Napairap ako't tumingin sa kan'ya. Ang dami kasi niyang sinasabi. As if naman na maniwala ako sa kanya. Sa sobrang taas kasi ng trust issue ko ay kahit yata sarili ko hindi kona magawang pagkatiwalaan.

"Sige na, 'wag kana madaming sinasabi." inis ko pero nakapanatili lamang siyang nakangiti.

"Tsk! just be thankful dahil ang daldal ko sa'yo. Minsan nakakainis din maging talkative, namimiss kona nga 'yung dating ako. I miss being so serious, pero hindi kasi masaya. I just realized that happiness is a choice. So if I keep being serious, hindi ako sasaya...that's why I chose to be happy." pag dadaldal pa niya.

Hindi ko naman tinatanong pero mukhang trip niya mag over-sharing.

Natatawa naman siyang tumingin sa akin, "I'm sorry, masyado na akong madaming sinasabi. Masyado yata akong nagiging komportable sa'yo. Nalaman ko kasi na mabait ka, and I know na mapagkakatiwalaan ka...Ang hindi ko lang gusto sa'yo ay ang malungkot at seryoso mong mukha ngayon. I used to be like that before, at pinag sisihan ko 'yon. Kaya kung ako sa'yo, piliin mong maging masaya. Not everyone has a chance to be happy, at kung may pagkakataon ka, huwag mong sayangin 'yon."

Nakapanatili akong nakatayo at nakikinig sa mga sinasabi niya. Hindi ko naman maitatanggi na napaka genuine ng smile at kilos n'ya.

At ang mga sinasabi niya, medyo nakakatulong ito sa hindi ko malaman na dahilan. Ang babaeng ito ay hindi ko kaano-ano o kilala. And no one can blame me for not trusting her easily.

Pero totoo naman ang mga sinabi niya. Happiness and negativity is a choice. If I choose to be happy, then I will be...And if I choose to be like this, then I won't be happy.

Napahinga ako nang malalim at tinignan siya. Hinintay ko nalang kung may sasabihin pa s'ya.

"Tignan mo si Lexus, bata palang s'ya gan'yan na s'ya. Napaka seryoso n'ya at never s'ya naging masaya. Halos limang taon ko din siyang nakasama pero kahit isang beses ay hindi ko pa siya nakikitang ngumiti. Kasi pinili na n'ya 'yan, pinili na niya na maging ganiyan ang buhay niya." saad niya na nakapag pabaling ng tingin ko sa kan'ya.

Anong ibig niyang sabihin sa nakasama n'ya si Lexus nang limang taon?

"Are you his what?"

"I'm his ex best friend, at kilalang-kilala na niya ako. Pero ngayon alam kong hindi na niya ako kilala dahil sa malaking pagbabago sa'kin. Ang alam lang naman n'ya ay katulad niya akong napaka seryoso sa buhay, palaban, palaaway, nananakit, o toxic na tao. Pero hindi n'ya alam good girl na'ko." nginitian niya ako na parang bata habang ako ay deretso lamang ang tingin sa kan'ya.

Bakit ba ganiyan na lamang s'ya kadaldal sa harap ko? Sinusubukan ba niyang palitan si Eurich? O sinusubukan niyang kunin ang loob ko?

Napansin kong nabaling sa ibang direksyon ang tingin niya at mas napangiti pa nang makita si Lexus. Kumaway pa ito dito kaya naman awtomatiko akong napatingin din kay Lexus.

Nakatayo lamang siya habang nakapamulsa at nakatingin lamang nang deretso kay Allison.

Nabago at nagising nito ang buo kong pagkatao nang makita kung paano niya tignan ang mga ngiti ni Allison. Ang mga tingin niya na hindi ko maipaliwanag.

Mukhang masaya ang buong pagkatao niya dahil sa pagkakatingin niya sa mga ngiti ni Allison na parang hindi niya nakita kahit kailan.

Dahan-dahan itong lumapit sa direksyon namin at ibinalik din ang mukha niya mula sa pagiging seryoso.

"Why are you here?" tanong nito kay Allison.

"Chill, babe. Balak kolang puntahan si Eurich pero nakita ko s'ya kaya sinamahan kona. I also forgot to cry nanga dahil nandito ang girlfriend mo."

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin