Nagtatakang tumingin ulit ako sa presidente at nagtanong. "Hindi mo talaga naririnig?"

May pag-aalalang nakapinta sa kaniyang mukha. Alam ko kung para saan iyon.

"No, I'm not being paranoid. Naririnig ko talaga." saad ko at walang pasabing tumakbo patungo sa kung saan ko naririnig ang tinig.

I'm sure I heard someone asked for help, I can't carry my guilt if someone happens to be really in danger and I had the chance to help but I didn't.

Natigil ulit ako ng may humawak sa kamay ko para pigilan ako.

"Let go, I'm sure someone's out there."

"I know, Diel. I believe you. Okay?" he held my hand gently with his two hands and looked at me with understanding. "We first have to make sure we're safe. 'wag muna tayong magpadalos-dalos. Hmm?"

"But the person needs us–" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang nakarinig ng nabasag na salamin. Dahil hindi na kalayuan ang puwesto namin sa building ng science storage dahil sa pagtakbo ko kanina ay mas naririnig na namin ang ingay mula rito.

Hindi na ako nagpapigil pa at kumaripas na ng takbo papasok dito. Hindi ko alam kung saan banda basta alam kong nasa loob lamang iyon ng building na ito. Narinig ko rin ang mga yapak ng presidente na hinihingal din sa pagtakbo kagaya ko.

Nakaisip ako ng paraan para mas madali naming mahanap 'yon.

"Maghiwalay tayo. I'll check the left wing, ikaw sa right wing." Bago umalis ay hinarap niya muna ako.

"Just please, be careful, Diel."

He ran to the right wing and I don't know why I did not move until I lost sight of him nang lumiko siya.

I quickly went on with my search, bawat room na nadadaanan ko ay sinusuyod ko. Walang sulok na hindi ko tinitingnan. Hanggang sa narating ko ang pinakahuling pinto sa ng left wing. Ang bees section. Ang room kung saan nakalagay ang mga bubuyog na pinag-aaralan.

Dahan-dahan ko itong binuksan at tumambad sa akin ang isang malaking glass cage na basag na. Wala itong laman na kahit ano. Ngunit may katabi itong kasinglaki rin nito na glass cage. Punong puno ng bubuyog ngunit may sapat na espasyo para makalipad sila sa loob.

Sapat din ang espasyo para makita ko ang pinagkakaguluhan nila sa loob. Hindi na naman ako makagalaw. Tanging ang dibdib ko lang ang nagtataas baba. Gumagalaw ang glass cage na maaaring dahilan ng pagkatumba at pagkabasag ng katabi nitong glass cage.

Halos hindi ko na marinig ang napakahinang palahaw ng taong nasa loob nito na pinalilibutan ng mga bubuyog. Namamantal at nakabuka ang bibig para pilit huminga ngunit bigla ring isasarado dahil napapasukan ng mga bubuyog. Nakaluhod habang ang mga kamay ay nakahawak sa mga binting nanginginig.
Hindi na rin makakita dahil sa sobrang pamamantal ng mga mata na hindi pa rin tinatantanan ng mga hayok sa laman na bubuyog.

At heto na naman ako, nakatayo at walang magawa. Hinihintay na mamatay ang taong nasa loob nito.

Hindi ko napigilan ang ngiting nabuo sa aking mga labi na napalitan ng mahinang pagtawa.

Nakatatawa at hindi nakaaawang pagmasdan ang dahan-dahan ngunit napakasakit na kamatayan ni Siev. Nang marinig ang aking pagtawa ay natigil ito sa ginagawang pag-iyak na hindi na rin kalakasan dahil sa hirap nitong paghinga. Alam niyang ako ang tumatawa. Paanong hindi niya malalaman kung nakabisado na niya ito?

Ang tawang dati ay siya ang dahilan. Paanong makakalimutan niya ang tawang naririnig niya tuwing dating magkasama kami. At ngayon ay tumatawa pa rin ako habang pinagmamasdan ang paghihirap niya.

Blood of an Arrow (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now