Halos lahat kami ay may kaniya-kaniyang topic o issue na kakaiba at malawak ang sakop. Sa Mass Communication o Journalism ay mapipiga utak mo habang iniintindi ang bawat side ng mga tao. Kailangan mo din ng mahabang pasensiya sa retakes ng scripts o ng nagawang writings isabay mo pa ang mga kailangan i-edit na audio, photos, and videos na subject niyo rin at the same time.

"Tara sa karinderya ni Aling Ising," aya ni Gela. "Baks! Dalian mo napaka kupad kumilos eh!"

"Mag intay ka! Napaka patay gutom!" Sagot ni Bebang, kaibigan din namin, habang nag aayos ng gamit niya.

"Hindi nga kasi ako nag breakfast kulit ng kokote mo 'no?" Sabi pa ni Gela.

May halos dalawang oras kaming vacant na dapat ay gagamitin kong oras para mag advance study sa mga lesson namin dahil mahirap sa College na hindi ka prepared. Magugulat ka nalang na may long quiz at oral recitation kayo bigla. Sa kolehiyo ako na-trauma sa surprise na imbes maging masaya ka at ma-touch ay iiyak ka sa resulta.

Napagpasiyahan namin na kumain muna kaya mula sa University ay lumabas muna kami para kumain.

"Ayusin mo naman paghahawak ng payong!" Reklamo ni Bebang kay Gela dahil share sila sa payong.

"Daming ebas edi ikaw maghawak oh!" Inis na sabi ni Gela at padabog na binigay kay Bebang.

Ang love language nila ay mag bangayan nonstop. Minsan ang sarap nilang ipamigay nalang dahil wala na silang matinong usapan at nakakarindi. Pero nasanay na din ako dahil no choice eh. Kidding aside, ganiyan talaga sila at hindi plastik pag dating sa mga bagay-bagay.

"May isa pa akong payong dito," singit ko sakanila at binalingan ako.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Sabay nilang sagot.

Nagkibitbalikat ako," Hindi niyo naman ako tinanong." Simpleng sagot ko kaya nakakuha ako ng matatalim na tingin mula sakanila.

Binigay ko ito kay Gela kaya naman tatlo kaming may sari-sariling payong habang naglalakad sa katirikan ng araw.

Maya-maya pa ay nakarating din kami sa karinderya. Mas pinili namin ditong kumain dahil suki na kami ni Aling Ising na talagang masarap ang lutong bahay niya. Ang laking tipid din para saamin kaysa mag fast food chain. Minsan nabubudol kami at lagpas sa budget namin kung gumastos kaya literal na trying hard mag-ipon ang tres marias niyo.

"Aling Ising!" Tawag ni Gela.

"Oh kayo pala. Akala ko hindi na kayo babalik eh." Sabi nito habang abala sa pagbabalot ng ulam sa customer.

"Pwede ho ba 'yon?" Sabi ko at umupo kami sa bakanteng pwesto.

"Ano po putahe natin ngayon?" Tanong ni Bebang habang nagtitingin-tingin sa mga kaldero.

Tumingin na din kami at iba-iba ang ulam tulad ng menudo, ginataang gulay, adobong manok, adobong sitaw, sinigang, bopis, tortang talong, tilapia, dalagang bukid, bicol express, at tinola.

"Gela ano sayo?" Tanong ni Bebang.

"Tortang talong tsaka tinola," sagot nito.

"Bicol express at ginataang gulay saakin," sabi ko at binigay sakaniya ang pera namin ni Gela.

Umorder ito at agad din naman kaming nakakain.

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Parami din ng parami ang mga pumupuntang estudyante dito sa karinderya. Iba't ibang eskuwelahan ang makikita mong I.D lace o uniform ang suot habang iba ay mga nagta-trabaho.

"Ang sarap talaga ng luto niyo," puno ang bibig na sabi ni Bebang na lumalamon ng kanin at tatlong ulam niya na Bopis, Adobong Sitaw, at Tilapia.

"Kumain ka nalang diyan Bebang at mabulunan ka pa," natatawang sabi ni Aling Ising at nangyari nga kaya natawa kami ni Gela habang mangiyak-ngiyak siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

DEFEATEDWhere stories live. Discover now