Si Siev ang una at huling lalakeng pinagkatiwalaan ko ng aking puso. Siya rin ang unang bumasag ng tiwalang binigay ko. Sa lahat ng binigay nitong sakit sa akin ay kulang pa ang tusok ng mahigit isang libong bubuyog dito. Alam ko na kahit pa limang daan lamang ang bubuyog sa loob ng glass cage ay mamamatay at mamamatay pa rin ito dahil allergic siya dito. Mamamantal ang buong katawan nito lalo na ang lalamunan na magiging dahilan ng hirap nito sa paghinga.

Nangunot ang noo ko nang makita kong bumuka ng bahagya ang kaniyang bibig na tila may nais sabihin pero wala nang boses na lumalabas pa.

"Oh, bakit magsasalita pa ang beshy ko na 'yan?" tsk tsk.

Lumapit ako dito at pinagmasdan ang kabuuan ng room. Sino naman ang may gawa nito? Dapat ko yata siyang pasalamatan dahil ginawa niya ang matagal ko nang gustong gawin.

Nang mapadako ang tingin ko sa mga binti niyang nanginginig ay saka ko lamang napansin na punit ang suot niyang pantalon sa dakong ito ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita ang nakaukit na inverted letter V dito. Siya pa rin pala ang may gawa nito.

Naging alerto ako at pinakiramdaman ang paligid. Nang ibalik ko ang tingin kay Siev ay unti-unti nang bumibigay ang katawan nito.

Napangiti ulit ako.

"Sayang at hindi ko makokolekta ang dugo mo." bumagal nang bumagal ang mabibigat na paghinga nito. "You deserve that beshy." nakangiti lang ako hanggang sa tuluyan ng tumigil ang kaniyang paghinga at bawian ng buhay.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Kinuha ko ang cellphone at nagdial.

"Hello, there's a corpse here at UCGA. Science storage building, left-wing, last room."

"Hello, ma'am. May we know yo–" hindi ko na pinatapos ang sasabihin nito at hinatak nalang ang pagod na presidente nang makasalubong ko ito.

"Tara na"

"Tapos mo nang nacheck–" maging siya ay hindi ko na pinatapos sa pagsasalita at sinenyasan na manahimik na lamang.

Namg makalabas ng paaralan ay hinatid niya ako pauwi. Walang salitang namutawi habang nasa byahe kami. Tiredness was evident in both of us. So much happened today that I don't even know if kaya ko bang makatulog ngayong gabi. Napakaraming tanong ang umiikot sa isip ko.

Gagawin ba talaga ni Magnus ang deal nila ni Luke dahil natalo siya? Dapat ko bang sabihin sa presidente? Huwag na muna, siguradong maraming bagay din ang gumugulo sa isipan niya ngayon habang nagmamaneho hanggang sa nakababa ako ng sasakyan niya.

Naibagsak ko ang katawan ko sa kama at tumingala sa pulang kisame. Saglit akong pumikit at pagdaan ng ilang minuto ay tumayo at dumiretso sa banyo. Maybe a cold bath is all I need.

Hindi ko maalis sa isip ko ang pagtalon ni Kove pati na rin ang pagkamatay ni Siev. Bakit sabay silang namatay sa araw na ito? Bakit siya ang inatake ng killer? Anong kinalaman niya?

Tila hindi sapat ang malamig na tubig para kalimutan ang mga bumabagabag sa isip ko.

Binilisan ko na lamang ang pagligo at nagbihis ng komportableng damit pantulog. Isang puting sando na pinaresan ng pulang shorts.

Pagkatapos patuyuin ang buhok ay handa na sana akong matulog kahit ang totoo ay hindi rin ako makakatulog nang narinig kong nag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko muna ang oras sa nakasabit na pulang orasan.

Napatagal pala ang ligo ko kanina at hindi man lang ako naghapunan. 11:28 na pero hindi ko man lang naramdaman ang gutom.

Sino naman ang tatawag sa'kin ng ganitong oras?

Nang damputin ko ang cellphone ay nakita kong ang presidente ang tumatawag. Sinagot ko ito dahil nagtataka ako kung bakit ito napatawag.

"Kumain ka na ba?" bungad nito at mauulinigan pa rin ang pagod sa boses nito kahit nasa telepono.

"Ha?" Nakapagtatakang tumawag ito sa unang pagkakataon at ito ang itatanong.

"Look out your window." nagtataka man ay tumayo ako sa pagkakaupo sa kama at lumapit sa bintana para tumingin sa labas. Nagulat ako nang makita siyang nakatayo sa labas sa tabi ng nakaparada niyang kotse, nakasuot ng pantulog habang kumakaway sa akin ang kamay niyang nakahawak ng cellphone. Ang kabilang kamay naman niya ay may hawak na puting supot. Pagkatapos kumaway ay kinausap ulit ako.

"Baba ka." utos nito.

"Teka, anong ginagawa mo dito?"

"Bringing you dinner," he said it like it's the most usual thing he'd do.

"What?"

"I know you haven't eaten yet." pagkasabi niya noon ay siya namang pagtunog ng tiyan ko. Gutom na nga ako.

"Come here, please." Ang masuyo nitong boses ay nagpabilis ng tibok ng aking puso at hindi ko ito kayang tanggihan.

"Sige, wait lang."

Nang ibaba ko ang tawag ay dali-dali akong nagsuot ng bra at nagbihis. Ayaw ko naman humarap sa crush ko na hindi presentable no. Feel ko nga crush ako n'on eh, ayaw lang aminin. Kaya todo ayos na ako, baka ma turn-off pa sa'kin.

Pagbaba ko ay nagmamadali akong lumapit sa kaniya. Baka kasi kanina pa siya nandito at naghihintay. Pa-special ako masyado.

Habang papalapit ako ay siya ring pagbilis ng tibok ng puso ko. When I reached him, he looked at me with his tired eyes. Kahit pa pilit niyang pinapasigla ay nakikita ko pa rin kung gaano ito kapagod.

"I brought you dinner and Ice cream"

"Ice cream?" Hindi ko naitago ang excitement ko nang marinig na dinalhan niya ako ng ice cream.

"Yes, Cookies and cream" Wahh! He even coincidentally bought my favorite flavor. He couldn't possibly know that it is my favorite.

"Thank y–" he slowly leaned his forehead on my shoulder which stopped me from what I was saying.

Fully aware, I raised my hand to reach his hair and caress it.

"Thank you." pag-uulit ko sa hindi ko natapos.

Blood of an Arrow (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now