagtungo sa court. Hindi ko naman nakita kasi gaano mukha no'ng sinasabi niyang si Jai kaya ang hinanap ko nalang ay iyong bag ni Justin.


Iniwan niya kasi ito sa kaibigan and for sure kung sino man ang may hawak nito, that's Jai.


Ang akala kong madaling gawain ay hindi pala. There's a lot of similar bags around.


I should've look at that man kahit isang beses lang kanina.


Wala naman akong mapapala sa pagmamasid ko sa paligid. Hindi ko kilala kung sino iyon at ni pangalan ay hindi ko maalala. Siguro umalis na 'yon? Bahala na.


Impit akong napasigaw dahil sa gulat nang may humawak sa braso ko. Sino ba namang hindi magugulat? Ikaw kayang hawakan nalang ng kung sino bigla. Ramdam kong pinagtitinginan ako ng mga estudyante matapos marinig ang sigaw ko.


Nilingon ko para tignan kung sino iyon. Napakunot ang noo ko.


"Mister Grab driver?!" Turo ko sa mukha niya.


"I have a name, Bianca." Sagot niya.


How did he know me?!

Runaway GirlWhere stories live. Discover now