😈CHAPTER 1😈

334 22 3
                                    

"HELLEYYY!!!!!!! BANGON NA KAKAIN NA!!!!!"

Kahit kailan talaga panira ng umaga ang bwes*t na Ashiro nayon!

"HELL--!"

"NAN DYAN NA!!!"

Putol ko sa sigaw nya.

Pagka baba ko ay nag diretso agad ako sa dinning area, nakita ko na nag sisimula na silang kumain. Tumabi nalang ako kay tito at nag simula ng kumain.

Tahimik lang kami na kumakain ng biglang basagin ni Tito ang katahimikang yun.

"Helley, baby."

"Ano yun Tito?" patuloy lang ako sa pag subo.

"Handa kana bang bumalik sa pilipinas?" tapus na ngayun sa pag kain si Tito.

"Basta kasama ko sila Ashiro at saka 3 years narin ang lumipas simula ng lumayas ako sa kanila kaya panahon na para harapin ko sila ng walang takot." walang buhay kung sagut.

Sanay na sila Tito at tita sa ganito kung mananalita.

"Babe, wag kang mag alala dahil hindi ka nag iisa dahil sasamahan kanamin ni kambal." sabay kindat nito sakin.

"Umandar na naman ang kapilyuhan mo Ashiro." napailing nalang si tita habang may ngiti sa labi.

"Sinong love mo samin Helley?" Imik naman ni Asiho sabay pout nito.

Ang cute.

"Ikaw. Hindi kasi cute si Ashiro." sabay pisil ko sa pisngi nya.

"Hahaha, kawawang Ashiro hindi love ni Helley, hahahaha." asar nito sa kambal at ito namang si Ashiro na pikon kaya ayon nag habulan na ang dalawa.

Sa tutuo lang hindi ko kadugo si Ashiro mga dati ko lang silang kaibigan nung nasa pilipinas pa ako. Sila din ang tumulung sakin nung mga panahon na wala na akung ibang mapupuntahan at sumama ako sakanila dito.

Tatlong taun narin ako dito sakanila at tinuring narin ako nila tita na parang tunay na anak kaya lubus akung nag papasalamat sa kanila dahil tinanggap nila ako bilang tunay na pamilya kahit hindi nila ako ka dugo.

Hindi tulad ng tutuo kung pamilya na pinag tabuyan ako dahil mahina at wala akung kakayahan. Eh paano ba ako matutuo kung wala naman sakin nag ti-train hindi tulad ng mga kuya ko na may sarili silang master, eh ako wala. Paano daw yan ako matutu.

Yung una hindi pa kami nag aaway ng kuya ko masaya pa kami noon pero simula ng naging kasintahan nya si Nicole ay bigla na nag iba ang trato nila mom at dad sakin. Palaging si Nicole nalang ang tama tuwing nag aaway kami hangang umabut sa punto na pinalayas nila ako.

Pati kaibigan ko iniwan nila ako at pati ang sarili kung boyfriend hiniwalayan ako at ipinag palit nya ako sa ahas kung best friend. Si Miya.

Buti nalang may kaibigan pa akung kambal at sila ang naging sandigan ko nung mga panahung wasak ako.

"Mommy! Daddy!" sabay yakap ko kila Tito at Tita.

Gulat naman sila ng tinawag ko silang mommy at daddy dahil tagal na nilang gustung tawagin ko silang ganon. Makikita sa mga mata nila ang saya.

Simula ngayun sila na ang magulang ko at wala ng iba pa.

Fast Forward!!!!!

Dito na kami sa plane na tatlo at palipad narin ang plane.

Habang lumilipad ang plane ay parang may nararamdaman akong kakaiba. Parang maymasamang mangyayari kaya nilingon ko ang kambal na ngayun ay tulog na.

Hinawak ko ang kamay ni Ashiro ng mahigpit at pinag hawak kurin silang dalawa ni Asiho.

Hindi nag tagal ay naramdaman ko na ang masamang mangyayari ng biglang naging malikot ang plane na sinasakyan namin at doon na nag simula nag crash ang plane.

Sumabog ang plane na sinasakyan namin at doon na dumilim ang buong paligid ko.

PRINCE'S OBSESSION (ONGOING)Where stories live. Discover now