"I remember you" 'yan lamang ang aking nasabi nang may dumaan sa tabi namin at nagsalita.

"Wow, president saves the day" panunuksong saad nito na siyang nilingon ng presidente. "...turning mystery into romance" patuloy nito bago tuluyang umalis kasunod ni Magnus.

Naiwan kaming dalawa sa rooftop. Nang bitawan niya ako sa pagkakayakap ay iginiya ako upang maupo ngunit hindi ko siya hinarap. Nagpangalumbaba ako habang nakatakip ang dalawang kamay sa mukha. Naririnig pa rin namin ang malalabong opinyon ng mga tao sa ibaba ngunit ngayon ay kasama na ang may otoridad.

"All students of the academy are ordered to go home. No one is allowed at school until the school board says so." the announcement speaker notified.

"I repeat, all students must go home. No one should be in school until we instruct you to."

Maya-maya pa ay humupa na ang mga boses at ingay sa ibaba ngunit nanatili kaming nakaupo at tahimik. Walang umiimik sa amin, marahil ay iniisip niya rin ang mga pangyayari. Alam kong dapat ay nasa baba na siya at nakikipagtulungan sa may otoridad pero mas pinili niyang samahan ako. Bagay na labis kong ipinasasalamat.

Nang wala na akong narinig na ingay mula sa ibaba ay tumayo ako at sinilip ito mula sa itaas. Wala na ang bangkay ngunit may bakas pa rin ng dugo. Wala na rin ang mga estudyante at napakatahimik ng lugar.

"Kailangan na nating umalis. Paakyat na sila."

Nilingon ko siya at tinanguan. Naririnig ko na nga ang mga yapak ng mga pulis na papaakyat dito. Dito mismo tumalon si Kove kaya malamang ay ichi-check nila ito. Madadamay lamang kami sa walang hanggang interogasyon kapag nahuli kami rito at siguradong magiging isa kami sa mga person of interest kahit pa na suicide ang nangyari.

Dumaan kami sa hagdan na nasa gilid ng building. Emergency stairs na daanan kaya hindi namin nakasalubong ang mga pulis.

Sa likod ng field din kami dumaan dahil siguradong makikita kami kapag tumawid kami sa field para lumabas ng paaralan. Tinatahak namin ang daan papuntang back gate nang walang nagsasalita. Nakikiramdam lamang siya sa akin at nakasunod. Mabuti na iyon dahil wala akong lakas para magsalita ngayon. Alam kong gusto niyang itanong kung bakit ako naroon at kasama sina Magnus at Luke. Gusto niyang itanong kung bakit hindi ko napigilan si Kove pero mas pinili niyang manahimik na muna.

Gusto ko ring itanong kung bakit nahanap niya ako roon? Paano niya nalaman na naroon ako? Pero hindi na muna 'yon mahalaga. Siguradong wala munang pasok sa mga susunod na araw kaya mas makapag-iisip ako ng mabuti.

I saw him, nakita ko siyang nanlilisik ang mga mata nang mapadaan siya sa amin kanina. Bakit hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga kilos niya kahit alam kong parang may mali. Kung sinunod ko ang aking intuwisyon, napigilan ko sana siya, buhay pa sana siya ngayon. 

Pero ang mga mata niyang nanlilisik, hindi ko mawala sa isip ko. Parang hindi siya ang kaniyang sarili. Mapupulang mga mata na walang bahid ng emosyon. Posible kayang hindi siya nagpakamatay sa sariling kagustuhan?

"H-helpp!" pagaw at walang lakas na sigaw ang biglang nagpatigil sa aking paglalakad. Hinarap ko ang presidenteng ngayon ay nahinto na rin.

"Narinig mo ba 'yon?"

"Ang alin?" tanong nito.

Pinakiramdaman ko ng mabuti ang paligid at hindi ako nagkakamali, nagmumula ang sigaw sa likod ng paaralan kung saan naroon ang botanical garden at building kung saan naroon ang sari-saring halaman at hayop na gamit sa mga scientific lessons at experiments ng school.

Narinig ko ulit ang sigaw ngunit ngayon ay mas mahina na ito kumpara sa kanina. Kung tutuusin ay hindi ito mapapansin kung hindi matalas ang iyong pandinig.

Blood of an Arrow (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now