Chapter 41 - Nervous

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kinakabahan lang..." pagamin ko.

He kissed my hand. "You've met my mom a couple of times. Bakit natatakot ka pa rin?"

"This is different. Inimbitahan niya na ako sa bahay niyo as your girlfriend. 'Yung mga nakaraan naman, nagfi-feeling pa lang ako."

"You are already my girl the last time you both met."

"Oo nga pero saglit lang 'yon..."

"It'll be fine, I promise."


I wanted to chill and not feel nervous but I couldn't help it. Lalo na nang mag-park na siya sa tapat ng bahay nila. Parang lalabas ng dibdib ko ang puso ko habang naglalakad kami papasok sa loob.

Pwede pa ba mag-backout?


"Ma?" He shouted while he's taking our coats off.

"In here, RJ!"

I frowned and glanced at Russell. Akala ba ni Tita ay si Ron ang dumating?


Ngumiti lang si Russ at hinila na ako papunta sa kusina. I saw his mom wearing an apron. Kasama niya ang isang maid na naghihiwa naman ng mga gulay.


"I hope you like macaroni soup." Noong una ay akala ko si Russ ang kausap niya ngunit sa akin siya tumingin kaya naman ngumiti ako at tumango.

"It's one of my favorites po," I told her. "Do you need help?"

"No iha. Don't stay here. Magaamoy prito ka. Manang will cook fried chicken in a few. RJ, doon muna kayo."

"Okay Ma," tatawa-tawang sambit ni Russell.


Kumunot ang noo ko at sumunod lang sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa living room.

"RJ?" nagtatakang tanong ko.

"I told you that's my nickname. Minsan na lang ako tinatawag na gano'n ni Mama. Kadalasan kapag kaming dalawa lang."

Oh my gosh. Nagsasabi pala siya ng totoo? Akala ko joke time 'yon!


"Buti hindi naguguluhan si Tita? Pareho kayong RJ ni Ron."

Nagbago ang itsura ni Russell. Parang nadismaya siya sa sinabi ko. "Come with me."


Umakyat kami sa taas at nagtungo sa kwarto niya. I've only been here once, nung pinahiram niya ako ng T-shirt niya dahil sa basang basa ako ng pawis noon.

"Luh hubby, nakakahiya naman kay Tita na nandito ako---" Natahimik ako nang iniabot niya sa akin ang isang photo album na kinuha niya mula sa drawer niya.


I sat on his bed and curiously opened it. "Bakit pinapakita mo sa'kin ang mga pictures ni Ron nung bata pa siya?" I frowned and continued flipping the photo album till I reached the last page. Nandoon ang litrato naming dalawa. Ito 'yung pinakita sa akin ni Ron noon. "Why is this here?"


He looked pissed off as he went to my side. "Because it's always been there, Sab. That picture is mine. That's me when I was young."

Natahimik ako at tiningnan ulit ang mga litrato. I couldn't understand what was he saying.


"Ron lied to you," He continued as if he could hear my thoughts. "I'm your childhood sweetheart, not him."

"But..."

Russ smiled and touched the picture. "You can ask my mom about it. Mapapatunayan niyang ako ang batang iyan. And I can also tell you whatever you need to know about our younger days. You still have my picture with you?"

Love Me in BrooklynTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon