Chapter 1

1 0 0
                                        


"Nakapag-publish na ba this week ng article?" Tanong ni Archie habang busy sa pag aayos ng website namin.

"Hindi pa. Proof reading palang today ni Xena. By tomorrow ang posting since later ipapa-approve na muna kay Sir Richera." Sagot naman ni Chin habang nag dr-drafts ng mga susunod na laman ng papers.

I'm a 3rd year college Mass Communication student in University of the Philippines Diliman. I'm also part of our Student Publication Org. na kami ang nag u-update ng website and weekly scoops in our campus.

"Mauna na ko, Pres. Send ko nalang sa email mamaya yung final." Sabi ko at kinuha ang gamit ko dahil may next class pa ko sa Feauture Writing.

Hindi ko alam bakit ako napunta sa course na 'to pero dito ako dinala ng kamay ko nung nag enroll ako. Ayoko kasi ng Math kaya dito ang ending ko. Hindi ko naman mapapagkait na masaya naman ako sa ginagawa ko.

Hindi sa pagiging judgemental pero bagay dito ang mga chismosa para matuto sila mag fact check. Anyways, sobrang nakakapagod din kasi nakaka drain ng social battery. Isa pa ay kailangan mo agad matapos ang mga papers mo at projects with involvement of audio, photo, videos, and more.

"Dios Maria! Dalian mo akala ko mala-late ka nanaman!" Salubong sa'kin ni Gela, kaibigan ko.

"May tinapos pa ko sa SPO at sadly hindi ko pa din natapos," ipinatong ko ang ulo ko sa armchair.

"Girl! Alam mo na ba ang chismis?" Lapit niya saakin kaya mabilis pa sa alas quatro akong tumingin sakaniya. "May project daw si Ma'am Laurel satin na malaki-laki epekto sa final grades."

Napatakip nalang ako sa tenga. Hindi ganoong chismis ang gusto ko, nakakadepress naman 'yon eh! Nakakainis! Imbes na mabuhayan ako lalo akong nalumbay.

"Daming pakulo ni ma'am!" Reklamo pa niya at bumalik na kami sa upuan dahil saktong bumukas ang pinto at niluwa si Ma'am.

Neg-check siya ng attendance bago magsimula.

"Group yourselves into five, now." Aniya at nakadukdok lang ako ay pag-angat ko ng tingin ay para akong pinalibutan ng mga nag ri-ritwal!

Sa College hindi mo alam sino ang kaibigan sa hindi pero pare-parehas lang kayong gusto pumasa kaya gagawin ang lahat kahit maging pabigat at bangko para lang mataas ang marka. People crave for validation without knowing that sucessful or not humans will still be disappointed tob them at the end of the day.

You'll be able to find true friends too who will stick through thick or thin and you just don't expect they'd be there because they're like your stars and you're the moon, they will accompany you in the dark visible or not.

"Kailangan niyo mag interview ng ibang studyante about specific topic na ibibigay ko. If kailangan niyo mag effort, do so. No limit or rules, kaniya-kaniyang diskarte to make it enticing to the mass audience. Add details and relevant issues regarding it-opinions, takeaways, and cause & effects. Nakausap ko na din ang ibang professor niyo sa iba't ibang subjects and curriculum, so napagkasunduan namin you'll make a video while doing it. To writing, lighting, audio, and editing it must be on point. Broadcast media, Production, News Writing, and etc. Deadline next week." Sabi ni ma'am at may binigay na papel kada grupo at umalis na din.

Tinignan ko ang papel namin at ang nakalagay ay. Jeepney Phase Out: Students in Manila/Around University Belt takeaway; and K-12 Program: Demolish or Keep.

"Uy ano nakuha niyo?" Rinig kong tanong ng kagrupo ko sa kabila.

"TV channels merging; and Supporting non-local shows instead of our own. Taena ang laki ng sakop nito nakakaiyak!" Sagot niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DEFEATEDWhere stories live. Discover now