"Gaga tubig!" Sabi ni Gela saakin dahil ubos na ang nasa pitsel. Ako ang inutusan dahil magkatabi sila sa isang gilid at ako ang pinaka malapit para utusan.
Agad akong tumayo ay pumunta kay Ate Julie na anak ni Aling Ising. Pagkabaling ko ay may grupo ng mga lalaki na tumitingin sa mga ulam. Pamilyar nga ang isa kahit nakatalikod ito.
"Hoy, Xena! Mamatay na kaibigan natin nag pogi-hunting ka pa diyan!" Malakas na sabi ni Gela kaya naman pinanlakihan ko ito ng mata.
"Ate, tubig nga po. Nabulunan si Bebang eh." Mahinahong sabi ko at agad na kumuha si Ate ng refill. Ramdam ko naman ang tingin ng mga nasa gilid ko saakin.
"Xena?" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses kaya tumingin ako dito.
Ano ginagawa nito dito?
"Cassian?" Alanganing tanong ko at saktong binigay ni Ate Julia ang tubig.
"Teh! Ano na?" Agad ako bumalik sa pwesto namin namg marinig ko si Gela. Naglagay ako agad ng tubig sa baso ni Bebang.
"Inamoka!" Batok nito saakin at sinamaan ko ito ng tingin.
"Ako na nga kumuha ng tubig eh!" Sabi ko pa
"Inuna mo pa kasi yung chupapi do'n! By the way, kilala mo? Ano pangalan? Amoy gucci ah?" Aniya at ako naman ang bumatok sakaniya.
Kunyari pa eh mahilig siya sa mga poging matangkad na amoy rich kid na galing University din. Tulad ng sabi ko hindi naman ako mahilig sa gano'n habang itong dalawa ay gagawin lahat ng kahihiyan makuha lang ang pangalan ng natitipuhan.
"Hindi ba pwedeng tinawag ako kaya ako lumingon? Wala akong oras mamingwit ng kung sino-sino." Sabi ko sakanila at ngumiwi naman ang dalawa.
"Naniniwala na ko na sa video sa tiktok na in a trio mayroong bitter, moving on, at kada linggo iba ang gusto!" Sabi ni Gela.
"Oo tapos ikaw yung hindi maka move on sa ex niyang mukang kuto," banat ni Bebang.
"Sana pala hinayaan na kita mabulunan," ani Gela.
"Excuse me, are these seats occupied?" Sabay-sabag kaming bumaling sa nagsalitang lalaki na nakaturo sa mga bakanteng upuan.
Mahaba kasi ang mesa na may telang red at white. Siguro dalawang mesa itong pinagdugtong kaya naman kasya ang isang grupo dito. Ito nalang ang mesa na pwestuhan namin dahil ang mga tig-tatluhan o apatan ay may nakaupo na.
"A-ah eh hindi po k-kuya..." Nauutal na sabi ni Gela habanv may laman ang bibig at tinignan ko ito na hindi makapaniwalang nauutal siya!
Gusto ko lamunin ng lupa ngayon mismo! Kung pwede lang sabihing hindi ko mga kaibigan 'to ay nagawa ko na.
I bit my lips and took a deep breath bago tignan ang mga lalaki. Nangunot ang noo ko nang makita sa likod ng nagtanong na lalaki si Cassian habang may nakaakbay sakaniya na isa pang kasama nila.
"Can we share seats with you?" Ani uli ng lalaking nagtatanong.
Mga puro taga ADMU pala ang mga 'to? Maliban sa taga Ateneo si Cassian ay ang I.D lace nila ay kulay blue.
"Ah sure. Hindi naman namin gagamitin ang kabilang side." Ako na ang sumagot dahil baka kung ano nanamang kahihiyan ang gawin ng dalawang kasama ko.
Sinipa ko silang dalawa sa ilalim ng mesa dahil nakatitig pa din isila sa mga lalaki habang nakaawang ang mga bibig. Ano ba 'yan?! Ngayon lang ba sila nakakita ng mga lalaking plmay porselenang kutis, matangkad, at inglisero?
"Aray!" Sabi ni Bebang. Pinaayos ko ang mga bag nila at narinig ko ang bahagyang tawa ng lalaki.
"Cassian dito ka na," sabi nung lalaki at sinenyas ang sa espasyo sa gilid ko. Hindi ko naman ito binigyan pang pansin at kumain nalang.
YOU ARE READING
DEFEATED
RomanceBattle of the Shattered Series #1 How far would you go to fight for love, even when you're unsure if you'll win? In the battle between your heart and your mind, only one can win, leaving behind lessons that are painful to remember, a history too har...
Chapter 1
Start from the beginning
