Chapter 1: Happy goodbyes

4 2 0
                                    

Levi's POV

"Friend, tuloy na tuloy na talaga 'yong pag alis mo hindi naba pwedeng dito ka nalang mag aral?" natatawa akong tumingin sakan'ya

"Para namang mamimiss mo'ko? lagi nga tayong nag aasaran at nag aaway hindi kapa nag sawa" natawa siya at napatingin sa pinto ng bumukas ito

"Libay may bisita ka sa baba" sinamaan ko agad siya ng tingin "Hi james!"

Levi kaya 'yong pangalan ko le-vi hindi libay tsk.

"Alam mo malapit ko na paduguin yung bibig niya, ako napipikon sa wrong pronunciation niya sa pangalan mo eh" natatawa akong tumingin sakanya at nag paalam na bababa na para tignan kung sino yung bisita ko

Pag bukas ng elevator ay nakita ko kaagad siya sa sobrang tuwa ay agad ko siyang niyakap bakit ba ngayon lang siya kung kelan aalis na'ko?

"Grabe baka hindi kana makahinga kana makahinga n'yan" natawa ako sa sinabi niya kaya bumitaw ako sa yakap ko

"Bakit kasi ngayon kalang? paalis na ako..."

"Oh 'wag kana malungkot, akyat tayo sa kwarto mo may iba ka pa bang bisita?" umiling ako at ngumiti

"Si James lang, nag patulong ako mag impake at siya muna ang tutuloy sa kwarto ko para hindi masira ang mga gamit ko at matatambak lang" nag patuloy ang kwentuhan namin hanggang sa nakarating kami sa kwarto, condo ang bahay ko dahil bumukod ako sa mga magulang ko simula ng nag aral ako ng kolehiyo

"Uy, Gavin! long time no see pre" bati ni James, natuwa ako at nanatiling naka tayo

"Pasensya na, busy ang architect niyo" natawa ako sa sobrang corny niya "Pero pogi parin ako"

"Paki sara nga ng bintana vi, baka tangayin tayo sa sobrang hangin ni gavin"

"Just kidding! kalma, anyway sama ka? may pina reserve akong dinner" tanong niya kay James

"Sorry pre, may class ako mamaya hanggang 10pm baka 11 na ako makauwi"

"Pa'no si Levi?"

"Sagot mo na'yan, sige na alis na'ko" niyakap niya ako at tinapik sa ulo kaya tumawa ako, kahit lagi kami nag aaway at nag aasaran ni James mamimiss ko siya ng sobra "Pre, si Levi ha 'wag mo lasingin sa gatas" tumawa sila bago lumabas si James

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig, nakakapagod pala mag impake para sa isang buong kalahating taon lalo na malalayo ako sa mga kaibigan ko. Alam ko nasanay akong hindi kasama ang pamilya ko pero hindi ko maiwasan mag dalawang isip na umalis

"Levi? are you okay?" nagulat ako nasa harapan ko na si Gavin

"Uh-huh? o-oo may iniisip lang" ngumiti ako at uminom ng tubig

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.. teka mahina ako sa ganito, alam niya yung nararamdaman ko sakanya bakit siya ganito? gusto niya na din ba ako?

"G-gav?" hindi siya sumagot at naka yakap lang siya sa'kin naririnig ko yung tibok ng puso niya, nanginginig kami pareho..

"I'm sorry Levi, we lost communication for the past two days i was drunk and-" teka ano?

"Wait gav what? drunk what?" lalong bumilis ang tibok ng puso ko, naiiyak ako sa takot sa susunod niyang sasabihin

Kumalas ako sa yakap niya sa'kin, tinitignan ko siya sa mata umiiyak siya guilty siya, nag sasabi siya ng totoo

"Gavin anong ginawa mo?!" yinugyog ko ang braso niya naiiyak na ako

"I was drunk! and she kissed me, Levi please forgive me i love you" nag simula na tumulo yung luha ko sa narinig ko

Unti unti akong lumayo sakanya, nandidiri ako sa'yo Gavin anong ginawa mo?

"Simula nung sinabi mo sa'kin na gusto mo'ko nag invest din ako ng feelings sa'yo, ng time para sa'kin partner kita-"

"Partner Gavin? nakipag harutan, nakipag halikan nakipag inuman sa babae Gavin? naririnig mo ba sarili mo?!" iyak na'ko ng iyak hindi ko na alam, hindi ko mapigilan yung sarili ko ang sakit

"She's pregnant Levi.. please i'm sorry " niyakap niya ako.. nanghina ako sa narinig ko kaya napa upo ako

"Gag* ka Gavin! napaka walang hiya mo!" sambit ko habang umiiyak at pumipiglas sa yakap niya

"Calm down Levi please"

"Pag katapos mo akong saktan Gavin? gag*! napaka walang kwenta mo" agad akong tumayo at pumasok sa kwarto

Nanghihina ako, kaya pala ngayon lang siya kaya pala wala siyang response kahit alam niya na paalis na ako

Kinuha ko ang kwintas na binigay niya sa'kin, "Ibalik mo sa'kin kapag iiwan mo na ako, promise necklace?"

Lumabas ako at inabot sakanya napa luhod siya habang umiiyak "Levi please 'wag.. 'wag 'yan Levi hindi ko kaya alam mo 'yan"

"Ang sakit Gavin dapat nireject mo nalang ako, hindi lang relationship natin yung sinira mo pati yung friendship natin"

"I know, ginagawan ko ng paraan"

"Anong paraan Gavin? sabihin mo nga, papatay ka ng bata?" kumulo lalo ang dugo ko ng tumango siya

"Gag* ka pala eh!" mura ko sakanya at saka lumayo sakanya dahil baka kung ano pa ang magawa ko sakanya

Pumasok ako sa cr at saka nilabas lahat ng luha ko, mahal ko si Gavin pero hindi ko kayang tanggapin yung ginawa niya sa'kin. nahihibang na siya, papatay siya ng inosenteng bata para lang matakasan yung kasalanan na ginawa niya.

Hindi ko siya kayang harapin na hindi ako kalmado, tinawagan ko si James pero hindi na siya sumasagot siguro nasa klase na siya tinawagan ko nalang ang ate ko

"Ate..can you come over? i need you" ng simula nanaman akong umiyak kaya nataranta si ate, pinapa kalma niya ako pero siya yung nanginginig ang boses at natataranta

A Night in ParisWhere stories live. Discover now